CHAPTER 19

4.1K 129 3
                                    


Hindi ako maka paniwala ngayon na nasa harap ko na si Ken.

" Miles, pwede bang makahingi nang bottled water? " Tanong ni Brent saakin habang pawis na pawis dahil sa pag lalaro nito ng basketball.

"Ah! Sure! " Sabi ko Kay Ken habang hindi maka tingin sa mga mata nito.

Agad kong inabot sa kanya Ang Isang bote nang tubig at agad itong umupo sa upuan na malapit saakin.

Hindi ko alam Ang nararamdaman ko sa ngayon at para bang sasabog ang puso ko dahil sa bilis nang pag tibok nitong puso ko.

Hanggang sa nag salita uli si Ken habang naka upo ito sa upuan malapit saakin.

" Miles, pano kayo naging close ni Brent? " Tanong nito saakin pag katapos uminom nang kanyang tubig.

Nabigla ako sa pagtanong nito saakin, at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil mukhang na memental block ako pag kausap ko si Ken.

" Ahhh,....eehhh, " kinakabahang sagot ko Kay Ken habang hindi makatingin nang direkta sa mga mata nito.

Hanggang sa tumayo na uli ito sa kanyang pag kaka upo at saka inilagay nito sa ulo ko ang bimpo nito na pinag punasan nya nang pawis nya.

" Miles. " Banggit nito sa pangalan ko, Saka inilagay sa ulo ko ang basa nitong bimpo dahil sa pag punas nito ng pawis nya.

Agad na bumalik na si Ken sa pag lalaro nito Ng basketball habang iniwan nito ang bimpo nya na nakapatong sa ulo ko.

" What the!! " Sabi ko saaking sarili habang hindi maka paniwala sa mga nangyayari.

At agad na lumapit saakin si Mariel at para bang tuwang tuwa ito dahil sa nakita nya na paglagay ni Ken ng bimpo sa ulo ko.

" OMG Miles!!! " Sabi ni Mariel saakin naparabang kinikilig at hinahampas panito ang likod ko dahil sa tuwa.

" Anong nangyari! Bakit may palagay nang bimpo sa ulo?! " Tanong pa ni Mariel habang kinikilig.

" Shhh!!! Wag Kang maingay baka may makarinig!" Pag pipigil ko Kay Mariel dahil sa lakas nang boses nito.

" So bakit nga may palagay nang bimpo sa ulo?! " bulong nitong Sabi saakin napara bang naeexcite.

" Wala! Hindi kodin alam! " Sagot ko sa kanya.

Ngunit sa kanilang banda naman ay nakita ni Brent ang paglagay ni Ken ng bimpo sa ulo ni Miles, at napapansin din nito ang abot Hanggang tengang ngiti ni Miles dahil sa kilig na ginawa ng kaibigan nito.

" Tsk! " Mahinang ni Brent Saka napa ngisi nalang, habang pinag mamasdan si Miles.

Miles POV.

Naka upo ako ngayon sa gilid nang Isang upuan malapit sa pinag papractice-an nila Ken, at kasama ko si Mariel na manood sa kanila.

Hawak hawak ko ang bimpo ni Ken at hindi padin makapaniwala sa ngayon.

Hanggang sa tumingin sa direksyon ko si Ken habang nag lalaro ito nang basketball at nginitian ako nito.

Hindi ko alam kung anong nangyayari bakit napapansin ko na napapadalas Ang tingin ni Ken saakin habang nag lalaro ito nang basketball.

" Kalma Miles!! Wag Kang assuming!! " Sabi ko saaking sarili upang pigilan Ang mga nararamdaman ko.

Hindi ko mapigilan ang emosyon ko na kiligin kay Ken Kasi pag nakaka shoot ito nang bola ay panay ang tingin nito sa direksyon ko.

Hindi ko alam ang nangyayari kung bakit ito tumitingin saakin pag nakaka shoot ito, at pakiramdam ko ay par aba itong nag papasikat saakin.

" F*ck!! Ken!!! Wag mokong paasahin!! " Sabi ko saaking sarili Saka yumuko nalang dahil sa hiya.

Hanggang sa natapos na nga Ang Araw nang aming pag papractice.

Agad na lumapit sa direksyon ko si Ken, para kunin ang bimbo nito na nasa akin.

Kasama nito si Brent at Luis na lumapit saakin.

" Ahmm, nice play. " Bati ko Kay Ken Saka inabot ko dito ang bimpo nito .

Ramdam kong nakatitig saakin si Ken habang naka Yuko lang ako dahil sa hiya.

Ngunit bigla nitong ipinatong ang kamay nito sa ulo ko habang umiinom nang tubig.

Nakatitig si Ken saakin habang umiinom ito nang tubig.

" Thank you! Miles! " Sabi nito saakin, habang nakatitig at umiinom nang tubig.

Napatingin ako sa mga mata nito at talagang nag tugma ang mga mata namin nang hindi sinasadya.

Agad akong lumayo kay Ken dahil baka makahalata ito na may gusto ako sa kanya.

" You're Welcome!! " Sabi ko Kay Ken, Saka mabilis na lumayo Dito.

Ngunit habang lumalayo ako Kay Ken ay napansin ko na naka titig saakin si Brent at talagang mag ka salubong Ang kilay nito.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now