Kabanata 14

682 17 2
                                    

Buong magdamag ay nagkulong lang ako sa kuwarto ko. Alam ko rin naman na alam na ni Tita Kilari na nandito na ako sa bahay. Nagmukmok ako at dinamdam ang nangyari kanina. Alam ko na wala naman akong karapatan para magkaroon ng ganoong reaksyon. Pero dahil gusto ko si Amadeus ay hindi ko mapigilan.

"Milada, gising ka ba? Kakain na ng hapunan..." narinig kong katok ni tita.

"Gising po ako," bumangon ako sa higaan at pinagbuksan siya ng pintuan.

Tumambad sa akin ang nag-aalala niyang mukha. Pagod ko siyang nginitian at tuluyan ng binuksan ng malaki ang pintuan ng kuwarto ko.

"Narinig kong umuwi ka raw agad galing sa school. Tumawag sa akin si Cassie dahil hindi mo raw sinasagot ang mga tawag at text niya. May problema ka ba, Milada?" doon ko lang naalala na kanina pa nga tumutunog ang cellphone ko pero mas'yado akong busy sa pag-iyak kanina.

"Wala naman, 'Ta..." may pagdududa sa mata niya.

"Bumaba ka na at kakain na tayo, nasa baba rin si Payton..." tipid lang akong tumango sa kanya at nag-ayos na ng sarili.

Pagbaba ko ay nandoon nga si Mr. Payton at nakaupo siya sa katapat kong upuan. Ramdam ko ang paninitig nilang dalawa kaya bumuntong-hininga ako at binalingan sila.

"Ayos lang po ako, 'wag niyo naman akong tingnan ng ganyan dahil baka hindi ko manguya ang kinakain ko..." doon lang sila natauhan at nagsimula ng magsandok ng pagkain nila.

Nagkukuwentuhan ang dalawa at mukhang hindi naman sila nagtatalo sa lagay na 'yon. Kahit naririnig ko ang pinag-uusapan nila ay mas'yadong okupado ang isip ko na hindi ko na magawang maintindihan pa ang pinag-uusapan nila.

"Meron ka na bang masusuot sa prom niyo, Milada?" si Mr. Payton.

"Wala pa, pero kasama ko naman si Cassie na maghahanap no'n... po." tumango siya.

"Ayos ka lang ba? What's bothering you?" hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako.

Umiling ako. Ayaw ko ng sabihin pa ang dahilan ko dahil wala lang naman 'yon. Siguro ay naguluhan lang ako sa naging kilos ni Amadeus. Baka siguro bukas sa practice ay hindi na siya ang partner ko dahil ayaw niya na sa'kin. Muli akong nanghina sa isipin na 'yon.

"If you have a problem... you can talk to us, Milada..." tipid akong tumango sa kanya at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Maaga akong nagising kinabukasan kahit inaantok pa ako. Hindi naman ako agad nakatulog kagabi dahil iniisip ko kung ano ba ang dapat kong maging kilos at reaksyon kapag nakausap ko si Amadeus. Hindi ko rin mapigilang kabahan dahil ang huli naming interaksyon ay noong iwan niya ako kahapon habang nasa practice kami. Is he still going to attend our practice? Partner ko pa rin kaya siya? What if hindi na pala siya sasali sa cotellion?

Nakabihis na ako ng school uniform ko ng bumaba ako ako galing sa kuwarto. Dire-diretso lang ang lakad ko papaunta sa kusina habang inaayos ko ang necktie ko. Pero ng mag-angat ako ng tingin ay ang pares ng pamilyar na mata ang siyang sumalubong sa akin.

"Milada, mag-almusal ka na at maagang pumunta rito si Amadeus. Sabay ba kayong papasok?" si Tita Kilari at aligaga sa pag-aayos ng kakainan ko.

Hindi agad ako nakagalaw dahil sa pagkabigla. Anong ginagawa niya rito?

"Milada, ano ka ba at baka ma-late pa kayo sa school!" doon lang ako nakakilos at mabilis na umupo sa kaharap niyang upuan.

Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya sa buong oras na kumakain ako. Kaya ng oras na para umalis kami ay tuluyan na akong binundol ng kaba. Is he going to confront me about what happened yesterday? I hope not. But the part of me is saying yes...

Operation: Secret GlancesOn viuen les histories. Descobreix ara