CHAPTER 36

3.4K 122 5
                                    

Kaya lumipas ang mga araw ay nag simula na ngang manligaw si Baron kay Miles.

Ngunit hindi naman pinapansin ni Miles si Baron.

" Ahhh Miles, para sayo oh. " sabi ni Baron habang inaabot nito kay Miles ang isang box ng chocolate.

Ngunit hindi pinapansin ni Miles si Baron at hindi rin nito tinatanggap ang bawat binibigay ni Baron sa kanya.

" Sabi ko sayo eh, masasaktan kalang! " sabi ko kay Baron habang nanlulumo ito dahil sa hindi tinanggap ni Miles ang regalo nito.

" huh!! okay lang hindi ko siya susukuan hanggat hindi nagiging kami." sabi pa nito habang naka ngisi.

Kaya lumipas ang mga araw ay patuloy parin si Baron sa pangungulit kay Miles habang ako ay pinag mamasdan ko lang sila sa kanilang mga ginagawa.

At halos lahat ng estudyante sa campus ay alam ang ginagawang panliligaw ni Baron kay Miles kaya rodo iwas naman si Miles kay Baron.

Hanggang sa dumating ang araw na talagang nag pabago kay Miles.

" Ang kulit mo! ayoko nga sabi!! " sabi ni Miles kay Baron dahil patuloy padin ito sa panliligaw sa kanya.

Nag tatalo ang dalawa malapit sa hagdanan ng second floor. Habang ako naman ay nasa 1st floor ng aming school at simpleng tinitignan sila Baron at Miles sa kanilang pag aaway.

Hanggang sa narinig ko nalang na mukhang nag babanta si Baron kay Miles.

" Kung hindi mo i a accept ang panliligaw ko sayo, mainam pang kumalat itong video mo sa buong campus! " Sabi ni Baron habang nakangisi kay Miles at tinutukoy nito ang cellphone nyang may video ni Mikes na nag bibihis at hubo't hubad ito.

Nagulat nalang si Miles sa nakita nya.

" Sa..saan mo nakuha yan? " Pag tataka ni Miles.

Ngumisi lang uli si Baron kay Miles.

" Kung mapapahiya ako dahil sa hindi mo pag sagot saakin, pwes ikaw din dahil pareho na tayong pag tatawanan ng mga tao pag pinakalat ko ang video mo! " sabi ni Baron kay Mikes habang naka ngisi.

Namumuo ang mga luha ni Miles sa mga mata nito at hindi niya alam ang gagawin nya dahil sa pag babanta ni Baron sa kanya.

Hanggang sa aakmang yayakapin ni Baron si Miles.

" Miles saguti..." hindi panga tapos sa pag sasalita si Baron ay tinulak ito ni Miles dahil yayakapin sya nito.

At sa hindi inaasahang pangyayari ay napalakas ang pag tulak nito at nahulog ito mula sa secondfloor ng hagdanan.

Hanggang sa nag sigawan na ang mga estudyanteng naka kita.

At saka naman dumating ang kapatid ni Baron na si Brent upang tulungan ito.

Naka tayo lang ako sa harap ni Baron habang wala na itong malay dahil sa pagkaka hulog nito.

At dahil sa nangyaring insidente ay mabilis na kumalat sa buong campus ang pangyayaring pag kahulog ni Baron.

Kaya halos lahat ng estudyante sa campus ay unti unting nagalit kay Miles kahit hindi naman talaga nila alam ang tunay na dahilan.

Naaawa ako sa kalagayan nya, dahil kabi-kabila ang pang bubullying naranasan nya .

Kinamumuhian sya ng lahat at trinatrato na para bang may sakit na nakaka hawa dahil grabe ang pag iwas ng mga estudyante sa kanya.

Ngunit parati lang itong nakayuko at pinang sasawalang bahala nalang ang mga sinasabi sa kanya ng mga estudyante.

Kaya nakaramdam ako ng awa sa kanya pag nakikita ko itong nag iisa.

At ako ang nag iisang nakaka alam ng katotohanan kung ano ba talaga ang tunay na nangyari ng mga araw na yaon at hindi ko manlang magawang maipag tanggol si Miles at sabihin sa lahat ang katotohanan.

Gusto ko si Miles ngunit matalik na kaibigan ko si Baron, kaya nahihirapan akong sabihin sa lahat ang katotohanan dahil si Baron ang Best friend ko.

Hanggang sa natapos na nga ang aming school year at dumating na ang araw ng aming graduation.

Bakas sa mukha ng bawat estudyante ang kalungkutan dahil sa pag tatapos ng aming highschool year.

Ang bawat isa ay nag papaalam na sa kanilang mga matalik na kaibigan dahil hindi sila sigurado kung makaka piling pa uli nila ang mga naging matalik nilang kaibigan sa loob ng kanilang highschool life.

Pero alam ko na may isang estudyante na talagang masaya sa pag tatapos ng taon namin sa highschool.

At iyon ay si Miles.
.
.
.
Lumipas ang ilang mga buwan ay wala manlang akong naging balita para kay Miles.

Hindi ko alam kung saan na ito mag papatuloy ng kanyang pag aaral.

Kaya agad akong nag isip ng paraan upang malaman kung saan mag papatuloy si Miles ng kanyang pag aaral.

Dahil gusto kong makabawi sa kanya simula nung naranasan nito ang kanyang kapighatian nung highschool palang kami.

Hanggang sa may isang kaibigan ang tumawag saakin mula sa aking telepono.

" Oh, Ken kamusta! " Tawag ni Luis saakin mula sa kabilanh linya ng telepono.

" Ikaw pala Luis? "

" Napatawag ka? " sambit ko sa kanya.

" hindi ka parin ba nag a-apply for your college? " tanong ni Luis saakin.

" Malapit nang mag simula ang klase sa iba't ibang university! kaya dapat makapag apply kana! " sabi pa nito saakin mula sa telepono.

Dahil sa kagustuhan kong malaman kung saan mag aaral si Miles sa kanyang college ay hindi ko na naasikaso ang sarili ko at hanggang ngayon ay wala padin akong university na naaaplyan.

Hanggang sa tinanong ko si Luis kung saang universi siya pumapasok.

" Luis, saang university ka ngayon? " tanong ko sa kanya.

" Sa MACO University ako ngayon!" sabi nito saakin.

Ibababa ko na sana ang tawag nito saakin dahil nauubusan na ako ng oras at panahon upang alamin kung saan nag aaral si Miles nang biglang nag salita uli si Luis saakin.

" Same course nga kami ni Miles eh, yung wierd! " Banggit pa nito mula sa telepono.

Nung narinig ko ang sinabi nito ayhalos hondi ako makapaniwala sa sinabi nito saakin.

" What?! " gulat na tanong ko, at gusto kong alamin kung tunay ba ang sinasabi nito.

Kaya agad akong nag punta sa MACO University upang alamin kung may Miles Levin bang nag apply sa course na Business Administration.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now