CHAPTER 49

3K 108 7
                                    

Kinabukasan.

Mahimbing na natutulog si Miles sa kanyang kama habang bakas sa mga mata nito ang luha na dulot ng kahapon.

Nagising nalang si Miles dahil sa tawag ng kanyang Mommy na nanggagaling sa sala.

" Miles!! May bisita ka." Sigaw ng Mommy ni Miles.

Ayaw pa sanang bumangon ni Miles dahil masama ang pakiramdam nito.

Ngunit nang binanggit ng Mommy ni Miles kung sino ang bisita nito ay bigla nalang itong napabangon.

Miles POV.

" Miles, Nandito si Brent, hindi ka ba papasok? "

" May laban kayo ngayon diba? " Tanong ni Mommy saakin mula sa sala.

Kaya nung narinig ko na nandidito si Brent saamin ay bigla nalang akong na pabangon mula saakin pag kakahiga.

" Ba- Bakit sya nandidito? " tanong ko saaking sarili habang mabilis na bumangon saaking pag kakahiga.

Hindi ko magawang magalit kay Brent kahit na nasaktan ako sa ginawa nito. Pero ayoko naman na wakasan ang pagiging f*ck buddy ko sa kanya dahil lang sa mga nakita ko.

Siguro may dahilan naman ito kung bakit mag kasama sila ni Crissel nung mga araw na'yon.

Siguro may sapat na rason sya kung bakit hinalikan nya si Crissel.

Kaya eto ako ngayon, handang kalimutan ang mga nakita ko dahil ayokong sayangin ang pag kakataon na baka lumayo pa ito saakin. Kaya handa akong mag bulag bulagan para lang sa lalaking mahal ko.

Agad akong lumabas ng aking kwarto upang silipin kung nandirito nga saamin si Brent.

Naka upo ito saaming sofa at nakatingin sa mga mata ko nung lumabas ako saaking kwarto.

Nakangiti ito saakin nung nakita ako nito na lumabas sa aking kwarto.

Nag tagpo ang mga mata namin at unti unti akong nakaramdam ng pag bilis nang pag tibok ng  aking puso nung nakita ko ito na nakangiti sa pag labas ko.

Para bang nawala ang bigat sa puso ko nung nakita ko ang mukha ni Brent na masaya saakin.

" Be-Brent? "

" Anong ginagawa mo dito? " bungad na tanong ko kay Brent habang nakangiti.

Agad itong tumayo sa kanyang pag kakaupo sa aming sofa upang lapitan ako.

" Ahhh, Gusto ko sanang sabay tayo sa pag pasok ngayon. " sabi nito saakin habang naka ngiti.

Tuluyan na ngang nawala ang poot sa puso ko nung nakita ko si Brent.

Kaya agad akong nag bihis at naligo upang sabayan si Brent sa aming pag pasok

Ang plano kong hindi pag pasok sa araw na ito ay bigla nalang nag bago, dahil sa biglaang pag dating ni Brent saamin.

Hindi ko alam na ganito pala ako karupok pag dating kay Brent, parang kahapon lang ay halos hindi ko na alam ang aking gagawin dahil sa sakit ng puso ko. At ngayon ay para bang bigla nalang nag bago ang ihip ng hangin at bigla nalang napawi ang lahat ng sakit nito nung sinundo ako ni Brent mula sa bahay namin.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now