Kabanata 5

974 28 3
                                    

Nangingiti ako habang nagbabanlaw ng mga pinggan na tapos ko ng sabunan. Araw ng Sabado ngayon kaya walang pasok sa school. Si Tita Kilari naman ay kinakailangang pumunta sa school na tinuturuan niya kaya mag-isa lang ako ngayon sa bahay. 

Pupunta rin ngayon si Cassie sa bahay dahil gusto niya daw mag-movie marathon kami. Wala ang tatlo at wala talaga kaming balak isama ang mga 'yon dahil girls bonding ito.

Hindi naman nagtagal ay narinig ko na ang doorbell hudyat na nakarating na si Cassie. Mabilis akong nagpunas ng kamay pagkatapos maghugas at patakbong lumabas ng pintuan para buksan si Cassie.

Naka-leggings lang ito at racer back top. Mukhang galing sa gym at dumiretso na rito sa bahay.

"I brought CD's!" pakanta niyang sabi at halos lumuwa ang mata ko ng makita ang mga 'yon.

"Sira ka talaga!" natatawa kong sambit at hinila na siya papasok sa bahay. "Hindi natin 'yan puwede panoorin dito, Cassie! Nasisiraan ka na!" 

"Ano ka ba! Syempre doon tayo sa loob ng kwarto mo dahil pagagalitan tayo ni Tita Kilari!" sumimangot ako. 

"Hindi ako manonood niyan," tipid kong sabi.

"Alam ko! Dahil ang tagal-tagal na kitang niyayang manood ng bold pero sa huli ako lang mag-isa ang manonood!" madrama niyang sabi.

"Hindi maganda 'yan, Cassie! Ang bata pa natin para diyan!" naiiling kong sabi at binuksan ang refrigerator para kumuha ng pitsel. Sa counter top naman ay may baso na roon kaya nagsalin na lang ako at inabot kay Cassie.

"Syempre, masaya ang bawal!" aniya habang ngingisi-ngisi sa akin.

"Lagot ka sa Abuela mo." Humalakhak siya.

"Lagot talaga ako. Pero hindi niya naman malalaman dahil nasa Albancia siya. Isa pa, mas focus siya sa mga lalaki kong pinsan. Puro sila business, gosh!" sabi pa niya. "And ayaw ko umuwi roon. Nandoon ang buong pamilya, and I'm sure na pag-uusapan na naman nila ang alitan sa ibang pamilya na kalaban nila roon."

Nagkibit ako ng balikat at niyaya na siya sa kuwarto ko. Pagdating roon ay nauna pa siyang humiga sa kama ko habang sineset-up ko naman ang TV ko. 

"Sa Netflix na lang tayo manood." Tumango siya at naghubad muna ng sapatos bago buong nilagay ang katawan sa kama. "Itago mo na rin iyang CD." 

Humalakhak siya sa sinabi ko at tatango-tango naman.

Ako na ang namili ng papanoorin dahil kapag siya ay alam kong puro kahalayan lang. Sa akin lang niya pinapakita ang ganitong ugali dahil na rin siguro sa pagiging kumportable namin sa isa't-isa. Pero kahit anong gawin niya ay hindi ako nito mapipilit na manood no'n. Kahit na minsan ay napapangunahan na ako ng kuryosidad kaya mabilis kong sasawayin ang sarili. Mapapagalitan ako ni Tita Kilari at lalo lang nakakahiya!

"Kung nakita mo lang talaga ang mukha ni Angel ay matatawa ka!" tumawa siya ng malakas at gumulong-gulong pa sa kama. "Ang assuming kasi, 'yan tuloy." 

Ngumiti ako at umiling.

"Hindi ko inaasahan na... hindi naman pala sila," bumangon siya mula sa pagkakahiga at hinarap ako.

"Kasi assuming ka rin! Gaga ka!" hinampas niya ako ng unan kaya ng makakuha ng tiyempo ay inabot ko rin ang isa kong unan at hinampas sa kanya.

"Syempre! Bali-balita sa school na sila na! Kaya noong nakita ko na may couple bracelet sila ay wala na! Nasaktan na agad ako!" I said.

"Bakit kasi si Amadeus pa crush mo? Matalino 'yon at ikaw... gaga ka." Insulto niya pero halata naman na binibiro niya lang ako.

"Naisip ko bigla na baka may pag-asa na..." malakas siyang umirit at pinanggigilan ang unan na yakap-yakap niya.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now