Kabanata 18

747 16 1
                                    

"Milada? Amadeus? Nasaan kayo?" mabilis akong naglakad palapit sa lababo.

Si Amadeus naman ay lumapit sa akin at sumandal sa sink na ikinalaki ng mata ko at hindi siya makapaniwalang tiningnan. Nandoon pa rin ang tingin niya na kakaiba at nakakakaba. 

Nahihiya akong nagbaba ng tingin.

"Milada?"

Naging mas malinaw ang boses kaya nalaman kong si Tita Analyn pala ang tumatawag.

"N-Nandito po!" sigaw ko.

Lumitaw si Tita Analyn ng nakangiti. Pero agad napalitan ng pagtataka ng tumingin sa aming dalawa.

"O? May problema ba, Milada?" agad akong napaayos ng tayo dahil doon.

I can still feel Amadeus stares, at alam kong nakikita niyang namumula na ako. I bit my lower lip to suppress my nervous face at the same time my flushed face.

"What are you doing here, Mom?" tanong ni Amadeus.

"Ano bang tanong 'yan, anak? Nagdala akong pagkain kay Milada dahil mag-isa lang siya dito. 'Tsaka masyadong maraming dalang pagkain ang mga pinsan mo." Mas lalo lang akong nahiya at bahagyang lumayo kay Amadeus.

Inilabas ni Tita Analyn ang mga dala mula sa loob ng paper bag. Siya na rin mismo ang nag-ayos at ayaw akong patulungin. Magkaharap kami ng upuan ni Amadeus kaya nakikita namin ng mas malinaw ang isa't-isa.

Ako lang ang kumakain dahil ayaw na ni Amadeus lalo't nakakain na rin naman siya sa kanila. I can feel his dark orbs staring at me. Mabuti na lang at nagsasalita si Tita Analyn at kung miminsan ay tinatanong ako.

"Ano ba ang balak niyong dalawa?" si Tita Analyn.

"We'll watch a movie, Mom..." sagot ni Amadeus.

Nasa may sala na kami at ihahatid si Tita Analyn sa labas.

"Gano'n ba?" tumingin sa akin ang mama ni Amadeus. "Kung gano'n... aalis na ako," ngumiti lang ako at hinayaan si Amadeus na siya ang maghatid sa mama niya sa labas.

Ako naman ay sinet-up na ang TV para pagbalik niya ay mamimili na lang na panonoorin.

Kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon lalo't ito ang kauna-unahang beses na makakasama ko si Amadeus sa ganitong sitwasyon. Manonood ng movie. Kakain. At kaming dalawa lang. Wala naman akong ibang malisya na binibigay pero dahil gusto ko siya ay hindi ko rin maiwasan na kiligin.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Amadeus kaya nagkunyari akong busy sa may TV kahit pa ramdam ko na ang papalapit niyang presensya.

"What movie do you want?" nataranta ako kaya bumagsak ang mga CD sa carpeted floor.

"A-Ah, wait lang..." sabi ko at mabilis na pinulot ang mga CD.

Tinulungan niya ako at sabay namin nakuha ang isang CD na hindi ko kailanman naisip na meron no'n doon.

Namilog ang mata ko at kita kong natigilan din siya habang titig na titig sa balot ng CD. A woman who’s topless and behind her is a mascular man that is also topless.

I gulped and suddenly felt the heat on my face because of my sudden embarrassment. Nagkatinginan kaming dalawa kaya mabilis ko 'yong hinablot at itinago sa likod ko.

"Hindi sakin 'to!" agad kong depensang sabi sa kanya.

"Wala naman akong sinabi." Matigas ang boses niya ng sabihin 'yon.

"A-Ah... oo! A-Ano... kay ano 'to... kay Cassie. A-Ano kasi..." natataranta kong sabi.

Shit! Why am I stuttering?!

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now