CHAPTER 59

3.2K 121 12
                                    

Hanggang sa tuluyan nangang nilisan ni Brent ang tapat nang aming bahay habang ako ay tuluyan nyang sinira ang pasimula ng maganda kong araw.

Kaya sinundo ko nalang si Miles sa kanilang bahay upang sabay na pumasok.

Ngunit na ngangamba padin ako sa mga sinabi ni Brent saakin.

" Ok kalang Ken? " tanong ni Miles saakin dahil pansin nito ang pangamba ko dahil sa mga kinikilos ko.

" Oh,, Oo Ok lang ako! " Sagot ko naman kay Miles saka nginitian ito.

Nginitian din ako nito habang ako ay patuloy sa aking pag mamaneho.

Hanggang sa pumasok nalang sa isip ko na hindi ako dapat ang mabahala.

At ang dapat na mabahala samin dalawa ni Brent ay siya.

Dahil ako ang kasama ni Miles ngayon.

At ako rin ang makakasama nito sa pang habang panahon.

Hanggang sa nakarating nadin kami ni Miles sa loob ng aming campus.

MILES POV.

Magka sabay kami ni Ken na pumasok sa aming classroom.

Hindi pa nag sisimula ang klase kaya magulo at maingay pa ang loob ng aming classroom.

Nakita ko si Brent na kausap si Luis at Mariel.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nag uusap ang mga ito.

Hanggang sa napansin ni Mariel ang pagdating namin ni Ken, kaya agad nitong kinalabit si Brent na para bang pinatitigil niya ito sa pag sasalita nya.

Pansin ko ang biglang pag tahimik ng tatlo nung dumating kami ni Ken.

Hindi ko alam kung saan patungkol ang pag uusap nila pero curious din ako na malaman ito.

Kaya nung nag sibalikan na sila sa kanilang mga upuan ay pasimpleng tinanong ko si Mariel kung ano ang pinag uusapan nila ni Brent dahil na cu-curious lang talaga ako.

Ngunit mukhang ayaw sabihin ni Mariel saakin ang mga pinag usapan nila.

" Owww, Its nothing " saad nito saka ngumiti saakin.

Kaya hindi kona pinilit pa si Mariel na sabihin saakin ang mga pinag usapan nila ni Brent dahil anong magagawa ko kung ayaw din nitong ipaalam saakin ang mga pinag usapan nila.

Hanggang sa biglaan akong tinanong ni Mariel patungkol sa Zambales.

" Miles, diba sasama ka sa Zambales next week? " Tanong nito saakin.

Tumingin naman ako kay Mariel para sagutin ang tanong nito.

tumango naman ako sa kanya na ibig sabihin ay " Oo."

Napangiti ito sa sagot ko saka niyakap ako.

" OMG Miles! " masayang sabi nito saakin saka bigla akong niyakap nito nang hindi ko alam ang kadahilanan.

Siguro ay masaya lang ito dahil sasama ako kaya niyakap ako nito, o baka may mas malalim pasyang reason kung bakit biglaan akong niyakap ni Mariel ng dahil lang sa simpleng sagot ko.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now