CHAPTER 40

3.3K 108 9
                                    

Hanggang sa dumating nadin ang oras na mag sisimula na ang party ni Mica.

Nakipag kita ako kay Mariel dahil ito ang kasabay ko sa pag punta sa reception ni Mica.

Kaya nung nakarating na kami doon ay talagang napaka ganda ng event at reception ni Mica.

Unti unti nadin dumadami ang mga tao sa reception. at sa isang malaking lamesa ay nandoon lahat ng aming mga kaklase na mag kakasama.

" Mariel! Dito! " tawag ng isa kong kaklase kay Mariel at pinapaupo kami sa tabi nila.

Halos lahat ng kaklase namin ay nandirito sa birthday party ni Mica, liban nalang kay Brent dahil may ina asikaso pa ito.

Nandito din si Ken na naka suot ng longsleeve na red at talagang bumagay sa kanya ang suot nito.

Pero nung nakita ko ito ay wala na akong naramdaman na feelings para sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit parang wala na ang pagtingin ko sa kanya.

Dati naman ay pag nakikita ko ito ay ganun nalang ang hiya ko para sa kanya, at hindi ko mapigilan ang pag tibok ng puso ko.

Pero ngayon ay hindi ko na ito nararamdaman sa ngayon at mukhang tuluyan nang nag laho ang pag tingin ko para kay Ken.

Agad kaming umupo ni Mariel sa tabi ng mga kaklase ko.

Ito ang unang beses na nakisalamuha ako sa kanila kaya medyo na hihiya pa ako para sa kanila.

Hanggang sa dumating nadin si Brent sa reception ni Mica.

Hindi ko mapigilan ang saya nung nakita ko ito. At talagang napaka gwapo ni Brent mula sa mga mata ko.

Napatitig nalang ako sa kanya habang papalapit ito sa pwesto namin.

Nakasuot ito ng isang polo at napaka neat pag masdan ng buhok nito.

Tumabi ito kanila Ken at Luis habang kaharap ko naman sila sa lamesa.

Hanggang sa lumapit saamin si Mica, ang birthday girl.

" Tara shot!! " aya ni Mica saamin habang hawak nito ang isang wine.

Binigyan kami ng mga crew ng mga wine para ito'y inumin namin pero agad ko naman itong tinanggihan dahil sa talang buhay ko ay never pa akong naka tikim ng wine.

" Miles! bawal ang KJ dito! shot na! " pag aya pa ni Mariel saakin habang naka ngiti.

Kaya dahil ayoko naman na isipin nila na KJ ako, kaya uminom nadin ako ng wine.

" Cheers!! " sigaw ng mga kaklase ko saka inangat ang baso na may alak.

Napaka tapang ng lasa ng wine at hindi ko pa gusto ang amoy nito, kaya kaunti lang ang nainom ko.

Hanggang sa nag simula na nga ang party ni Mica.

Biglang umingay ang buong paligid dahil sa malakas na pag kalabog ng malaking speaker at nagsimula nadin ito sa pag tugtog.

" Beauty and a beat! "

" I love this song!! " malakas nasabi ni Mariel saakin ngunit hindi ko ito maintindihan dahil sa malakas na pag kalabog ng speaker.

Hanggang sa nag pasya ang mga kaklase ko na mag si tayuan at mag sayawan dahil ang iba sa kanila ay napadami nadin ng inom ng wine.

" Tara Miles! sayaw tayo! " pag aaya saakin ni Mariel dahil gusto nito na maki jamming sa pag sayaw.

Agad ko naman itong tinanggihan dahil nahihiya ako na sumayaw.

Hanggang sa pumunta sa gitna ang mga kaklase ko at tuluyan silang nag enjoy na nag mumula sa malakas na music.

" Cause all I need.... Is a beauty and a beat.... Who can make my life complete....." Pag tugtog ng malakas na speaker.

Pinag mamasdan ko lang sila sa kanilang kasiyahan habang ako ay naka upo lang at nag iisa.

Inaya rin kasi nila si Brent na sumayaw, kaya wala itong nagawa kundi sumunod nalang sa kanila.

Habang ako ay masaya akong pinag mamasdan sila sa kanilang mga ginagawa.

Nakakatuwang pag masdan si Brent na sumasayaw at para ba itong na pipilitan dahil sa kanyang reaksyon.

Natutuwa lang ako na pag pinagmamasdan sila hanggang sa biglang lumapit saakin si Ken.

" Miles? "

" Tara! punta tayo sa kanila! " aya ni Ken saakin habang inaabot nito ang kamay ko.

Napatingin nalang ako sa mukha ni Ken. Pero nung napatitig ako sa kanya ay hindi ko na naranasan ang hiya sa mga oras na'to.

Ngayon ay kaya ko nang tignan si Ken sa mukha nito ng hindi na nahihiya. Siguro ay tuluyan nang nawala ang affection ko mula sa kanya.

Kaya agad ko naman itong sinagot ng hindi na nahihiya sa kanya.

" Ahhh, nahihiya ako eh! " sagot ko kay Ken.

Hanggang sa tuluyang lumapit saakin si Ken at saka nito hinawakan ang kaliwang kamay ko para ayain na sumayaw kasama ng ibang kaklase ko.

Wala na akong nagawa para pigilan pa ito kaya napasama nalang ako sa kanya.

Ramdam ko ang mahigpit na pag kakahawak ni Ken sa kamay ko.

Pero hindi kona ramdam ang affection na pag kagusto kay Ken.

Hanggang sa may ibinulong ito saakin, ngunit hindi ko naman ito maintindihan.

" Tugss... tugss... tugss.." ingay na nag mumula sa speaker.

" Miles! tara mag enjoy ka! " malakas na pag bulong ni Ken sa tenga ko, ngunit hindi ko naman ito maintindihan dahil sa lakas ng tugtog.

Nag panggap nalang ako na naintindihan ko ang sinabi nito.

Hanggang sa nag simula nang mag kagulo ang mga kaklase ko dahil sa magandang tugtog na nag mumula sa speaker.

" Lets dance!! " aya ng mga kaklase ko saakin.

Kaya wala akong nagawa kundi umindak na kasama sila.

Ito ang unang beses na nakisalamuha ako sa mga kaklase ko. At talagang napaka saya ko sa mga oras na ito.

" Wuuuuuuuhhhh" sigaw ng mga kaklase ko habang patuloy sa kanilang pag sayaw.

Hanggang sa nakaramdam nadin sila ng pagod kaya nag aya na silia na bumalik sa aming mga upuan.

" Tara na Miles! nakakapagod! " sabi ni Mariel saakin habang hulas na hulas sa pawis dahil sa pag sayaw nito.

Hindi panga sila gaanong lasing dahil sa ininom naming wine ngunit mukhang mga lasing na ito dahil sa kanilang mga kinikilos.

Na enjoy ko ang aking pagsayaw na kasama sila.

At sa mga oras na ito ay unti unti ko nading nakaka palagayan ng loob ang iba ko pang mga kaklase.

" Miles, Wine gusto mo? " pag alok pa saakin ng iba ko pang mga kaklase.

Pero agad ko din itong tinanggihan dahil baka lalong malasing pako.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang