CHAPTER 48

3.1K 129 30
                                    

Hindi ko mapigilan ang mga luha na bumabagsak sa mata ko habang patuloy sa pag takbo.

Para bang unti unting nadudurog ang puso ko dahil sa mga nakita ko.

Kaya dahil sa kagustuhan kong lumayo sa apartment ni Brent ay hindi ko na alam sa ngayon kung saan ako pupunta.

Ayokong umuwi ng bahay na makikita ako nila Mommy at Daddy na umiiyak kaya mas minabuti ko nalang na tumakbo papalayo nang walang taong makaka kita saakin. Dahil gusto kong maging pamag isa sa ngayon.

Pumunta ako sa isang park kung saan wala gaanong tao at nakaka kilala saakin.

Umupo ako sa isang sulok ng park at doon ay aking niyuko ang aking ulo saka nag patuloy sa pag iyak.

Hindi ko mapigilan ang emosyon ko dahil sa mga nakita ko.

Wala naman akong karapatan na mag selos kay Crissel dahil f*ck buddy lang naman ako ni Brent.

Wala naman din akong karapatan na pang himasukan ang buhay nito dahil lahat ng ito ay kasunduan lang.

Anong magagawa ko kung ako si tanga na nahulog sa walang kwentang laro niya na alam ko na sa simula palang ay walang patutunguhan.

Pero nasasaktan ako pag nakikita ko si Brent na masaya sa piling ng ibang tao.

Paano nalang kung tuluyan na wakasan ni Brent ang pagiging f*ck buddy ko sa kanya.

Paano nalang kung sawa na pala si Brent saakin? Baka ipag palit ako nito kay Crissel.

At ayoko na mangyari yon, dahil hindi ko kakayanin na mapalayo sa piling nito kahit na alam ko na f*ck buddy lang ako nito.

Kaya lumipas ang ilang mga oras ay hindi padin maalis sa isipan ko ang pag oover think ko.

Naka upo lang ako sa kawalan habang umiiyak sa may gilid ng park, at pilit na pumapasok sa aking isipan ang mga sandali na nakita ko si Brent na hinahalikan si Crissel.

Kahit na ako'y pinag titinginan ng mga tao dahil sa pag hikbi ko ay hindi ko padin mapigilan ang emosyon ko.

Kaya lumipas ang mga ilang minuto ay hindi ko na malayan na ako'y naka iglip na sa gilid ng park dahil nadin sa pagod ko sa kakaiyak.

Inilibot ko ang aking mga mata at napansin ko na kaunti nadin ang mga taong dumadaan.

Agad akong nag punas ng aking mga luha at saka tumayo mula saaking pag kakaupo.

Nilakasan ko ang aking loob kahit na hindi ko padin matanggap na kasama ni Brent ngayon si Crissel at mukhang masaya sila sa isa't isa.

Kaya pinili ko nalang na mag lakad pauwi, habang patuloy kong pinupunasan ang mga luha na bumabagsak sa aking mga mata.

Habang sa kabilang banda naman.

Author's POV.

Pababa na sana si Ken sa kanyang sasakyan nang may narinig ito na para bang may nag va-vibrate sa loob ng sasakyan nito.

Kaya na curios ito at hinanap niya kung saan nanggagaling ang tumutunog.

At laking gulat niya nung makita nito sa lapag ng kanyang sasakyan ang cellphone ni Miles at mukhang may tumatawag sa cellphone nito.

Kaya agad niya itong pinulot at saka tinignan kung sino ang tumatawag.

At laking gulat nito ng makita niya na ang tumatawag sa kabilang linya  ay walang iba kundi si Brent.

Napahinto ito sandali at napatitig nalang kung bakit tumatawag si Brent ng ganitong oras kay Miles.

Pero dahil naguguluhan ito ay hinayaan nya nalang na tumawag si Brent sa kabilang linya at hindi niya ito sinasagot.

Hanggang sa bigla nalang pumasok sa isip ni Ken na baka mayroong namamagitan mula kay Brent at kay Miles, kaya agad nitong tinignan ang conversations ni Miles at Brent simula pa ng una.

At laking gulat nito nung nakita nito ang conversation ng dalawa.

" I Love you, Miles " pag ka basa ni Ken mula sa text ni Brent.

Halos hindi makapaniwala si Ken sa mga nababasa nito.

kaya agad itong nag back read mula sa umpisa dahil gusto nitong malaman ang buong katotohanan.

Kahit na may pag tataka ay patuloy padin si Ken sa kanyang ginagawa at patuloy lang ito sa pag babasa.

At laking gulat nito nang makita niya ang kanyang pangalan sa conversation ng dalawa.

" Wag mong sasabihin kay Ken ang nalalaman mo!! kundi ititigil ko talaga ang walang kwentang laro na kagagawan mo." pag ka basa ni Ken habang naguguluhan.

Kaya nag patuloy pa ito sa pag babasa.

At laking gulat nito nang makita nya uli ang kanyang pangalan at halos hindi makapaniwala sa mga nabasa nya.

" Ano bang nagustuhan mo kay Ken, eh mas gwapo naman ako doon. " pag ka basa nito mula sa sinabi ni Brent.

" Excuse you, wala ka sa kalingkingan ni Ken. Kaya itigil mo ang kahibangan mo. " Reply naman ni Miles.

Kaya halos hindi maka paniwala si Ken sa mga nabasa nito at napagtanto pa nito ngayon na may gusto rin pala sa kanya si Miles.

Pero nang dahil din pala sa kanya ay nalaman nito na may namamagitan na pala kay Miles at Brent.

" Meet me on my house."

" Nag enjoy ako. "

" You're my best f*ck buddy"  Pag ka basa nito mula sa mga text ni Brent.

Kaya nalaman din nito na nag ta-take advantage si Brent mula kay Miles, dahil kung hindi gagawin ni Miles ang gustong mangyari ni Brent ay ipag kakalat ni Brent ang sikreto ni Miles na gusto ako nito.

Kaya halos nang gigigil sa galit si Ken nang nabasa nito ang mga pang loloko ni Brent kay Miles, kaya napahawak nalang ito sa kanyang ulo habang iniisip ang mga nasayang na panahon na kung umamin lang siya ng maaga kay Miles ay baka hindi na naranasan pa ni Miles ang mga kababuyan ni Brent sa kanya.

At kung umamin lang sana ako ng maaga ay baka kapiling ko na sana siya ngayon.

" Kaya humanda ka Brent, dahil hindi ako papayag na agawin mo ang para saakin. " Naiinis na sabi ni Brent sa kanyang sarili habang hawak hawak nito ang cellphone ni Miles.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now