EPILOGUE

5K 153 79
                                    

An Hour Ago.

BRENT's POV

Patuloy lang ako sa aking pamamaneho upang ihatid si Miles sa kanila.

Ngunit hindi padin maalis sa akin ang pag dadalawang isip na baka eto na ang huling pag sasama namin ni Miles.

Kaya habang nasa loob kami ng aking kotse ay halos hindi ito kumikibo at nakatuon lang ang mga mata nito sa labas ng aking sasakyan.

Nanatili nalang din akong tahimik kahit na gustong gusto ko itong kausapin.

Kaya habang lumalapit na kami sa aming destinasyon ay mas lalong bumibilis ang pag tibok ng aking puso dahil hindi ko alam ang nararamdaman ko at para bang ayokong mawala si Miles sa Piling ko.

Patuloy na nag lalaban ang isip at puso ko kung sasabihin ko ba kay Miles na mahal ko sya o patuloy ko nalang na ikikimkim ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pero nauubusan na ako ng oras para mag isip pa dahil isang kanto nalang ay mararating na namin ang bahay nila Miles.

Kaya kung hindi ko maaamin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko ay baka mawalan nako ng chance na makausap ko pa ito.

At ayokong mangyari yon.

Kaya panandalian kong ihininto ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada, kaya nag taka naman si Miles at napatingin ito saakin kung bakit ihinito ko ang aking pag da-drive.

Kay bilis ng pag tibok ng puso ko at para bang sasabog ito sa pag kalabog nito.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatingin sa mga mata ni Miles at para bang nahihiya ako.

Marahan akong humarap sa direksyon nito saka hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.

" Miles!! "banggit ko sa pangalan nito saka humarap sa direksyon nito.

" Hindi ko maintindihan kung bakit ako nag kakaganito, para ba akong mababaliw kakaisip sa mga masasamang nasabi at nagawa ko sayo."

" Alam kong mali ako, Maling mali ako! "

" Kaya napaka tanga ko kasi sinayang ko yung mga pag kakataon na mag kasama tayo."

" Hindi manlang nasabi sayo kung gaano kita ka mahal! "

" Kasi Im such a stupid jerk! na sarili lang ang iniisip."

" Pero sana mapatawad moko sa lahat ng nagawa ko sayo. Dahil hindi ko kayang patawarin ang sarili ko kung hindi mo ako mapapatawad. "

" Kaya Miles gusto kita! kahit alam ko na hindi na ako yung gusto mo, pero sana mapatawad mo padin ako sa lahat ng kag*guhan ko." Pag amin at pag hingi ko ng tawad kay Miles habang hindi ko magawang tuming sa mga mata nito.

Ngunit hindi ako na karinig ng sagot mula sa kanya at hindi ko din alam ang reaksyon nito sa mga sinabi ko sa kanya dahil nakayuko ang aking ulo habang humihingi ng tawad sa kanya.

Kaya nung pag angat ko ng aking ulo ay nagulat nalang ko sa biglang pagyakap nito ng mahigpit saakin.

Namumuo ang mga luha nito.

At para ba akong naging istatwa sandali dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.

Hanggang sa hinalikan nito ang labi ko na talagang ikinagulat ko.

Hindi ako makagalaw sa inuupuan ko at tanging hindi padin nag sisinc in sa utak ko ang mga nangyayari.

" Gusto padin kita Brent! " sambit ni Miles ng harapan sa mukha ko.

Kaya agad ko din itong niyakap at hinalikan sa kanyang labi nung narinig ko ang mga sinabi nito.

Hindi ko alam kung gaano kasaya ang puso ko at para ba itong sasabog dahil sa mga sinabi ni Miles.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now