CHAPTER 34

3.3K 116 5
                                    

Ken's POV.

Simula nung bata palang ako ay Best friend ko na si Baron, ang kuya ni Brent.

Ang Mommy ko at ang Mommy nila Brent ay mag bestfriend kaya madalas ako sa bahay nila Baron.

Hindi ko madalas makita si Brent sa bahay nila dahil mas madalas ito sa bahay ng Daddy nya. Habang si Baron naman ay sa Mommy nya nakatira.

Kaya si Baron ang mas madalas kong kausap at kasama.

Si Baron ang bestfriend ko ever since nung nasa elementary palang kami. Mas close ko siya kumpara kay Brent na kahit na mas matanda ito saakin ng isang taon.

Lagi itong nag kukwento saakin tungkol sa taong gusto nito. At lagi lang akong nakikinig sa mga sinasabi nito.

( Way Back on Junior high.)

Lagi kaming sabay na pumapasok ni Baron sa school. At parati nitong nababanggit saakin ang taong gusto nito.

" Ken!! ayun sya oh!! "

" Diba ang cute nya!! " sabi ni Baron habang naka turo ito sa isang estudyanteng nakaupo sa sulok ng Cafeteria.

Ito ang unang beses na nakita ko si Miles.

Napatitig lang ako sa kanya habang kumakain ito na mag isa sa cafeteria.

" Siya pala ang parating na kukwento saakin ni Baron" sabi ko saaking sarili habang nakatitig lang sa direksyon nito.

Hanggang sa tumingin ito sa direksyon namin. At nung pag tingin nito saakin ay para bang nakaramdam nalang ako ng pag bilis ng aking puso nung mas nasilayan ko pa ang mukha nito.

Tama naman ang mga kwento ni Baron saakin. Maitsura naman talaga ito at talagang nakakapang akit.

Kaya hindi ko masisisi si Baron kung bakit nag ka gusto ito sa isang lalaki.

" Balang araw mapapasaakin din sya! " pabirong sabi pa saakin ni Baron habang pinag mamasdan namin ito mula sa sulok ng Cafeteria.

Yun ang unang beses na nakita ko si Miles.

Ngunit lumipas ang mga araw ay para ba kaming naging stalker ni Baron dahil sa kakasunod namin kay Miles.

" Ikaw nalang! uuwi na ako! " sabi ko kay Baron dahil gusto nito na sundan namin si Miles at alamin kung saan ba ito nakatira.

" Dali na please!! " Pag pupumilit ni Baron saakin na sumama ako sa kanya.

" Pag sumama ka saakin ililibre kita ng skin sa Vallorant!!" pang aakit pa nito saakin.

Kaya dahil sa pangungulit nito saakin ay napapayag narin ako nito.

Pasimpleng sinundan namin si Miles nang hindi nito nalalaman. A para ba kaming stalker nito kakasunod sa kanya.

" Shhh!! wag kang mag hadali baka mamaya mapansin nya na sinusundan natin sya!" mahinang sabi saakin ni Baron dahil unti unti na kaming lumalapit kay Miles.

Hanggang sa nakarating nadin kami sa isang village. At mukhang dito nakatira si Miles.

Buti nalang ay hindi kami hinarang ng body guard ng village dahil hindi naman kami nakatira dito.

Hanggang sa biglaan nalang itong huminto.

Kaya agad naman din kaming napatigil ni Baron sa aming pag lalakad at pasimpleng nag tago.

Nakita namin itong pinulot ang isang ligaw na pusa mula sa kalsada at kanya itong hinawakan.

Nag katitigan nalang kami ni Baron dahil sa pag pulot nito sa isang kuting.

" Awwwww you're so cute!! " sabi nito sa kuting habang hinihimas himas nito ang ulo ng pusa.

" Iuuwi nalang kita samin miming!! " sabi pa nito saka bumalik sa pag lalakad nito.

Napangiti nalang ako sa kanya habang pinag mamasdan ito.

Hindi ko namalayan na nasisiyahan ako na pagmasdan siya habang kinakausap ang maliit na pusa, dahil mahilig din pala siya sa hayop kagaya ko.

Ngunit habang nag lalakad na ito at bitbit- bitbit ang isang kuting ay bigla nalang nakatakas sa kanya ang kuting at tumakbo ang kuting papunta sa direksyon namin ni Baron.

Laking gulat namin ni Baron nung biglang tumakbo ang kuting papunta saamin kaya agad namang tumingin si Miles sa direksyon namin para habulin ang maliit na pusa.

Ngunit dahil sa takot namin na makita kami ni Miles ay mabilis kaming tumakbo papalayo sa kaniya.

Kaya nag taka naman ito dahil sa biglaang pag takbo namin ni Baron. At akala pa nito ay takot kami sa isang maliit na kuting.

" Huh? " pag tataka ni Miles dahil sa biglaang pag takbo namin, saka agad naman nitong kinuha ang kuting.

" F*ck!! "

" Muntik na tayo doon ah!! " sabi ni Baron habang hinihingal dahil sa aming mabilis na pagtakbo.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko nung araw na'to, akala ko ay dahil lang saaming mabilis na pag takbo kaya bumilis ang pag tibok ng puso ko, pero hindi pala, dahil pala ito sa unti unti na akong nakakaramdam ng feeling mula kay Miles.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now