CHAPTER 46

3K 105 10
                                    

Sumakay ang ex ni Brent na si Crissel sa sasakyan nito.

Nasa likod ito habang ako naman ang katabi ni Brent sa harap.

Nag tama ang mga mata namin ni Crissel at agad na nginitian ako nito.

" Oh hi? " pag bati nito saakin.

Nagulat naman ako sa biglaang pag bati nito kaya nginitian ko nalang ito.

Hindi ko alam ang relasyon nilang dalawa ni Brent ngayon, pero kung ex nya si Brent dapat ay wala nang relasyon na namamagitan sa kanilang dalawa ngayon.

Ngunit bakit parang ang kutob ko ay may namamagitan sa kanilang dalawa?

Hindi kaya ay nag kabalikan na sila?

" Pero paano nangyari yon? Paano na ako? Paano na ang pag ibig ko para kay Brent? " Naguguluhang pag iisip ko.

Hanggang sa bigla nalang nag tanong si Crissel.

" Brent, is he your friend? " Tanong nito kay Brent.

Sandaliang tumingin si Brent sa direksyon ko at sinagot ang tanong ni Crissel sa kanya.

" Yes! He is my special friend. " sambit nito habang naka tingin sa mukha ko ng direkta saka ngumiti.

" Ahh, ok" sagot naman ni Crissel saka pasimpleng lumapit sa likod ni Brent at hinimas nito.

Nung narinig ko ang sinabi ni Brent patungkol saakin ay para bang bigla nalang akong nakaramdam ng pag kirot sa puso ko.

Nasaktan ako sa sinabi nito patungkol sa akin.

Sino ba naman kasi ako, sa paningin nito. Ako lang naman kasi ang nag bibigay malisya sa lahat ng ginagawa namin ni Brent.

Kaya pilit ko nalang nginingiti ang labi ko kahit na may pag kirot sa loob ng damdamin ko.

Kaya nung napansin ko na malapit na kami saaming bahay ay nag pasya nako na sabihin kay Brent na dito nalang ako.

Dahil hindi ako komportable sa loob ng sasakyan nito na kasama ang ex nyang si Crissel.

" Brent, AHmmmm"

" Dito nalang ako. " nahihiyang sabi ko kay Brent.

Panandaliang tumingin ito sa dereksyon ko saka tinanong ako.

" Sigurado ka? "

" Hatid na kita sa inyo? " Sabi nito habang patuloy sa pag mamaneho.

" Hindi, ok lang may pupuntahan din kasi ako bago ko umuwi saamin." Pag sisinungaling ko dito upang sa ganon ay ibaba na ako nito.

Kaya agad din namang hininto ni Brent ang sasakyan nito upang ibaba ako.

" Salamat! " Sabi ko kay Brent saka bumaba sa sasakyan nito.

Nginitian ko nalang din si Crissel saka nag paalam din dito.

" Ingat ! " pag papaalam ni Crissel saakin saka akin itong nakita na lumipat ng pwesto malapit kay Brent.

Hindi ko alam ngunit unti unti akong nakakaramdam ng selos nang iniwan ko si Brent at Crissel sa loob ng sasakyan.

Kaya nag simula nalang akong nag lakad papalayo sa kanila, kahit na hindi ako komportable sa aking nararamdaman.

Kaya nung nakarating na ako saming tahanan ay agad akong pumasok sa aking kwarto para mag pahinga.

Agad kong tinumba ang pagod kong katawan sa aking malambot na kama.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now