Kabanata 19

707 17 3
                                    

Nakatulog ako sa biyahe at nagising na lang dahil sa mahinang tapik ni Amadeus sa balikat ko. I stretched my body when I got out of the car. Nagulat ako ng hilahin pababa ni Amadeus ang laylayin ng damit ko.

"Tumataas. Nakikita ang tiyan mo," namula ako sa sinabi niya at agad na ibinaba ang mga kamay kong nakataas kanina dahil sa pag-unat.

“Thank you." Nasabi ko na lang.

Sabay kaming lumapit sa kumpol ng mga kasamahan at doon ay nagsimula ng mag-explain ang mga student council na pinangungunahan ni Amadeus. Buong oras na 'yon ay mariin akong nakikinig sa kanya at sinisiguro na wala akong makakaligtaan sa paalala niya.

They divide us into ten groups at siyempre ang magkakasama ay ang magkaka-section. Sayang lang talaga at wala ang mga kaibigan ko rito. E 'di sana ay magkakasama kami.

May kanya-kanyang tent ang bawat grupo. Ang sa grupo namin ay mahigit limang tent ang naitayo. Hindi ko lang alam kung ilan sa ibang grupo lalo't hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin.

Isang gabi lang naman kami dito at iyon ay ang magsaya kami. Hinanap ng mata ko si Amadeus pero hindi ko siya makita. Wala rin ang mga student council. Baka magkakasama ang mga ito.

May iilang kumakausap sa'kin dahil pansin siguro nila na mag-isa lang ako. Well, hindi naman talaga ako sanay na mas'yadong makipag-interact lalo na sa mga hindi kakilala. Kahit pa mga ka-schoolmate ko sila ay hindi maaalis sa akin na hindi agad magtiwala. I'm more comfortable with my friends than the new faces here.

"You should roam around, Milada..." nilingon ko ang pinaggalingan ng bosed na 'yon.

"Aiden..." nakangiti kong bati.

Tumabi siya ng upo sa akin. Nakaupo kasi ako sa nakatumbang katawan ng kahoy.

"Busy pa si Amadeus. Mamaya ka pa no'n mabibigyan ng oras," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at namula.

"Hindi naman!" sabi ko.

Humalakhak ito at humawak sa kanyang baba habang nakatanaw sa dagat. Papalubog na ang araw at maya-maya lang ay magsisimula na ang bonfire.

"Do you still like Amadeus, Milada?" nilingon ko siya pero katulad niya tumingin na rin sa dagat.

Gulat man ay hindi na lang pinahalata. Paano niya naman nalaman na may gusto ako kay Amadeus?

"Bakit mo naman tinatanong?" balik na tanong ko sa kanya.

"Just wondering. I can see that the two of you are getting along together. Hindi katulad noong nasa junior highschool pa lang tayo. You looks scared at Amadeus." Napanguso ako sa sinabi niya.

"I'm not! I'm just shy because I like him and I don't have enough courage to talk to him..." mahina kong sabi at ibinaon ang mga paa ko sa malambot at pinong puting buhangin.

"Sinabi niya sa'kin na umamin ka raw sa kanya. Syempre ako lang naman ang kaibigan niya kaya sa'kin 'yon magkukuwento," natatawa niya pang sabi kaya hindi ko na rin mapigilang matawa.

"He rejected me," tipid kong sabi.

"He did?" parang gulat niya pang tanong.

"Oo! Hindi niya ba 'yon nasabi sa'yo?" tumaas ang gilid ng labi niya at parang namamangha sa sinabi ko.

"Parang iba naman ang nakarating sa akin," aniya at parang may ibang kahulugan ang mga sinabi.

"Aiden," sabay kaming napalingon ni Aiden kay Amadeus na nasa harapan na namin ngayon.

"Why?" si Aiden.

"Josh is looking for you," ngumisi si Aiden at mahinang binangga ang balikat ni Amadeus ng makatayo ito.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now