Kabanata 24

631 14 0
                                    

I'm staring outside the car’s window. Pauwi na kami sa Laguna dahil nagkaroon ng emergency ang business ni Tito Wilford. Hindi naman ako nanghihinayang na maaga kaming umalis dahil nasulit ko naman ang mga araw na naroon ako sa Albancia. Marami akong napuntahan at nadiskubre sa probinsya ni Amadeus. At kung tatanungin nila ako kung gusto ko pa bang bumalik. Oo ang magiging sagot ko.

"You should sleep, Milada..." bulong ni Amadeus sa tabi ko.

"I'm fine, pagdating na lang sa bahay." Nagtagal ang tingin niya sa akin at kalaunan ay tumango na lang din.

Madaling araw kaming umalis sa Casa Contrejas dahil nagmamadali talaga si Tito Wilford. Wala naman sa aking problema 'yon lalo't sa kanila naman talaga ako sasabay pauwi.

Nang makarating na sa Laguna ay ang higaan ko na lang ang nasa isip ko. Gusto kong matulog para makapag-pahinga. 

Huminto muna kami sa isang restaurant para roon mag-almusal at pagkatapos ay tumulak na ulit kami para sa biyahe. The whole drive is silent na talaga namang nakakaantok.

"Thank you po..." sabi ko sa mag-asawang Contrejas.

"Welcome, Hija. Si Amadeus na ang bahala sa'yo dahil may aasikasuhin lang kami." Tipid akong tumango at tinanaw lang namin sila ni Amadeus paalis.

Nang makapasok sa bahay ay pagod akong naupo sa sofa habang tinatanggal ang sapatos ko. Napapapikit na ako dahil sa antok pero agad din na napadilat ng maramdaman ang pares ng kamay na tumutulong sa pagtanggal sa sapatos ko.

I looked at Amadeus gently. Naalis ko ang kamay ko at hinayaan siya sa ginagawa niya. Seryoso ito at siya pa mismo ang nagtanggal ng medyas sa paa ko. Nag-init ang aking puso dahil sa simpleng aksyon na ginawa niyang 'yon.

"Hindi mo naman kailangan gawin 'yan, Amadeus..." I said softly that made him look up.

"You're tired from the trip," he said hoarsely.

"I'm fine," I chuckled.

Napatili ako ng buhatin niya ako ng pangkasal at naglakad paakyat sa hagdan. Alam ko na agad kung ano ang gusto niyang gawin kaya itinuro ko sa kanya ang kwarto ko. I helped him open the door. 

"Pwede mo na akong ibaba, ano ka ba!" I laughed.

Hinayaan niya naman ako at dahan-dahang ibinaba sa kama. Agad akong dumapa at alam kong pinapanood niya ako.

"I'm tired and sleepy, Amadeus. You can lock the door and the gate if uuwi ka na... I'm sorry hindi na kita maihahatid sa labas..." antok kong sabi sa kanya.

Hindi ko na namalayan na nagpatuloy na nga ang pagtulog ko. Naalimpungatan lang ako sa mabangong amoy ng sinigang kaya napabalikwas ako ng bangon. Tumingin ako sa relo na nasa side table ko at nakitang alas siete na ng gabi. 

Bumaba ako sa kama at dumiretso sa C.R. para maligo. Nang matapos magbihis at mag-ayos ay agad akong lumabas ng kuwarto at patakbong baba na sana sa hagdan ng magkagulatan pa kami ni Amadeus. 

He's fresh from the bath too dahil amoy na amoy ko ang shower gel niya at pabango. Nakasuot ng simpleng t-shirt na white at cotton shorts. Medyo basa din ang buhok kaya alam ko kaagad na bagong ligo nga ito.

"Good evening," mababang boses niyang sabi.

"Good evening..." I smiled at dahan-dahan na bumaba.

Sabay kaming pumunta sa kusina at nakitang nakaayos na ang pagkain doon. Dumapo ang mata ko sa kanya.

"Gigisingin na sana kita..." aniya kaya tumango ako.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now