CHAPTER 57

3.3K 136 13
                                    

Hanggang sa unti unti kong inilalayo si Brent sa akin.

Ngunit ayaw nitong pakawalan ang pag halik nito saakin.

Hanggang sa itinulak ko na ito ng malakas upang sa ganon ay matauhan siya sa ginagawa nya.

" Brent ano ba! " inis na sabi ko sa kanya.

Hanggang sa seryoso itong tumingin ng direkta sa mata ko.

" Miles!! I miss you! " sabi pa uli nito saakin saka aakmang yayakapin ako.

Ngunit agad ko nang iniwas ang sarili ko sa kanya dahil alam ko na epekto lang ito ng kalasingan nya kaya niya nasasabi ang mga ganito.

" Brent ano ba! "

" Lasing kalang kaya ka nag kakaganyan! " naiinis na pag kasabi ko sa kanya kahit na ang totoo ay gusto kong malaman at lumabas din sa bibig ni Brent na mahal ako nito.

Gusto ko padin si Brent.

Gustong gusto ko padin sya.

Ngunit hindi pala ito ang mga rason nya kaya sya naparito.

Hanggang sa panandaliang tumahimig ang aming paligid.

" Miles."

" Alam ko na gusto mo ako. nararamdaman ko na may gusto ka saakin. " deretsahang sabi ni Brent saakin habang lasing na lasing ito.

Halos hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko ngayon at halos hindi ko manlang magawang masagot ang mga sinabi nito saakin.

Dahil totoo.

Totoo na gusto ko sya.

Pero ayokong umamin.

Dahil hinihintay ko na siya ang unang umamin sa aming dalawa.

Pero mali pala ako. Ang akala ko na gusto rin ako ni Brent sa mga oras na ito ay hindi pala, iba pala ang pakay nya kung bakit siya naparito.

Hanggang sinabi ni Brent saakin ang kanyang dahilan kung bakit siya naparito ng ganitong oras.

" Miles, umamin ka saakin noon na gusto mo ako! "

" Kaya bakit mo gustong wakasan ang pagiging f*cked buddy ko sayo? "

" Dahil ba to kay Ken? Kaya nais mo na itigil na ang pagiging f*ck buddy ko? "

Hanggang sa may sinabi pa ito saakin na talagang ikinagalit ko.

At talagang hindi ko inaasahan na lalabas ito sa bibig nito.

" Siguro mas magaling si Ken kaya gusto mo nang ihinto yung pagiging f*ck buddy ko sayo! "

" Siguro mas..." mag sasalita pa sana ito saakin ng inunahan ko na ng sampal sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko dahil sa sinabi nito.

Kaya nasampal ko ito sa mukha nya na talagang nag pahinto sa pag sasalita nya.

Para ba akong sasabog sa inis at talagang nasaktan ako sa mga sinabi nito.

Kaya hindi kona napigilan pa ang sarili ko at kusa nalang bumabagsak ang mga luha sa mata ko.

" Oo Brent! "

" Totoo!!"

" Totoong nag kagusto ako sayo!! "

" Yan ba ang gusto mong marinig mula saakin? Oo gusto kita noon pa! "

" Diba napaka tanga ko?! kasi umaasa din ako na magugustuhan mo ko Brent! "

" Pero hindi! "

" Kasi Pagiging f*ck buddy lang ang tingin mo saakin! "

" At ako lang tong tangang umaasa at nag bibigay malisya sa lahat ng pinag gagawa natin."

" Kaya Oo, panalo kana! yan naman ang gusto mong marinig saakin diba? "

" Kaya napaka tanga ko! "

" Kasi yung taong gusto ko, alam ko na kaylanman hindi ako yung gusto! "

" Kaya sorry Brent! tanga tanga ako eh, kasi sa dinami raming tao sa mundo sayo pa ako nag ka gusto! " Hindi ko na napigilan pa ang mga emosyon ko kaya nasabi ko na ang mga katagang ganito kay Brent.

At patuloy nalang sa pag agos ng mga luha na bumabagsak sa mata ko habang sinasabi ko ito kay Brent.

" Kaya Brent, Please lang! "

" Gusto nang ihinto ang pagiging f*ck buddy ko sayo! at ituon mo nalang ang sarili mo kay Crissel! " Sabi ko pa sakanya habang patuloy sa pag agos ng mga luha ko.

At tanging nagulat ito sa mga sinabi ko at hindi manlang magawang maka kibo at makasagot sa mga sinabi ko.

Hanggang sa tuluyan ko na itong iniwan sa tapat ng aming bahay na nag iisa.

Dahil wala nang rason pa upang kausapin ko pa ito.

Nag hahadali akong pumasok sa aking kwarto upang doon ko ilabas ang sakit ng mga nararamdaman ko.

Patuloy parin sa pag bagsak ng mga luha na pumapatak saaking mga mata.

" Bakit kapa pumunta rito kung ipapamukha mo lang saakin na hindi mo ako gusto."

" Ayoko na! sawa nakong mag paka tanga! "

" At ayoko nang maging sunod-sunuran lang sa lahat ng gusto mo!"

" Kaya Brent tapos na ang lahat! "

" Eto na ang huling araw na iiyak ako para sayo! " sambit ko sa aking isipan habang patuloy na bumabagsak ang mga luha saaking mata.

Kaya Agad nalang akong nahiga saaking malambot na kama saka aking niyakap ng mahigpit ang aking unan upang saganon ay maibsan ang sakit na aking nararamdaman sa ngayon.

Habang sa kabilang banda naman mula kay Brent.

Tanging halos nakatulala lang si Brent at naka upo na nag iisa sa tapat ng gate nila Miles.

At hindi nito namamalayan na pumapatak na pala ang mga luha sa kanyang mga mata.

BRENT's POV.

Hindi ko inaasahan na mahahantong ako sa ganitong pangyayari.

Para bang tinakluban ako ng langit at ng lupa sa sobrang sakit ng pakiramdam ko.

Ngayon alam kona na minahal ako ni Miles noon, pero ngayon kinasusuklaman na ako nito.

Gusto kong mag wala.

Gusto kong sumigaw at saktan ang sarili ko dahil sa kagaguhan ko.

Pero wala na.

Huli na ang lahat at hindi ko na maaari pang baguhin ang isip nito dahil sa katangahan ko.

Kung maibabalik kolang ang mga oras kanina ay dapat pala ay inamin kona sa kanya kung gaano ko sya ka mahal.

Pero isa akong malaking tanga.

Bakit iyon pa ang mga nasabi ko sa kanya.

Kaya nag sisisi ako kung bakit hindi ko nagawang maipag tapat ang nararamdaman ko sa kanya nung may pag kakataon pa ako.

Kaya pinag sisisihan ko ang lahat.

Ang lahat nang mga masasakit na nagawa ko kay Miles dahil sa pagiging immature ko.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now