CHAPTER 14

4.6K 125 2
                                    


Hanggang sa Nag salita uli si Brent.

" Sinagutan ko na nga pala ang  form mo para sa sa sports club. " Sabi nito saakin.

" What?! ano?! " Tanong ko dito na para bang hindi makapaniwala.

" Bakit mo sinagutan?! hindi ko naman inutos sayo yon!! " Galit na sabi ko sa kanya.

At biglang lumapit ito saakin na para bang sinusuyo ako.

" Gusto lang naman kitang makasama sa basketball club, masama ba'yon? " sabi nito saakin saka mahigpit ako nitong niyakap.

" Are you insane?! bakit mo ginawa yon ng walang permission ko?" galit na sabi ko sakanya habang inaalis ko ang braso nito na nakayakap saakin.

" Don't worry, I assigned you as our water boy, kaya no need to play. " sabi nito saakin saka hinalikan nito ang pisngi ko.

" F*ck!! Crazy!! " galit na sabi ko kay Brent saka ko ito tinulak ng malakas upang bumitaw ito sa pag kakayakap nito.

Kaya agad kong iniwan si Brent sa rooftop upang puntahan ang form ko sa sport club.

" F*ck! sana hindi pa pinapasa ni Mica ang mga form! " sabi ko saaking sarili habang nag hahadaling makarating sa room namin.

Hanggang sa nakarating na nga ako sa room namin.

Lahat sila ay nag tataka sa kinikilos ko at tanging mukhang nagulat sila sa biglaang pag dating ko.

" Diba hindi sya pumasok sa Practical research natin kanina? " bulungan ng mga kaklase ko.

" Oo nga eh, siguro nag cutting class sya." sabi pa nang isa kong kaklase.

Hindi padin pala tapos ang kwentuhan ng mga kaklase ko tungkol saakin, kahit na umalis na ako sa room ay ako padin ang kanilang pinag uusapan.

Pero hinayaan ko nalang sila na pag usapan ako, kaya agad akong bumalik sa desk ko upang baguhin ang form ko sa sport club.

Ngunit pag tingin ko dito ay wala na ito, at wala din si Mica sa classroom namin at mukhang pinasa na nito ang mga form namin sa sport club.

" F*ck! hindi pwede to! " sabi ko saaking sarili saka mabilis na tumakbo papunta sa faculty ng teacher namin sa P.E.

" What a creep! " Bulungan pa ng mga kaklase ko dahil biglaang pag takbo ko.

Ngunit hindi panga ako nakaka punta sa faculty ni sir. Ernesto ay naka salubong ko na si Mica at mukhang pabalik na ito sa room namin.

" Mi..Mica! " pag tawag ko sa pangalan nito saka huminto sa harap nito para kausapin.

" Bakit Miles? " pag tataka nito.

" Nasan na ang mga form? " deretsahang tanong ko dito.

" ahhh.. pinasa ko na sa faculty ni sir! " sabi nito saakin, habang naka ngiti.

" F*ck No! " sabi ko saaking sarili, habang nag aalala.

" Bakit Miles? " tanong nito.

" Ahhh.. hahahha wala! " pag papalusot ko saka sumabay na dito sa pag balik namin sa room.

Hindi ko na nabago ang sport club na sasalihan ko dahil sa ginawang pakiki elam ni Brent sa form ko.

" Bakit mahilig kasi sya makielam sa gamit ng iba?!" sabi ko saaking sarili habang aking tinutukoy ay si Brent.

Hanggang sa lumipas na ang mga oras ay dumating nadin ang oras ng lunch time namin.

Nag iisa lang akong kumakain sa cafeteria dahil wala namang estudyante ang gustong makipag close saakin.

Pero laking gulat ko ng biglang tumabi si Mariel sa table na pinag kakainan ko.

Kaklase ko si Mariel at talagan patay na patay ito kay Brent.

" Huy! bakit nag iisa ka! " Tanong nito saakin habang kinakalabit ang likod ko.

