Kabanata 3

1K 26 3
                                    

Hindi ko na mabilang kung ilang ikot na ba ang ginawa ko sa aking kama. Babaling ako sa kanan at kapag pakiramdam ko ay hindi ako kumportable ay babaling naman ako sa kaliwa. Kaya nang mapagod ay bumangon na ako. Yakap-yakap ang aking unan ay nakasandal ako sa headboard ng kama.

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Amadeus noong Friday. Halos isang linggo na ang nakalipas pero ang isip ko ay lumilipad pa rin hanggang ngayon. Isang linggo na rin akong umiiwas sa kanya. Kahit mahirap lalo't magkaklase kami.

Hindi ko rin alam kung ano ba ang ire-react ko o sasabihin kung sakaling magkausap kami, kahit na alam kong imposible naman. At kahit nakikita ko pa lang siya sa malayo ay kumakaripas na ako ng takbo.

Parang tanga lang kung may makakakita.

Nakakahiya rin na siya pala ang nakapag-check ng test paper ko at zero lang ang nakuha kong score. Kahit man lang one point ay wala akong nakuha. Sa isang katulad niya na matalino at masipag mag-aral ay totoong nakakahiya 'yon.

Maybe he sees me as a stupid student. Walang ibang ginawa sa buhay kung hindi magbulakbol. Hindi inaatupag ang pag-aaral. Hindi ko pa nga pala 'yon nasasabi kay Tita Kilari. Tiyak na pagagalitan ako no'n. Pero kalaunan naman ay pangangaralan ako at iintindihin.

"Milada? Nasa baba ang kaibigan mo!"

Narinig ko ang boses ni Tita Kilari mula sa baba kaya kahit tinatamad ay bumaba ako sa kama upang puntahan ang kaibigan ko. Baka si Cassie 'yon. Pero wala naman siyang sinabi na pupunta siya, ah?

Hindi na ako nag-ayos ng sarili at kahit nakasuot pa ng pangtulog at hindi pa nakakapgsuklay ay wala na akong pakialam. Si Cassie lang naman 'yon at sanay na siya sa mukha kong minsang walang ayos.

Kaya ng pagkababa ko ay nakasimangot ako at kakamot-kamot sa ulo. Pagdating ko sa living room ay gano'n na lang ang paglaki ng aking mata ng matagpuan doon si Amadeus. Mukhang naramdaman niya ang aking presensya dahil nag-angat ito ng tingin mula sa librong kanyang binabasa.

Anong ginagawa niya dito?!

Sabi ni tita, ang kaibigan ko ang nandito kaya bakit si Amadeus ang nakikita kong prenteng nakaupo sa sofa?!

"Oh, nakababa ka na pala. Alam kong hindi mo bababain si Amadeus kaya nag-suggest si Amadeus na banggitin ang kaibigan mo. Hindi naman siya nagkamali roon," hindi ako makapaniwalang tiningnan si Tita Kilari. "Oh, Amadeus, magmeryenda ka muna."

"Thank you, po."

Magalang na sabi nito at muling bumaling sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng bumaba ang tingin niya sa suot ko. Napaatras ako at mabilis na tumakbo paakyat sa hagdan. Narinig ko pa ang boses ni Tita Kilari pero mas nag-focus ako na makabalik sa kuwarto ko para magpalit ng damit at mag-ayos ng sarili.

Bakit ba kasi siya pumunta rito? Wala naman akong natatandaan na may usapan kami dahil hindi naman kami nag-uusap!

Isa pa, bakit ang gwapo niya sa simpleng round neck white t-shirt? At simpleng black cotton pants? Hindi rin nakaayos ang kanyang buhok nakababa lang 'yon, dahil ang madalas niyang hair style sa school ay nakaangat ang bubok.

Bumuntong-hininga ako at pinasadahan ng tingin ang sarili sa full length body mirror ko. Malaking printed shirt at maong na tokong. Okey na siguro ito. Hindi ko naman kailangan bonggahan ang ayos ko.

Pagbaba ko ay nasa ganoong posisyon pa rin siya ngunit wala na sa mga kamay nito ang librong hawak niya kanina. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya at hindi naman ako nabigo roon.

"Anong ginagawa mo rito?" pinagkrus ko ang mga braso ko sa tapat ng aking dibdib.

Nakita kong dumapo ang kanyang tingin doon pero agad din na tumingin sa aking mukha. He looks bored. A handsome bored face.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now