CHAPTER 26

3.7K 114 1
                                    

Hanggang sa pumasok si Mommy sa kwarto ko.

" Miles anak, gising kana ba? " tanong nito saakin saka binuksan ang pinto ng kwarto ko.

nakita nito ako na naka upo sa kama ko kaya agad naman itong lumapit saakin at tinabihan ako.

"Anak, napapansin kasi namin ng daddy mo na para bang napapadalas na ang pagiging late mong umuwi nang bahay." Sabi nito saakin habang naka hawak sa kamay ko.

" Nag aalala lang kami, kasi usually hindi ka naman na lalate sa pag uwi." Dagdag pa na sabi ni Mommy saakin.

Kaya agad ko din naman na hinawakan ang kamay ni Mommy at saka sinabi dito na ang dahilan nang pagiging late kong umuwi ay masyado lang kaming maraming project na ginagawa sa school upang hindi ito mag alala pa.

" Sorry po Mommy, pero masyado lang pong madami ang ginagawa namin sa school." sabi ko kay mommy upang hindi na ito mag alala pa.

At mukhang naninwala naman ito.

" Sige anak, basta pag may problema ka, wag kang mahihiyang mag kwento kay Mommy ah! " sabi nito saakin saka niyakap ako ng mahigpit.

Kaya nung natapos na ang aming pag uusap ay agad naman na akong nag asikaso upang maagang maka pasok sa school.

Hinatid ako ni Daddy sa school gamit ang kotse nito.

Kaya masyado akong napa aga sa pag pasok ko.

Kaunti palang ang mga estudyante sa bawat room at tatlo palang din kami sa loob ng classroom namin.

Lumapit sa upuan ko si Mica ang class president namin.

" Miles, naka gawa ka ng assignment sa earth and life science? " tanong nito saakin.

At nanlaki nalang ang mga mata ko nung nakalimutan ko na itong gawin,dahil maaga akong naka tulog kagabi at hindi ko na nagawa ang mga assignment ko.

" F*ck! I forgot! " sabi ko saaking sarili saka agad na nilabas ang notebook ko.

" Hindi ako nakagawa eh! " kinakabahang sambit ko saka mabilis na inilabas ang notebook ko upang gawin ito.

" Same! ako din walang gawa! " sabi ni Mica saakin.

Hanggang sa bigla nalang dumating si Mariel at malakas na binuksan nito ang pinto.

" Ako may assignment ako! " Malakas na sabi ni Mariel na kakapasok lang.

Kaya agad namang nitong nilabas ang assignment nya upang pakopyahin kami nito.

May isang oras pa bago mag simula ang klase namin kaya hindi ko naman kailangan mag hadali.

Hanggang sa lumipas na ang mga ilang minuto at unti unti nadin nag sisidatingan ang mga kaklase ko, habang kami ni Mica ay patuloy lang sa pag kopya sa assignment ni Mariel.

" Ako ang saviour nyo today! kaya dapat ay ilibre nyo ko ng lunch! " Proud na sabi ni Mariel saamin.

Hanggang sa natapos na nga ako sa pag kopya sa assignment nito, at agad naman akong nag unat ng aking likod dahil sa matagalang pag kokopya ko sa assignment  nito.

At hindi ko sinasadya na patingin sa pintuan ng classroom namin habang nag uunat ng aking likod. At laking gulat ko ng bigla nalang dumating si Brent at talagang nag tama ang mga mata namin.

Nakatingin ito saakin habang papasok na ito sa classroom namin.

Kaya agad ko naman na iniwas ang tingin ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay nakita ako nito na nag uunat ng katawan ko.

Pero laking gulat ko nalang na para bang bumibilis sa pag tibok nitong puso ko nung nakita ko si Brent.

" The hell!! anong nangyayari!! " sabi ko saaking sarili habang pinakikinggan ang mabilis na pag tibok ng puso ko.

" Hindi ito maaari!! hindi pwedeng mahulog ako kay Brent!!"

" Dahil kung mangyayari yun, ay baka masaktan lang ako sa huli."

" At ayokong mangyari yon! " sabi ko saaking sarili na para bang nalilito sa mga nangyayari,

Hanggang sa tumingin uli ako sa direksyon ni Brent at pakiramdam ko ay unti unti na talaga akong nahuhulog sa kanya at hindi ko alam ang dahilan kung bakit.

" F*ck!! no Miles!! "

"stop this nonsense!! " sabi ko saaking sarili, saka ko mahinang pinag sasampal ang mukha ko upang magising sa katotohanan.

At napatingin nalang sila Mariel saakin dahil sa biglaang pag sampal ko sa sarili ko.

" Huh?! " pag tataka nila habang nakatingin saakin.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now