Kaya agad naman akong tumingin sa direksyon nito saka umiwas ng tingin sa kanya dahil na hihiya ako sa kanya.

" Pwedeng tumabi sayo? " tanong nito saakin saka umupo sa harapan ng table na pinag kakinan ko.

Si Mariel ay may jolly na personality na hindi mo makikita saakin. Mag kaibang mag kaiba kami sa pag uugali namin.

Si Mariel ay pala kaibigan habang ako naman ay takot sa mga tao. pero ang lamang ko lang sa kanya ay hindi ako na inlove sa baliw na crush nito na si Brent.

Kahit naiilang ako na kaharap itong kumakain ay hindi padin ito natitigil sa pag kukwento nito saakin.

At para bang close na close kami sa isa't isa. at parati lang nitong binabanggit ang pangalan ni Brent dahil patay na patay siya dito.

" OMG miles, kung alam mo lang kung gaano ko patay na patay kay Brent! " sabi nito saakin habang kinikilig.

Pero habang tumatagal ang mga pag uusap namin ay parang unti-unti nang gumagaan ang pakiramdam ko kay Mariel.

Hindi naman pala masamang mag bukas nang pusong sarado para sa mga tao, dahil ngayon ko nalaan na hindi lahat ng tao sa mundo ay mag kaka pareho.

Kung naranasan mong masaktan dahil sa isang tao ay hindi ibig sabihin non ay ganun din ang ibang tao.

Ngayon ko nalaan na hindi lahat ng taong nakapaligid saakin ay masama, may mga mabubuti parin na hindi ko lang nalalaan dahil natatakot akong papasukin sila sa buhay ko.

Tumagal ang pag kukwento ni Mariel saakin na halos isang oras at kalahati at puro patungkol lang ito kay Brent.

Kinuwento pa nito saakin kung paano nya unang nakilala si Brent at kung paano siya nahulog dito.

Pero masaya akong nakikinig sa mga kwento nito saakin patungkol kay Brent, pero sa isip isip ko na kinokontra ko ito dahil hindi naman talaga totoong mabuti si Brent dahil yun ang pag kakaalam ni Mariel.

Hanggang sa nag tanong nga saakin si Mariel dahil inaya ako ni Brent kanina sumali sa Club nila.

" Ahmmm, Miles? pano kayo naging close ni Brent? " tanong nito saakin na para bang seryoso.

At bilga nalang bumilis sa pag tibok nitong aking puso.

" Ahhh.." wika ko habang nag iisip ng sasabihin.

Nakatingin lang ito saakin habang hinihintay ang pag sagot ko.

Pero bigla ako nitong hinampas sa braso ko at saka nag salita uli.

" Huy, Miles alam kong ayaw mo sa club ng basketball! pero ikaw kasi ang nilagay ni Brent na water boy nila, kaya sana palit tayo gusto ko kasing maging watergirl nila Brent. " sabi nito saakin habang kinikilig.

" Please Miles, sana tulungan mokong maging mapalapit pa kay Brent! " pangungulit nito saakin.

Agad akong pumayag sa gusto nito dahil ito rin naman ang gusto ko, ang umiwas kay Brent.

Kaya kung mag papalit kami ng sports club ni Mariel ay mas bibihira na ang mga araw na mag tatagpo kami ni Brent.

" Ok lets change! " sagot ko Kay Mariel.

" Really? " tanong nito saakin na habang abot hanggang tenga ang ngiti nito.

" Thank you! thank you Miles!! " sabi pa nito saakin.

Kaya agad kaming nag punta sa Faculty ni sir Ernesto upang tuluyan na mag palit ni Mariel ng club na sasalihan.

At pumayag naman si sir sa sa pagpalit namin ni Mariel.

Nalipat ako sa volleyball club na sinalihan ni Mariel habang si Mariel naman ang magiging water girl ng team nila Ken at Brent sa basketball club.

" Ok na mapunta sa volleyball club, kesa pag silbihan si Brent sa mga gusto nito." Sabi ko saaking sarili saka pumasok na sa last subject namin na P.E.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now