CHAPTER 41

3.2K 110 1
                                    

Hanggang sa lumipas ang mga oras.

Dahil sa kabagutqn ng iba kong mga kaklase ay nag aya nalang sila na mag laro ng spin the bottle sa malaking lamesa.

" Go! tara bet ko yan! " sabi ni Mariel saka agad na kumuha ng isang bote.

Dahil sa pag aaya nila ng pag lalaro ay muling na buhayan ang mga kaklase ko.

At diko inaasahan na mapatingin sa direksyon ni Brent at laking gulat ko ng naka tingin din pala ito saakin.

Kaya nginitian ko naman ito saka agad na umiwas ng tingin sa kanya.

" So ano Go na? " tanong ni Cris isa sa mga kaklase namin.

" Ok, ito ang rules. "

" Kung sino ang matatapatan ng bunganga ng bote ay gagawin nya ang dare na i-uutos ng matatapatan naman ng puwitan ng bote." pag papaliwanag ni Criss sa larong gagawin namin.

" Pero may other option panaman kung hindi kayang gawin ang dare na inuutos ng mag bibigay ng dare. "

"Kaylangan mong ubusin  ang isang baso ng wine nang tuloy tuloy! at ng hindi nang duduga! " sabi pa nito.

Kaya dahil sa pag papaliwanag ni Criss ay mas lalolng na excite naman ang mga kaklase ko at parang natutuwa sila sa mangyayaro.

" OMG !! Go! " Na eexcite na pag kasabi ni Mariel.

Hindi ako interesado sa larong gagawin nila kaya pinag mamasdan ko nalang sila habang aking iniinom ang juice na inabot saakin ng crew.

Hanggang sa nag simula nangang paikutin ni Criss ang isang bote ng Beer.

Matagal na umikot ito at ang lahat ay na eexcite kung sino ang matatapatan nito.

Hanggang sa bumagal na ang pag ikot ng bote at muntik pang tumapat ito saakin.

" Oh, bueno mano ka Mariel!! " sabi ni Criss dahil ito ang natapatan ng bunganga ng bote.

Napa ngiti nalang ako nung si Mariel ang natapatan ng Bote. Pero ayaw pumayag ni Mariel at gusto nitong ulitin ang pag ikot.

" Wala ulitin maduga, binangga mo! " pag bibintang ni Mariel kahit hindi naman ito na bangga.

" Wag kanang mag palusot! "

" Do your Consequence. " sabi pa ni Criss.

Hanggang sa panandaliang nag isip si Criss kung ano ang i de-dare nito kay Mariel. Hanggang sa lumapit sa kanya si Mica at may ibinulong ito sa tenga ni Criss.

" Ok! Ok! " Sabi ni Criss at mukhang natuwa ito sa binulong ni Mica sa kanya.

Na eexcite ang lahat kung ano ang i- dedare ni Criss kay Mariel habang si Mariel naman ay halata mo sa kanyang mukha ang pag aalala.

" Hindi ako nag utos nito ah, si President ang nag sabi nito."

" Ok eto ang dare."

" Mag tabi kayo ni Luis habang mag ka holding hands ang mga kamay nyo hanggang sa matapos ang laro! " pag banggit ni Criss sa kanyang dare kay Mariel.

Na shook nalang ako sa dare ni Criss kay Mariel at napatakip nalang ako ng aking bibig gamit ang kamay ko habang natatawa sa dare nito.

Natawa nalang ako sa reaksyon ni Mariel nung narinig nito ang dare sa kanya.

" Duhhhh!! ayoko nohh!! baka mag ka bacteria pa yung kamay ko pag nahawak ako sa mukhang bulate! " pang iinsulto ni Mariel kay Luis.

Kaya agad naman akong napatingin sa direksyon ni Luis ng naka ngiti, dahil gusto kong tignan ang magiging reaksyon nito dahil sa sinabi ni Mariel.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora