CHAPTER 17

4.2K 131 4
                                    



Lumipas ang mga minuto.

" Huy! Miles! " pang gigising saakin ni Megan habang akoy kinakalabit nito.

Kaya agad naman akong nagising dahil sa lakas ng pag kakalabit nito.

" Puyat? " tanong nito saakin habang naka ngiti.

Kaya agad naman akong umupo ng tuwid dahil diko na namalayan na naka tulog na pala ako sa aming klase.

" Gashhh. anong oras na?! " tanong ko saaking sarili saka mabilis na binuksan ko ang aking cellphone upang tignan kung anong oras na.

" Lunch Break na! Tara libre kita! " aya ni Mariel saakin.

" Ah, matutulog nalang uli ako. " sabi ko kay Mariel.

Pero sadyang makulit talaga si Mariel at hinila talaga ako nito palabas ng room namin.

" Hano kaba! libre na nga kita eh, minsan lang ako manlibre kaya i-grab mona! " Sabi nito saakin habang hinihila ako papunta nang canteen.

Kaya wala akong nagawa kundi ang sumama nalang sakanya.

Hanggang sa pumuwesto na nga kami sa gilid ng table ng cafeteria. At kaya pala gusto nitong tumambay kami sa Canteen dahil nandirito din sila Brent, Ken at Luis na kumakain sa Canteen.

Napatingin ako sa direksyon nila Brent at mukhang nakatingin din saamin si Brent.

" OMG Miles!! tinitignan tayo ni Brent!! " sabi ni Mariel habang kinikilig.

Kaya agad naman nag hawi si Mariel nang kanyang buhok na para bang nag papaganda kay Brent.

" Miles ano? ok lang ba ang buhok ko? " tanong ni Mariel saakin habang nag hahawi ito ng buhok nya.

" Uhmm, " sagot ko sabay tango.

Napatingin uli ako sa direksyon nila Brent dahil na cu-curios ako sa mukha ni Ken ngayon.

Hindi ko namalayan na napatitig na ako kay Ken habang kumakain ito.

" Huy! ano ba Miles! nakikinig kaba? " tanong saqkin ni Mariel dahil hindi ako interisado sa mga kwento nito at parang mas gusto ko nalang pag masdan si Ken habang ito'y kumakain.

At mukhang napansin ni Mariel ang pag sulyap ko sa direksyon nila Brent.

" Sino ba tinitignan mo! " tanong nito saakin saka tumingin sa direksyon kung saan ako na katingin.

Hanggang sa napansin nito na nakatingin ako kanila Ken.

" Hoy ikaw ah! siguro may gusto ka sa isa kanila Ken noh! " Pangungutyq nito saakin.

Kaya agad ko namang umiwas nang tingin kanila Ken at saka mabilis na sinagot si Mariel.

" Hindi noh! " pag dedeny ko habang namumula ang mga pisngi ko.

" Don't me Miles! halatang halata sayo na may gusto ka sa isa sakanila! " sabi nito saakin nq para bang nangungutya.

" Wa.. wala noh! " pag tatanggol ko saaking sarili habang hindi makatingin sa mga mata ni Mariel.

" Wag kang mag alala, hindi ko ipag sasabi! " sabi nito saakin saka lumapit saakin na para bang na eexcite.

" Sino ba si Luis?"

" Si Ken? "

" O si Brent?" Mahinang pag tatanong nito saakin na para bang na eexcite.

Naka iwas ako nang tingin kay Mariel dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

" Dali na sabihin mo na! pramis hindi ko ito ipag sassabi! " sabi panito saakin.

At mukhang mapag kakatiwalaan ko naman si Mariel, at kung siya ay sinabi nito saakin ang crush niya, ang unfair lang siguro para hindi ko sabihin kung sino ang crush ko sa kanya.

Saka feel ko safe naman mag tago nang sikreto kay Mariel.

" Ahhh... ehhh" nahihiya kong sabi habang naka yuko.

" Sino nga, dali na Miles!! " Na eexcite na tanong nito saakin.

" Si... si Ken " Mahinang sabi ko habang nahihiya.

At mukhang nagulat si Mariel sa sinabi ko kaya na patayo ito at muntik pang masabi ang pangalan ni Ken.

" A...Ano si Ke.." Sabi nito na para bang nagulat at buti nalang ay napigilan ko kaagad ito sa pag ka excite nya at muntik pa nitong ma banggit ang pangalan ni Ken.

Nagulat ang mga tao sa Cafeteria dahil sa ingay ni Mariel kaya halos lahat ng kumakain dito ay saamin nabaling ang tingin, at ganun din sila Ken at Brent na pahinto ito sa kanilang kinakain at na baling ang atensyon nila saamin.

" OMG Miles!! sabi ko na nga ba at may crush ka sa isa sa tatlo! " sabi nito saakin habang kinikilig at hinahampas pa nito ang braso ko.

At napansin ko na naka tingin lang saamin si Ken at Brent dahil sa ingay na ginagawa namin ni Mariel.

" Don't worry Miles, tuturuan kita nang mga the moves ko para mainlove sayo si Ken." Sabi nito saakin at naparabang natutuwa.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now