Kabanata 25

670 13 0
                                    

Days passed. 

Amadeus and I are always talking on facetime. Minsan naman ay sa chat lang kapag sobrang busy doon. Hindi ko sinabi sa kanya ang sitwasyon ko dahil ayaw ko siyang mag-alala. 

Natuloy ang pag-alis ko papunta sa Palawan kasama si Nevan. Ang akala ko maganda ang bubungad sa akin doon pero isang pagkakamali nang maabutan ko si Tita Kilari na nakaratay sa hospital bed. Walang malay at maraming aparato ang nakakabit sa katawan niya. Same to Mr. Payton.

Hindi ko pa nakakausap si Nevan dahil mas pinagtuunan ko ng pansin na bantayan si Tita at gano'n naman si Nevan sa Tito niya. Madalas din siyang bumisita sa kuwarto ni Tita Kilari at kakausapin ako. Minsan nagdadala pa ng pagkain at kung ano-ano pa.

Alam kong concerned lang din naman siya sa akin at sobra na din akong nahihiya dahil halos siya ang katulong ko sa buong unang linggo ko rito sa Palawan. Every night I always cried because until now Tita Kilari won't wake up, same with Mr. Payton.

"You're crying again..." mabilis kong pinalis ang luha sa mata ko ng makita ang madilim at walang halong mapaglarong tingin ni Nevan. I smiled weakly.

"I can't help it..." bulong ko at tumayo sa upuan upang salubungin siya.

"They'll be fine," tumango-tango ako. "Kumain ka na?" umiling ako.

"Hindi pa ako nakakababa, e..." umismid siya sa'kin at pinatong sa bilog na lamesa ang paper bag. Isa-isa niyang nilabas ang tupperware doon at mukhang lutong bahay lahat 'yon.

"You cooked?" mangha kong tanong.

"Si Mama..." napangiti ako. "Alam niyang sinasamahan kita rito at ako rin naman ang bantay kay Tito Payton kaya siya nagluto." 

"Pasabi sa Mama mo na salamat..." naupo ako sa bakal na upuan at gano'n din naman siya pagkatapos mag-ayos ng pagkain.

"Yeah," aniya.

Tahimik kaming kumain at tunog lang ng buga ng aircon ang siyang gumagawa ng ingay sa apat na sulok ng kwarto. Nang matapos kumain ay ako na ang nagligpit ng mga tupperware habang si Nevan naman ay sinilip muna ang Tito Payton niya. Babalik na lang daw siya maya-maya.

Buong hapon ay gising ako dahil sa paghihintay na magising si Tita Kilari. I didn't know that they will got into accident. Kaya pala masama na ang kutob ko. At senyales na pala ang hindi pagsagot ni Tita Kilari sa mga text messages at tawag ko.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang may text ni Amadeus doon. Nagtatanong kung anong ginagawa ko kaya agad naman akong nagreply.

Kahit gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ay pinapangunahan pa rin ako ng takot. Ayaw ko siyang mag-alala sa akin lalo't meron din siyang iniintindi. Ang lolo niya. Kahit gusto ko sabihin sa kanya na natatakot ako sa sitwasyon ni tita ay hindi ko rin magawa.

Kilala ko si Amadeus. Gagawin niya ang lahat para bigyan ako ng lakas ng loob. At hindi maaalis sa akin na mag-isip na baka umuwi siya rito sa Pilipinas para sa akin.

"Tulala ka na naman. Mas'yado mo bang miss ang boyfriend mo at ganyan ka—"

"Oh shut up, Nevan!" umismid ako nang makita itong bagong pasok.

"Magsusungit ka pa rin ba sa'kin kapag sinabi ko sa'yong may lead na sa mga taong may gawa sa tita mo at tito ko?" natigilan ako at agad na nilingon siya ulit.

"Talaga?" mabilis ang lakad ko palapit sa kanya at kinuwelyuhan ito.

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahina niyang mura buhat sa ginawa ko.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now