CHAPTER 27

3.6K 119 2
                                    


Kaya lumipas ang mga oras ay nag simula nadin ang klase namin sa research.

" Ok, i gu-group ko na kayo sa lima, at kung sino ang makakagroup nyo ay ito na ang magiging permanent groupings nyo para sa research project." sabi ni Maam Joyce saamin.

" Stephen Sandoval, Renz Rivera, Cristiana Mariel Salazar, Luis Sendo Carpio, and Brent Alzaine Luigi."

" Kayo kayo ang mag kaka group para sa group 1, kaya mag isip na kayo na kung sino ang pwede nyong gawing leader! " sabi ni Maam Joyce sakanila.

Napatingin saaking direksyon si Mariel at para ba itong natutuwa dahil mag ka group sila ni Brent.

" OMG ! mag ka group kami!! " mahinang sabi ni Mariel saakin mula sa kabilang linya ng upuan na para bang kinikilig.

Kaya agad ko naman itong nginitian upang ipakita sa kanya na masaya ako na mag kagroup silang dalawa.

" For Group two. Miles Levin, Mica Reign Devalye, Ken Asten Lim, Kurt Galang, and Vince Dela Cruz. " banggit ni Maam Joyce sa group two.

Laking gulat ko nang ibinanggut ni Maam Joyce ang pangalan ni Ken, at mukhang mag ka group kami sa aming research project.

Kaya napangiti nalang ako nung nalaman ko na magiging mag ka group kami ni Ken sa aming Research.

Hanggang sa napatingin ako sa direksyon ni Brent ng hindi sinasadya at napansin ko na naka tingin din ito saakin.

Nagulat ako nung nag tama ang mga mata namin at mukhang seryoso ang mga tingin nito. kaya agad ko namang binawi ang tingin ko sakanya saka agad na tumingin kay maam Joyce.

" Ok, guys ang deadline ng ating research proposal ay March 01, kaya mayroon pa kayong mahigit na 1 month para tapusin ito."

" and that's the end of our discussion, see you next week! " Sabi ni Maam Joyce saka umalis na ito sa room namin.

Agad na lumapit saakin si Mariel at mukhang masayang masaya ito.

" Gashhh!! bakit ang swerte nating dalawa!! " bungad na sabi nito saka umupo sa tabi ko.

" Ka group ko si Papi Brent! then ka group mo naman ang oppa mong si Ken!! " Mahinang sabi nito saakin na para bang tuwang tuwa.

Natawa nalang ako sa mga pinag sasabi nito, at bigla nalang nag lumapit si Luis saamin para bwisitin  si Mariel.

" Hayss!! ang daming makaka group bakit sa panget pa ako napunta! " pag paparinig ni Luis kay Mariel.

Si Luis at Mariel ay mortal na mag kaaway. Simula nung Junior high palang ang mga ito ay lagi na silang nag aasaran.

" Wow Hah!! Hiyang hiya naman ako sayo noh!! akala mo kung sinong pogi eh mukha namang bullfrog!! " pag paparinig ni Mariel kay Luis.

Dahil sa sinabi ni Mariel ay nag tawanan ang mga kaklase ko, Kahit ako ay natawa sa sinabi nito pero agad ko din na pinigilan ang pag tawa ko dahil baka makita ako ni Luis na tumatawa.

"Ah...  " mahinang sabi ni Luis na para bang naiinis.

" Kung ako mukhang bullfrog! ikaw mukhang hito! " sabi ni Luis saka pinag tawanan si Mariel.

Pasimpleng tumatawa si Brent nung narinig nito ang pang aasar ni Luis kay Mariel at mukhang napansin ito ni Mariel kaya talagang nagalit ito kay Luis.

" Ano!! bawiin moyang sinabi mo!!" galit na galit sabi ni Mariel saka tumayo.

Pero pinag tatawanan lang ito ni Luis, at lalo pa itong ina asar.

Kaya dahil napansin ni Mariel na pasimpleng tumatawa si Brent ay sobrang nainis ito kay Luis.

kinuha nito ang notebook nya saka ibinato kay Luis.

Tinamaan nito si Luis sa katawan nito, kaya agad namang gumanti si Luis at ipinukol din nito ang notebook ni Mariel sa ulo nito.

" Ahhh! " sabi ni Mariel dahil tinamaan ito sa ulo.

Nagtatawanan lang  ang mga kaklase ko sa pa aaway ni Luis at Mariel, ngunit ako ay inaawat ko na si Mariel sa pakikipag away nito.

Pero gusto pang gumanti ni Mariel kay Luis dahil tinamaan ito sa ulo ng notebook nya.

Kaya agad nitong inilibot ang mata nito at saka nag hanap ng maaari niyang ipukol kay Luis.

Hanggang sa napansin nito ang isa kong kaklase na umiinom ng milktea, at dali dali nya itong kinuha upang ibalibag kay Luis.

Ngunit hindi pala ito naka sarado ng mabuti, kaya bago pa nito ipukol kay Luis ay natapon na ang Milktea sa ulo ko.

Nagulat ang lahat sa nangyari, at pati narin ako.

Tumapon sa ulo ko ang laman ng milktea at talagang basang basa ako.

Nakatingin silang lahat saakin habang gulat na gulat, at natigil nadin ang dalawa sa kanilang oag aaway dahil sa nangyari.

" Ayan tignan mo yung ginawa mo oh!!" sabi ni Luis kay Mariel.

" OMG Miles! im so sorry! " pang hihingi ng tawad saakin ni Mariel dahil sa nangyari.

Agad na kumuha ng tissue si Mariel at pinunasan ako nito habang natataranta.

" Im so sorry Miles!! " sabi nito saakin habang pinupunasan ako.

Wala akong extrang uniform o damit manlang, paano ako mag kaklase kung ganito ang uniform ko, basang basa ito ng milktea.

" Ok lang. " sabi ko sakanya upang hindi na ito mag alala pa.

Agad na tumingin si Mariel ng masama kay Luis at talagang inis na inis ito.

" Kasalanan mo toh!! " galit na sabi ni Mariel kay Luis.

At laking gulat ko nalang ng biglang lumapit saakin si Brent.

Nag hubad ito ng uniporme nya at ibinigay saakin. Napatulala nalang ang lahat sa ginawa ni Brent at agnun din si Ken at Mariel ay hindi makapaniwala sa ikinilos ni Brent.

" You can use mine." sabi nito saakin saka inilagay sa lamesa ko ang uniporme nito.

Nagulat ako sa sinabi nito at napatitig nalang sa mukha nito habang inilagay niya ang uniporme nya sa lamesa ko.

Naka T-shirt naman ito kaya ipinahiram nya saakin ang polo nya.

Dahil wala nadin akong choice, kaya tinanggap ko nadin ang alok nito na pag papaheram sa polo nya.

Agad na akong nag punta sa cr ng school namin upang mag palit ng uniform ko at mag ayos na din.

Kaya habang nasa loob ako nang cr ng school ay nakita ko ang sarili ko sa isang malaking salamin habang suot-suot ang malaki at dikasyang uniporme ni Brent saakin.

" F*ck! paanong nangyari na suot-suot ko ngayon ang uniporme ni Brent! " sabi ko saaking sarili habang naka tingin sa malaking salamin at aking naaamoy ang matapang na pabango nito na naka kapit sa uniporme nya.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now