CHAPTER 23

3.9K 130 2
                                    

hindi ko alam ang nangyayari sa pag lalaro nila ng basketball, nag ii-score lang ako kung may makaka shoot sa kanila.

" Ah!! foul!! foul!! " sabi ni Ken dahil pinag bibintangan nito na isiniko sya ni Brent.

" Anong foul, defense yon! " sabi naman ni Brent habang ipinag tatangol ang sarili nya.

Hanggang sa lumapit saakin si Ken.

" Miles diba nakita mo? siniko ako ni Brent! " sabi nito saakin napara bang nag hahanap ng kakampi.

Kahit hindi ko alam ang totoong nangyari ay napatango nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko kay Ken.

" Oh diba! foul ka! " sabi naman ni Ken kay Brent saka bumalik sa pag lalaro nila.

Napatingin nalang saakin ng masama si Brent dahil hindi ito pabor sa desisyon ko.

" why? " pag tataka ko, dahil hindi ko naman alam ang mga rules sa basketball.

" Tskkk!! " galit na sabi nito saka tumitig ng masama saakin.

" Why? bakit parang kasalanan ko?! " tankng ko saaking sarili habang nag tataka.

Kaya nag patuloy lang ang dalawa sa kanilang pag lalaro habang ako naman ay pinapanood kolang sila sa kanilang mga ginagawa.

Hanggang sa natapos na nga ang laro nilang dalawa.

" Hah! Wala ka talagang ubra saakin ang hina mo talaga! " Pang aasar ni Brent kay Ken dahil ito ang nanalo sa laban nilang dalawa.

Isang puntos lang ang lamang ni Brent kay Ken pero kung mag yabang ito kay Ken ay parang hindi nya ito pinapuntos.

" Ahh...nice play!! " sabi ko kay Ken saka ibinigyan ko ito ng bottled water.

" Thank you Miles! " sabi nito saakin saka hinawakan nito ang tuktok ng ulo ko.

Napayuko nalang ako habang kinikilig sa tuwa dahil nag thank you saakin si Ken.

Ngunit agad naman na lumapit saakin si Brent at nanghihingi ito saakin ng bottled water.

" nasaan yung sakin?!" naiinis na sabi ni Brent.

" Andoon sa table kunin mo! " utos ko sa kanya saka inirapan ito,

Kaya walang nagawa si Brent kundi kunin ang bottled water nya na naka patong sa lamesa.

" Tsskkkk!! " pabulong na sabi nito saka kinuha ang bottled water nya.

Si Ken ang manlilibre ng unli wings saamin dahil natalo ito ni Brent.

Kaya nung pasakay na kami ng sasakyan ni Brent ay gusto nito na sa harapan ako sumakay para katabi ito.

" Dito kana sumakay! " sabi ni Brent saakin habang inaayos nito ang pag uupuan ko.

" salikod nalang ako! " pag tanggi ko sa kanya dahil hindi ako komportable na katabi ito.

" Ok sige, para tabi kayo ni Ken salikod." sabi ni Brent saakin.

Kaya dali dali naman akong sumakay sa unahan na katabi ito, dahil mas lalong magiging akward para saakin kung mag katabi kami ni Ken sa likod.

Kaya nung nakasakay nadin si Ken sa likod ng sasakyan ay nag simula na nga sa pag maneho si Brent.

Napaka tahimik ng loob ng sasakyan, at wala manlang miski isa saaming tatlo ang gustong mag salita.

Nakatingin lang ako sa labas ng binta at pinag mamasdan ang gilid nang kalsada ng biglang nag salita si Brent.

" Sa susunod na mag punta tayo sa unli wings, si Miles naman ang manlilibre hah! " pabirong sabi ni Brent saka tumingin sa direksyon ko.

Napatingin naman ako sa kanya na para bang naiinis sa biro nito.

Hanggang sa parang natawa ito dahil sa reaksyon ng mukha ko.

" Oh bakit galit ka nanaman! " natatawang sabi ni Brent habang patuloy sa pag mamaneho nito.

