CHAPTER 45

3K 97 4
                                    

Agad na lumapit saakin si Ken habang nakangiti ito saakin.

" Miles!! " Masayang bati nito saakin habang pawis na pawis.

Binati ko naman ito dahil sa kanilang pagka panalo ngunit kay Brent padin naka focus ang attention ko dahil na i-insecure ako sa babaeng kasama nito ngayon.

" Congrats Ken! " Bati ko kay Ken saka pilit kong nginiti ang labi ko.

Ngumiti din saakin si Ken dahil sa pag ngiti ko sa kanya, ngunit napansin din nito ang pagtitig ko mula kay Brent.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na masaktan na makita si Brent na may kasamang iba.

Nakayakap kay Brent ang isang babae habang binabati ito sa kanilang pagka panalo.

Habang ako naman ay parang nadudurog ang puso ko na pag masdan silang dalawa na mag kayakap.

Napatitig nalang saakin si Ken dahil hindi ko namamalayan na namumuo na pala ang mga luha sa mata ko.

Hanggang sa lumapit na saamin ni Ken ang buong team kaya agad ko namang pinunasan ang namumuong luha sa mga mata ko.

" Yes!! napanalo natin ang game 1! " masayang sabi ni Mariel habang binabati ang buong team.

At bigla nalang nag aya si Luis na kumain sa labas dahil sa pagka panalo namin.

" Tara samgyupsal! " aya nito saamin.

Agad na pumayag ang buong team na kumain sa labas, liban nalang kay Brent dahil aalis daw ito kasama ang ex girlfriend nya.

Hindi ko alam kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa ngayon.

At ayoko naman maging paki alamera sa buhay nito dahil wala naman akong karapatan para pigilan si Brent sa gusto nito.

Walang Kami.

Kaya tinanggap ko nalang sa sarili ko na fuck buddy lang ako ni Brent at hindi ang jowa nito.

Natuloy kami sa aming pag labas ng hindi kasama si Brent.

Kahit na panalo ang aming team at masaya silang nag kukwentuhan about sa kanilang pag ka panalo ay hindi ko maiwasan ang malungkot dahil hindi ko matanggap ang katotohanan na baka mag ka balikan si Brent saka ang ex girlfriend nito.

" Ok kalang Miles? "

" Hindi kaba masaya sa pag ka panalo namin? " tanong ni Ken saakin dahil kaharap ko ito sa mesa at napapansin din nito na malungkot ang mga mata ko.

Kaya dahil sa sinabi nito ay napatingin naman saakin si Mariel.

" Oh Miles? bakit hindi kapa kumakain? "

" Saka ang lungkot lungkot mo? " tanong ni Mariel saakin.

Agad naman akong nag deny na ok lang ako.

Upang hindi na sila mag alala sa nangyayari saakin.

Lumipas ang mga oras ay natapos nadin kami sa aming pag kain.

Hanggang sa naka recieve ako ng text mula kay Brent.

" Asan ka? " text nito saakin.

Napa titig nalang ako sa text nito at hindi alam ang irereply kay Brent.

Pero dahil mahal ko si Brent.

Agad akong nag reply sa text nito. Sinabi ko sa kanya na nandidito ako ngayon sa samgyupsal kasama sila Mariel.

Hindi ko magawang hindi pansinin si Brent kahit na ito mismo ay hindi ako pinapansin kanina.

" Ok, susunduin kita dyan. " text pa nito saakin.

Mahal ko na si Brent dahil sa pagiging fuck buddy naming dalawa. At sino ba namang hindi mag kakagusto sa kanya dahil sa maamo nitong mukha at matitikas na katawan.

Kaya ayoko nang pakawalan pa si Brent at gusto ko nalang ay maging fuck buddy nito habang buhay.

Agad akong nag paalam kanila Ken at sa buong team na uuwi na ako dahil masama ang aking pakiramdam ngunit ang katotohanan ay makikipag kita lang ako kay Brent.

" Uuwi na ako, masama kasi ang pakiramdam ng tyan ko eh. " pag sisinungaling ko sa kanila.

" Oh? "

" Hatid na kita? " pag piprisinta ni Ken na ihatid nya ako gamit ang sasakyan nito.

Agad ko namang tinanggihan ang alok nito dahil baka malaman pa nito na makikipag kita lang ako kay Brent at hindi totoo ang mga sinabi ko sa kanila.

Kaya agad naman akong lumabas sa loob ng restaurant habang dismayado si Ken sa pag alis ko.

Lumayo ako ng bahagya sa restaurant na pinag kakainan nila upang sa ganon ay hindi nila ako makita.

Hanggang sa dumating nadin si Brent dala dala ang kotse nito na kulay itim.

Agad itong huminto sa tapat ko, saka ibinaba ang salamin nito ng sasakyan.

Nung nakita ko si Brent na naka ngiti at mukhang masaya ay unti unti nadin nawala ang galit mula sa puso ko.

Hindi ko manlang magawang magalit o mainis manlang sa kanya dahil ayokong wakasan ang pagiging fuck buddy ko sa kanya.

Agad na pinasakay ako nito sa sasakyan niya.

At walang pag aalinlangan ay agad din naman akong sumakay dito. Ngunit hindi pa nga ako nakaka upo ay hinila na nito ang amay ko papalapit sa direksyon nito.

Napatitig nalang ako sa mga mata ni Brent at nagulat dahil sa ginawa nya.

Unti unti nitong inilalapit ang mukha nya sa labi ko.

Wala na akong ginawa pa para pigilan pa ito kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata habang hinihintay na halikan ni Brent ang labi ko.

Ngunit nag assume lang pala ako na hahalikan ako ni Brent. Pero hindi naman pala.

Kaya napadilat nalang ako ng aking mga mata at umasa na hahalikan nito ang labi ko.

Pakiramdam ko ay napahiya ako sa aking sarili dahil sa pag a-assume ko. Kaya agad nalang akong umiwas ng tingin kay Brent dahil sa pag eexpect ko na hahalikan ako nito.

Natawa nalang si Brent dahil siguro sa pag aasume ko, kaya akin nalang binaling ang aking tingin sa gilid ng bintana ng sasakyan.

Hanggang sa nag simula na ito sa kanyang pag da-drive.

Inaasahan ko na dadalhin ako nito sa kanyang apartment dahil mukhang gusto nitong gawin ang nais nya saakin.

Ngunit nag kamali pala ako.

Huminto kami sa tapat isang convenient store at nag taka naman ako kung bakit ito huminto.

Doon ko napagtanto na nandoon pala ang Ex nito.

Hanggang sa ibinaba ni Brent ang windshield ng sasakyan nito upang tawagin ang ex niya.

" Crissel!! " pag tawag ni Brent sa pangalan ng Ex nito.

Agad na lumabas ito sa convenient store dala dala ang mga pinamili nito.

At kita mo sa mukha ni Brent ang saya habang naka tingin ito sa Ex nito.

Ang akala ko na ako lang ang ihahatid nito ay hindi pala, kasama ko pa ngayon ang ex nito sa sasakyan.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now