CHAPTER 30

3.7K 116 3
                                    

Habang naka yuko ang aking ulo ay naramdaman ko nalang na may sumipa ng paa ko sa ilalim ng table.

Kaya pa simpleng tinignan ko ito kung sino ang sumisipa sa paa ko.

Hanggang sa napansin ko ang sapatos ni Brent na sumisipa sa paanan ko.

Kaya agad akong tumingin sa direksyon ni Brent at nag tataka kung bakit sinisipa nito ang paanan ko.

Pasimpleng ngumiti ito saakin habang pinag mamasdan ako.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na para bang pinaglalaruan nito ang hita ko.

Unti unti nitong tinataas ang paa nya papunta sa hita ko habang nakatitig saakin, kaya dahil naiilang ako sa ginagawa nya ay agad kong inapakan ang paa nito.

Nagulat siya sa ginawa ko at nasagi nito ang table kung saan naka patong ang mga inorder namin.

Muntik ng matapon ang mga coffee na inorder namin dahil sa pag kasagi ni Brent, at nag taka naman sila kung bakit bigla nalang umalog ang table namin.

Napatingin ako kay Brent at mukhang nagulat ito sa ginawa ko.

" Gash!! ano yun? " tanong ni Mariel, dahil mukhang nagulat ito sa biglaang pag alog ng table namin.

Nanlaki nalang ang mata ko habang naka titig kay Brent.

Natawa nalang si Brent dahil sa nangyari.

" Ahhh nabunggo kolang yung table. " sagot ni Brent habang natatawa ito.

At mukhang pinaniwalaan naman nila ang sinabi ni Brent, kaya nag simula nadin kami saaming pag kain.

Hanggang sa laking gulat ko nalang ng biglang tinawag ni Ken ang pangalan ko.

" Miles! "

" Gusto mo nitong blue berry cheese cake? " tanong ni Ken saakin habang pinapasubo ang isang kutsara nito.

Laking gulat ko ng inalok ako nito, halos hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Habang si Mariel naman na nasa gilid ko ay pasimpleng kinukurot ang kamay ko dahil sa kilig.

" Miles! OMG!! " pasimpleng bulong ni Mariel saakin, habang kinikilig.

Napatulala nalang ako ng ilang mga segundo sa mukha ni Ken habang inaalok ako nito kanyang blue berry cheese cake.

" Ahhh... hehehhe, thank you pero hindi ako mahilig sa cake eh" pag 5anggiko kay Ken habang nahihiya.

Hanggang sa hinampas ako ni Mariel sa likod ko nang pasimple.

" Luka! bakit tinanggihan mo! " mahinang bulong nito saakin.

Hanggang sa kinurot ko din ito dahil baka maka halata sila sa mga pinag sasabi nito.

" Wag kang maingay!! " mahinang sabi ko kay Mariel habang naka ngiwi ang aking labi.

Hanggang sa natapos nadin kami saaming pag kain sa starbucks, at nag pasya nadin kami sa aming pag uwi.

Ngunit habang nag papahinga pa kami sa loob ng starbucks ay bigla nalang akong kinausap ni Ken.

" Miles! uuwi kana ba? " tanong ni Ken saakin.

" Kung uuwi kana, hatid na kita sa inyo gamit ang kotse ko." sabi pa ni Ken saakin.

Hanggang sa naramdaman ko nalang ang malakas na pag hampas ni Mariel sa likod ko dahil kinikilig ito para saakin.

Ngunit nung tumingin ako ng masama sa kanya ay agad naman itong tumigil.

Hindi ko alam ang isasagot ko kay Ken, dahil hindi ko inaasahan na ihahatid ako nito saamin.

Pinipigilan ko ang aking sarili na huwag kiligin dahil baka maka halata ito pag nangyari iyon.

" Ano Miles hatid na kita? " tanong panito saakin habang nakatingin sa mga mata ko ng direkta.