Hanggang sa napansin ko ang front mirror ng sasakyan ni Brent at nakita ko dito ang repleksyon ni Ken.

kaya tinatanaw tanaw ko si Ken mula sa pinag uupuan ko ng hindi nito nalalaman.

Pasimple lang akong tumitingin sa repleksyon ng salamin dahil tanaw ko dito ang mapang-akit na mukha ni Ken.

Hanggang sa napansin ni Brent ang ginagawa kong pagtingin sa front mirror ng salamin ng kotse nito.

Kaya agad nitong iniba ang dereksyon nito at ihinarap sa kanya upang siya ang makita ko.

" F*ck! pakilamero!! " sabi ko saaking sarili saka tumingin nalang sa gilid nang bintana ng sasakyan.

Hanggang sa lumipas na ang mga oras ay nakarating nadin kami sa unli wings na aming pag kakainan.

Agad naman nag hanap ng parking space si Brent upang maka pag park na kaagad.

Kaya nung nakahanap na kami ay agad narin kaming bumaba at nag punta saming pag kakainan.

Laking gulat ko ng biglang umakbay sa balikat ko si Brent habang pa pasok na kami sa loob ng unli wings.

Agad kong tinanggal ang braso nito na naka akbay saakin.

" Hey! ano ba! " sabi ko kay Brent sabay hawi ng braso nito.

Agad akong lumayo sa kanya dahil baka akalain pa ni Ken na may relasyon kaming dalawa.

Hanggang sa nag hanap na kami ng table na bakante.

Hindi ko inaasahan na ganito ang nangyayari saakin ngayon, kaharap ko si Ken na kumakain sa iisang table.

Feeling ko tuloy ay ka date ko ngayon si Ken sa unli wings. Habang si Brent naman ang hadlang sa gilid ni Ken.

Naiilang tuloy akong kumain ng marami dahil kaharap ko si Ken, kaya dapat ay pa cute lang habang kumain.

Habang focus na focus akong kumakain ng unli wings ay laking gulat ko ng hinawakan ni Ken ang gilid ng labi ko.

" Miles may kanin ka." sabi nito saakin saka tinanggal ang kanin malapit sa labi ko.

Napatulala nalang ako sa mukha ni Ken habang tinatanggal nito ang kanin malapit sa labi ko.

Pakiramdam ko ay bumabal ang paligid ko habang nakatingin kay Ken, at tanging pag tibok nalang ng aking puso ang naririnig ko dahil sa lakas nito.

At bigla nalang itong nawala nang biglang sumingit si Brent at paulit ulit na tinatawag nito ang pangalan ko.

" Miles! "
" Miles! " banggit ni Brent sa pangalan ko.

Kaya agad naman akong natauhan, dahil ang tagal ko din palang nakatulala sa mukha ni Ken.

" Miles paabot ng baso! " sabi ni Brent, habang nakatitig saakin ng masama.

Kaya agad naman akong natauhan dahil sa biglaang pag singit nito.

Unti unti nang bumalik sa ayos ang lahat, at ganun din ang pag tibok ng puso ko dahil sa biglaang pagtawag ni Brent sa pangalan ko.

Kaya agad ko namang inabot sa kanya ang baso sa gilid ko.

Kaya lumipas ang ilang mga oras ay natapos nadin kami sa aming pag kain at nag pasya nadin kami na umuwi.

Sumakay uli kami sa kotse ni Brent para ihatid kami nito saaming pag uwi, at unang hinatid nito ay si Ken.

" Salamat!! " sabi ni Ken saka bumaba na sa sasakyan ni Brent.

Habang ako naman ang susunod na ihahatid nito sa bahay namin.

Ngunit hindi nito dinaanan ang lugar papunta saamin, at mukhang papunta kami sa apartment nito.

" Hey!! " sigaw ko kay Brent dahil mukhang hindi ako nito ihahatid sa bahay namin.

Ngunti patuloy lqng ito sa pag drive niya at hindi ako nito pinapansin.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now