CHAPTER 51

3.2K 121 18
                                    

Hanggang sa makarating ako ng restroom at doon ko narinig ang isang himig na para bang may umiiyak sa loob ng cr.

Dali dali kong pinuntahan ito dahil malakas ang loob ko na si Miles ito.

" Miles? " " Ok kalang ba? " pag aalalang tanong ko habang kumakatok sa pintuan ng Cr nito.

Hanggang sa napahinto ito sa kanyang pag hikbi at mukhang hindi kumikibo.

" Miles, ako ito si Ken. " pag aalala ko.

Ngunit hindi ito kumikibo sa loob ng Cr.

Hanggang sa binuksan na nito ang pintuan ng Cr, at bumungad saakin ang mga matatamlay nitong mata dahil sa pag iyak.

Agad itong nag punas ng kanyang mga luha na bumabagsak sa mata nito saka muling bumalik sa sigla nito na para bang walang nangyari.

" Oh? ikaw pala Ken. " Nakangiting bati nito saakin na para bang walang nangyari kahit na bakas sa mukha nito na galing ito sa pag iyak.

At hindi ko na napigilan pa ang nararamdaman ko na mag alala para kay Miles kaya niyakap ko ito ng mahigpit na para bang ayaw ko nang pakawalan sya sa mga bisig ko.

" Miles!! pwede bang ako nalang? "

" ako nalang sana ang mahalin mo? " Saad ko kay Miles habang nakayakap ng mahigpit dito at para bang ayaw ko nang pakawalan siya.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya at mukhang nagulat din ito sa mga sinabi ko.

Hanggang sa unti unti nitong inaalis ang mahigpit na pagkayakap ko sa kanya.

Kaya wala nadin akong nagawa kundi alisin ang pagyakap ko kay Miles.

" Ken, bakit ngayon lang? "

" Bakit ngayon mo lang sinabi sakin to?" naluluhang sabi nito saakin.

Napa tulala nalang ako sa reaksyon ni Miles habang unti unting pumapatak ang mga luha sa mga mata nito.

" Kung maaga molang sinabi saakin ang lahat ng nararamdaman mo kung sana hindi natin pareho mararanasan ang sakit ng lahat ng ito."

" Ken huli na! "

" ayoko nang masaktan pa! "

" Kaya salamat sa pag aalala mo dahil ayoko na ! "

" Ayoko nang sumubok pang muli. " Sabi nito ng direkta sa mukha ko habang halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Hanggang sa unti unti na itong nag lalakad papalayo saakin at halos hindi ko maigalaw ang buong katawan ko at para bang naging statwa na ako na nakatayo at hindi ko manlang magawang sundan si Miles dahil sa mga sinabi nito saakin.

Pero ayokong mag sisi sa huli na hindi ko manlang ipinag laban ang damdamin ko sa kanya kaya dali dali akong tumakbo upang sundan ito.

Hanggang sa agad kong hinila ang kamay nito upang pigilan ito sa pag lalakad nito.

" Miles! " wika ko sabay tumitig ng direkta sa mukha ni Miles habang pumapatak ang aking mga pawis dahil sa pag habol ko dito.

Kahit na maraming tao sa paligid ay mas nanaig padin ang kagustuhan ko na maka usap siya.

" Miles "

" Handa akong tulungan ka "

" Handa akong mag pagamit hanggang sa mawala ang feelings mo para sa kanya. "

" kaya Miles, wag mo sanang isarado ang puso mo para sa ibang tao. Nandito lang ako mag papagamit hanggang sa maka move on ka sa kanya. " Desperadong sabi ko sa kanya kahit na alam ko sa sarili ko na walang patutunguhan ang mga sinabi ko.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant