CHAPTER 3

6.4K 163 5
                                    


Nag patuloy pa ang mga araw at tanging ganon lang ang nangyayari, patuloy lang ako sa pag kuha ng larawan kay Ken ng hindi nito nalalaan.

Si Ken ang inspirasyon ko kaya ako sumusulat ng mga likhang isip kong istorya sa wattpad.

Para bang pag nakikita ko ito ay na momotivate ako na sumulat ng isang libro.

Ako ang main character at si Ken naman ang lover ko.

Kaya habang nag susulat ako ng notes sa aking cellphone about sa amin ni Ken ay naka recieve ako ng isang email na nag papa update sa story na gawa ko about samin ni Ken.

" Author, mag update kana po nang next chapter, nacu-curious ako sa nangyari sa inyo ni Ken. " pag ka basa ko sa email.

Wattpad lang ang pinag kakaabalahan ko pag kauwi ko ng bahay dahil wala rin naman akong kaibigan at wala din naman akong masyadong ginagawa kaya sa pag gawa ko nalang nang story ginugugol ang aking mga oras.

Kinabukasan.

( Lunch time.)

P.E ang last subject namin, kaya habang lunch time palang namin ay maaga na akong nag palit ng aking P.E uniform para hindi na hassle pag dating ng time namin sa P.E.

Kaya nung matapos na akong kumain sa cafeteria ng aming school na nag iisa, ay nag pasya na ako na pumunta sa P.E room namin dahil maaga gaganapin ang P.E class namin ngayon dahil may mga physical activity kasi kaming gagawin kaya need na maaga itong matapos.

" Miles Levin " tawag ng prof ko sa pangalan ko.

" Present! " sagot ko.

" For today ang P.E nyo ay 40 meters sprint."

" What?! "
" No?!! " tanggi ng mga kaklase kong babae.

P.E ang pinaka hate kong subject dahil hate ko ang mga physical activities na ginagawa sa P.E.

" Wag na kayong mag reklamo, at iwan nyo na ang gamit nyo dito sa room dahil pupunta tayo sa gym at doon gaganapin ang 40 meters sprint. " Utos saamin ng Prof namin sa P.E na si sir Ernesto.

" Awww, i hate this! " sabi ni Mariel isa sa mga kaklase kong babae.

Kaya agad ko namang iniwan ang mga gamit ko sa bag ko, ngunit nag aalinlangan ako kung iiwan koba ang cellphone ko or dadalhin ko nalang ito.

" Brent tara na! ang tagal mo! " aya ni Ken kay Brent para maka punta na kaagad sila sa gym.

" Mauna na kayo may aasikasuhin lang ako! " Pag tanggi naman ni Brent sakanila.

Dahil gusto kong maki sabay kanila Ken ay iniwan ko nalang ang phone ko sa loob ng bag ko, at agad na sumunod kanila Ken.

Makalipas ang ilang mga oras.

" Hah... hah. hah..." Pag haabol ko saaking hininga.

" Ok lahat naman ay naka takbo diba? " Tanong ni Sir saamin.

" Yes po sir! " sagot naman ng President naming si Mica.

" Ok, class dismiss, maari na kayong bumalik sa room para maka uwi ng maaga " Sambit ni sir.

" I hate the smell of sweat " sabi ko saaking sarili saka bumalik na sa room para kunin ang mga gamit ko at deretso nang umuwi.

Kaya habang nag lalakad na ako palabas nang gate ng school ay nag pasya ko na tignan ko muna ang cellphone ko kung anong update sa wattpad ko.

Ngunit pag tingin ko sa loob ng bag ko ay hindi ko makita ang cellphone ko.

Halos ilabas ko na ang lahat ng gamit ng bag ko ay di ko talaga makita ang cellphone ko.

"F*ck! " sabi ko saaking sarili habang pinag papawisan.

Kaya agad akong bumalik sa classroom namin sa P.E upang tignan baka nahulog lang ito sa loob ng room namin.

Ngunit naka lock na ito at wala nading tao saloob ng room.

Kaya nag pasya ako na silipin ito sa loob ng room ngunit hindi ko talaga makita ang cellphone ko.

Hanggang sa may tumawag sa pangalan ko.

" Miles! anong ginagawa mo? " tanong ng Class President naming si Mica.

" Ahhh, nawawala kasi ang phone ko eh, kaya bumalik ako ng room para hanapin ito." sagot ko dito.

" Huh? wala naman kaming nakitang phone, kasi kami ang cleaners eh." Sagot naman ni Mica.

" pero sige, kakausapin ko ang mga kaklase natin bukas kung nakita ba nila ang cellphone mo."

" Sa ngayon kasi eh, nag uwian na sila kaya hindi nadin natin sila maitatanong." dagdag pa nasabi ni Mica.

Kaya agad naman akong nag pasalamat sa kabaitan nito saakin.

" Thank you president. " pag papasalamat ko.

Kaya wala nakong nagawa kundi ang umuwi nalang habang iniisip ko ang cellphone ko.

Ang ikinakatakot ko kasi ay walang password ang cellphone ko at ang laman ng gallery ko ay ang picture ni Ken.

" F*ck it driving me crazy!" sabi ko saaking sarili habang naka higa sa aking kama.

Kaya dahil sa pagka bagot ko ay ginamit ko nalang muna ang loptop ko at saka nag browse sa facebook.

May isang notification on my messenger at may mukhang nag message saakin.

Kaya dali dali ko itong tinignan at si President Mica pala.

" Miles, tatanongin ko ang mga classmate natin sa GC kung nakita ba nila ang phone mo." sabi nito sa chat.

Kaya nag like zone lang ako dito.

Hanggang sa nag chat nanga sa gc namin si Pres. at agad naman nag sisagot ang mga kaklase ko na wala naman daw silang nakita.

Kung tutuusin ay wala naman talaga akong paki sa Cellphone ko, ang ikinababahala ko ay baka ipag kalat ng taong nakapulot ang laman ng gallery ko at malaman ni Ken na pinipicturan ko ito ng patago.

At kung mangyayari ito ay baka maulit uli saakin ang nangyari noon saakin nung nasa junior high pa ako, na alam ko sa sarili ko na ayaw ko na itong mangyari.

Hanggang sa nag pop up nalang sa laptop ko ang isang email.

Naka recieved ako ng isang email sa hindi ko kilalang tao.

Kaya agad ko naman itong tinignan at laking gulat ko ng pag click ko dito ay may naka lagay na " I know your secret! " At puro larawan ni Ken na nasa gallery ko.

Bigla akong kinabahan dahil may naka pulot pala ng cellphone ko at alam na nito ngayon ang tinatago kong sikreto.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now