CHAPTER 7

5.4K 151 2
                                    


Wala akong nagawa kundi ang mapatigil sa harap ng pinto ni Brent, ayoko naman na sabihin nito ang nalalaman nya kay Ken kaya wala akong nagawa kundi harapin muli si Brent.

" Oh, akala ko ba'y aalis kana?" Naka ngising sabi nito saakin.

Nakatitig lang ako sa kanya habang namumuo na ang mga luha sa mga mata ko.

Gusto kong saktan si Brent dahil sa ginawang panloloko nito saakin ngunit hindi ko ito magawang saktan dahil may alas sya na pwedeng panlaban saakin, yun ay ang pwede nyang ikuwento kay Ken ang mga nalalaman nya tungkol saakin.

" A.. ano bang gusto mong mangyari? kung gusto mo ng pera bibigyan kita!" derestahang sabi ko kay Brent.

Ngunit mukhang hindi pera ang gusto nito saakin.

Hanggang sa ngumisi ito saakin habang naka kagat sa labi nya.

At biglang nalang nag ring ang cellphone ni Brent, kaya agad nya namang sinagot ang tumatawag sa kanya.

" Hello Brent? " Tawag sa kabilang linya.

" Ohh, Ken." sabi ni Brent habang nakatingin saakin nang naka ngisi.

" nasa tapat nako ng apartment mo,, pupunta naba ko dyan? " Sabi ni Ken sa kabilang linya.

Narinig ko ang kanilang pag uusap dahil naka loud speaker si Brent at mukhang pinaririnig talaga nito saakin ang kanilang usapan.

Kaya dahil sa mga narinig ko ay para bang sasabog na ang puso ko dahil sa kaba.

Agad akong lumapit kay Brent at lumuhod sa harap nito para mag maka awa na wag sabihin ang totoo kay Ken.

" Brent please! im begging you wag mo namang gawin sakin to! " pag mamaka awa ko kay Brent habang naka luhod sa harap nito.

Naka tingin lang saakin si Brent habang nag mamakaawa ako sa kanya.

" Brent may kasama ka bayan? " tanong ni Ken sa kabilang linya.

Nagulat ako sa narinig ko, kaya agad kong hinawakan ang kamay ni Brent at nag maka awa dito na wag sabihin ang totoo.

" Gagawin ko ang lahat please Brent! wag molang sabihin ang totoo kay Ken! " pag mamakaawa ko kay Brent habag unti unting pumapatak ang mga luha sa mga mata ko.

Hanggang sa hinawakan ni Brent ang mukha ko at pinunasan nito ang mga luha na pumapatak sa mukha ko gamit ang kamay nito.

" Bukas ko nalang pala sasabihin sayo, busy ako! " Sagot ni Brent sa tawag ni Ken habang nakatingin sa mga mata ko.

" Ano?! kaylan nandirito na ako sa apartment mo tapos sasabihin mo na bukas mo nalang ikukwento?!" Galit na sabi ni Ken sa kabilang linya.

" May kasama ka ngayon noh? " Tanong ni Ken kay Brent.

Napatingin ako sa mga mata ni Brent dahil natatakot ako na baka sabihin nito na nandirito ako ngayon sa apartment nya.

Hanggang sa nag salita uli si Ken sa kabilang linya.

" Papunta nako dyan! " Sabi ni Ken sa tawag nito.

At nag simula na nang tumibok ng napaka bilis ang puso ko napara bang sasabog sa lakas, dahil maya maya lang ay nandidito na si Ken at malalaman nito na nandidito rin ako sa apartment ni Brent.

Hanggang sa naka rinig nalang ako na may kumakatok na sa pinuan ng apartment ni Brent at mukhang huli na ang lahat, nandidito na si Ken sa harap ng pintuan ni Brent at pilit nitong binubuksan ang pintuan ng bahay nito.

" Hoy Brent! buksan mo tong pinto! " sigaw ni Ken sa tapat ng pintuan ni Brent.

Dali daling hinawakan ni Brent ang kamay ko at agad ako nitong tinago sa loob ng malaking closet nya.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now