CHAPTER 2

7K 156 4
                                    


" F*ck! no way! sana hindi nakita ni Brent yon! " Pag aalala ko.

Dahil sa nangyari ay mas pinili ko nalang na bumalik sa classroom namin dahil baka sabihin ni Brent na pinipicturan ko si Ken.

" Arrggggg its driving me crazy! " sabi ko saaking sarili.

Naka yuko lang ako sa desk ng upuan ko at iniisip ang nangyari kanina.

Hanggang sa nakarinig nalang ako ng ingay na mukhang may paparating na saaming classroom.

Kaya nung pag angat ko ng aking ulo para tignan kung sino ang mga ito ay laking gulat ko ng makita ko sila Brent at Ken na papasok na saaming classroom.

Nag tagpo ang mga mata namin ni Brent habang papasok na ito sa Classroom namin, at bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko dahil baka sabihin nito sa kaibigan nyang si Ken ang natuklasan nito about saakin.

Kaya agad ko namang niyuko ang aking ulo dahil na tatakot ako na baka sabihin niya ito.

Ngunit lumipas ang mga araw ay wala namang nangyaring masama saakin at mukhang hindi naman alam ni Brent na pinipicturan ko si Ken, at masyado lang siguro ako naging praning kakaisip na alam na ni Brent na crush ko ang bestfriend nito.

Kaya naging kampante na ako at sinimulan ko na uling picturan si Ken ng patago nang walang nakaka alam.

Habang ako'y nasaaking kwarto at pinag mamasdan ang mga kuha kong larawan kay Ken ay may isang litrato talaga na nag pa hinto saakin.

May isang larawan ako na naka ngiti talaga si Ken at napaka gwapo nyang pag masdan dito.

" Omg! Ken, bakit napaka gwapo mo! " sabi ko saaking sarili habang zinu-zoom ang mukha nito.

At laking gulat ko ng pag zoom ko sa picture ni Ken ay nakita ko si Brent na kasama sa picture at mukhang nakatingin ito saakin.

Bigla akong kinabahan nang makita ko ito na para bang nakatingin saakin.

" F*ck its gives me creep! " Sabi ko saaking sarili.

kaya agad ko namang inedit ang mukha ni Brent at nilagyan ko ito ng emoji dahil nakakasira ang mukha nito sa gwapong mukha ni Ken.

" F*ck! bakit halos lahat ng picture ko kay Ken ay kasama nito ang tropa nitong si Brent! " Sabi ko saaking sarili na may halong pag kainis.

Hanggang sa dumating na ang araw ng bukas.

Maaga akong nag asikaso at nag ayos upang maagang makarating sa aming school dahil talagang napaka strikta nang first period namin na subject, si Maam Cruz.

Ang subject teacher namin sa earth and life science.

Kaya nung nakarating na ako sa aming classroom ay iilan palang din ang mga kaklase kong nandirito dahil masyado akong napa aga.

" Wala pa si Ken." sabi ko saaking sarili habang nakatingin sa bakanteng upuan nito.

At katabi ng upuan ni Ken ay ang upuan naman ni Brent.

Kaya diko sinasadyang mapatingin kay Brent dahil mag katabi lang sila ng upuan ni Ken, at nag tugma ang mga mata namin ni Brent na talagang ikinahiya ko.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya dahil baka isipin nito na may gusto talaga ako sa kaibigan nya.

Hanggang sa lumipas ang mga oras at natapos na din ang oras ng aming klase.

Dati ay pag oras ng aming uwian ay dumideretso na ako sa aming bahay para matulog at mag aral.

Ngunit ngayon ay mas pinipili ko nalang na tumambay sa gym at panoodin maglaro si Ken at kuhanan ito ng litrato patago.

" Pasa mo dito Luis!! "  sigaw ni Ken upang sa kanya ipasa ang bola.

Hanggang sa hinagis ni Luis ang bola ng basketball papunta kay Ken, ngunit masyado itong malakas at mukhang papunta ang bola sa direksyon ko.

Gumulong ang bola sa tapat ko, at kasunod nito ay si Brent.

Agad namang kinuha ni Brent ang bola sa harap ko at bigla itong tumingin sa mga mata ko pag katapos nitong kunin ang bola.

Napatulala nalang ako sa nangyari dahil hindi ko inaasahan na titignan ako ni Brent nang direkta sa mga mata ko.

" huh? " pag tataka ko.

Para ba akong kinabahan dahil mukhang may alam si Brent sa mga ginagawa ko, Kaya nag pasya akong umalis na sa gym dahil hindi na maganda ang kutob ko.

Hanggang sa nag simula na ako sa pag labas ko sa gym, ngunit laking gulat ko nalang nang may bumunggo saakin ng malakas at bigla kong nalaglag ang hawak kong cellphone.

Bumagsak ito sa lapag dahil sa lakas ng pag kaka bunggo saakin.

" Ohhh, sorry! " Nakangising sabi ni Brent habang aakmang pupulutin ang cellphone ko.

Agad kong kinuha ang cellphone ko dahil may kutob ako na ginawa lang ni Brent na bungguin ako para makita ang laman ng cellphone ko.

Kaya dali dali kong kinuha ang cellphone ko at lumayo na kaagad sa gym ng aming school.

"Huh? " pag tataka ni Brent.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