" Gashhhh!! Lord tulungan nyo po ako!! " sabi ko saaking sarili habang aking kinikimkim ang kilig na nararamdaman ko.

Hanggang sa bigla nalang sumingit si Brent.

" Oh akala ko ba ako ang mag hahatid sayo Miles? " pag singit na sabi ni Brent saakin.

Nagulat nalang si Mariel sa narinig nito at mukhang hindi makapaniwala. Habang sa kabilang banda naman ay ganun din si Ken, nabigla din ito sa biglaang pag singit ni Brent.

Naramdaman ko ang pag sipa ni Brent sa paanan ko mula sa ilalim ng lamesa, Kaya napatingin naman ako sa kanya at paulit ulit na tinataas ni Brent ang makapal nitong kilay sa akin, upang tanda na sabihin ko na totoo ang sinasabi nito.

Napilitan nalang ako na sabihin kay Ken na si Brent na ang mag hahatid saakin pa uwi.

Dahil hindi rin ako kampante na si Ken ang mag hahatid saakin.

" Ah... oo si Brent na din ang mag hahatid saakin eh. " pag sisinungaling ko.

Hanggang sa kinalabit ako ni Mariel.

" Akala ko ba hindi kayo close ni Brent? "

" Pero ngayon si Brent pa mag hahatid sayo? " pabulong na sabi saakin ni Mariel na para ba itong nag seselos.

Upang hindi naman ito mag hinala saakin at mag selos pa ay sinabi ko nalang na isasama ko ito na mag pahatid din kay Brent.

Kaya nung nag desisyon kami na umuwi na, si Brent ang nag hatid saakin at kasama ko sa pag hatid nito si Mariel.

Habang si Ken naman ay si Luis ang kanyang ihinatid dahil mag kalapit lang naman daw sila ng bahay.

Nasa likod kami pareho ni Mariel. At tuloy lang sa pag uusap tungkol sa nangyari kanina habang si Brent naman ay patuloy lang sa pag da-drive nito.

" Huy, Miles! OMG!! feel ko crush kadin ni Ken!! " Mahinang sabi nito saakin habang kinikilig ito.

Tinignan kolang si Mariel habang bakas sa mukha ko ang kilig ko.

" Oo nga!! napapansin koyung mga titig nya sayo!!" Sabi pa nito habang hinahampas hampas ako.

Napangiti nalang ako sa mga narinig ko kay Mariel at sobrang saya ng aking puso nung nalaman ko na tinitignan pala ako nito.

" Wehh? totoo ba? " Mahinang tanong ko kay Mariel habang kinikilig at gustong malaman ang katotohanan.

" Oo nga! naka tingin lang kaya sya sayo habang kumakain ka! " sabi pa ni Mariel habang kinikilig ito.

Napa kagat nalang ako sa aking hinlalaking daliri, habang abot hanggang tenga ang ngiti ko dahil sa mga narinig ko sa kanya.

Hanggang sa hindi ko inaasahan na mapatingin sa front mirror ng sasakyan ni Brent at napansin ko na nakatingin saakin si Brent na para bang naiinis ito dahil sa mga pag uusap namin ni Mariel.

Agad kong binawi ang kilig sa mukha ko dahil napansin ko na naka tingin saakin si Brent mula sa front mirror ng sasakyan nito.

Kaya agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya dahil nahihiya ako na makita nito ako na kinikilig ako.

Hanggang sa nakarating nadin kami sa bahay nila Mariel.

" Uyyy Miles, goodbye na ah."

" Thank you Brent, sapag hatid mo! " sabi ni Mariel habang kinikilig at saka isinara na ang pintuan ng sasakyan ni Brent.

Kinawayan ko naman si Mariel at nag paalam dito bago nito isara ang pinuan ng kotse.

" Bye!! " Nakangiting sabi ko kay Mariel saka kumaway sa kanya.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now