CHAPTER 42

3.3K 126 12
                                    

Napatingin nalang ako sa mga kaklase ko dahil hindi naman ako kasali sa laro nila.

" Miles! sayo natapat!! " Sabi ni Mariel saakin.

" Huh? "

" Pero hindi naman ako kasali sa inyo? " sabi ko sa kanila.

" Anong hindi kasali! lahat tayo dito kasali! kaya sindin mo na ang dare na iuutos sayo ni Brent! " sabi pa ni Mariel saakin.

Nakatingin lahat ng kaklase ko saakin at iniintay nila ang pag payag ko.

" Pe..pero hindi naman talaga ako kasali." pag papaliwanag ko pa sa kanila.

Hanggang lumapit saakin si Mica.

" Miles, bawal ang KJ dito! saka minsan lang naman tayo mag kakaklase mag bonding kaya do your consequence! " sabi pa saakin ni Mica.

Kaya hindi nadin ako naka tutol pa kaya tinanggap ko nalang ang ipapagawa saakin ni Brent.

Nakatingin ako sa mga mata ni Brent habang hinihintay ang ipapa utos nito saakin.
Hanggang sa ngumiti ito saakin saka sinabi nito ang gusto nyang i-utos sa akin.

" Ok, halikan mo ngayon ang taong nagugustuhan mo sa school." sabi nito saakin habang nakatingin ng direkta sa mata ko habang naka ngisi.

Nagulat nalang ako sa utos nito saakin. At ganun din ang mga kaklase ko ay nagulat sa utos ni Brent saakin.

Nanlumo ako sa pinapautos nito saakin at hindi ko kayang gawin ang pinauutos nya dahil parang inamin ko nadin sa lahat na gusto ko siya.

" OMG Miles! " Pag aalalang sabi ni Mariel saakin.

Kaya dahil ayokong ipaalam sa lahat ang katotohanan na gusto ko si Brent ay wala akong nagawa kundi inumin nalang ang isang baso ng alak na naka patong sa lamesa.

Hindi ko maaaring ipaalam kay Brent ang katotohanan na gusto ko sya dahil kung mangyayari yon ay matatalo ako sa mga kasunduan namin.

Kaya pilit kong ininom ang isang baso ng alak kahit ako'y napipilitan.

" Gash!! Miles!! " pag aalala ni Mariel saakin.

Nag sigawan naman ang mga kaklase ko upang ako'y i-cheer sa pag inom ko ng alak.

" Go Miles!! " pag cheer nila saakin habang aking inuubos ang isang baso ng alak.

Hanggang sa tuluyan ko na nga itong naubos at dahil sa dami ng aking nainom ay unti unti nadin akong nakaramdam ng pag ka lasing at pag ka hilo.

" F*ck!! " sabi ko saaking sarili saka dahan dahan na bumalik sa aking pag kaka upo.

Tinitigan ko ng masama si Brent dahil kasalanan nya ito kung bakit ako napa inom ngayon ng alak.

Ngunit naka tingin lang din ito saakin habang naka ngisi.

Hanggang sa sinimulan ko nang pa ikutin ang bote ng beer.

At laking gulat ko nang saakin uli ito tumapat at si Brent uli ang mag bibigay saakin ng parusa.

" Argghhhh F*ck!! " pabulong na sabi ko.

" Kay Miles nanaman na hinto!! "

" Napaka swerte mo ngayong araw Miles! " biro ng mga kaklase ko.

Hanggang sa nag bigay uli si Brent ng panibagong i-uutos sa akin.

Panandalian itong nag isip at saka tumitig sa mga mata ko.

Hanggang sa nag salita na ito.

" Tumabi ka saakin ngayon, saka mo hawakan ang kamay ko. " utos nito saakin habang naka ngisi.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now