Kabanata 28

745 13 0
                                    

Hugging my knees, inalala ko ang mga naging pag-uusap namin ni Amadeus. Sa totoo, ay halos ako lang naman ang nagsasalita. Nandoon lang siya, nakikinig

Isinubsob ko ang mukha ko sa aking mga tuhod at pilit inaalis sa sistema ang kanyang mukha. Aalis na rin naman ako bukas at sana ay hindi ko makita o makasalubong man lang si Amadeus. I don't know what I will say if ever na magkita ulit kami bukas.

Everything I showed to him is just a facade. 

Nagising ako ng maaga at nag-ayos na lang ng sarili dahil nai-ayos ko na rin naman ang mga dadalhin ko pauwi. Pagbaba ko sa dining area kasama ang maleta ko ay nandoon si Cassie at Aiden. Kasama si Amadeus.

"M-Milada!" gulat na usal ni Cassie at mabilis na lumapit sa akin. "Aalis ka na agad? Sino ang magsusundo sa'yo?" 

Iginilid ko muna ang maleta at hinayaan siyang igiya ako sa hapag-kaininan.

"Susunduin ako ni Nevan sa may terminal," nagkatinginan ang mga ito.

"Bakit hindi mo siya ipakilala sa amin? Ah... boyfriend mo?" now I know why they are all confused.

Hindi ko nga pala nabanggit sa kanila na pinsan ko si Nevan kaya ganito na lang ang naging reaksyon nila.

"Nevan is my cousin on my father side." Alinlangang tumawa si Cassie at tumingin kay Amadeus na nasa plato niya lang ang tingin. 

Naupo ako sa kaharap niyang upuan at nagsimula na rin kumain.

"Hindi mo naman sinabi na pinsan mo pala. Well, mas'yado kasi kayong madikit and hindi ka rin nagkukuwento. Pinsan mo pala..." tumango ako.

"Siya iyong sumundo sa akin papunta sa Palawan," tumango ulit siya at tumingin kay Amadeus.

May kung anong binulong naman sa kanya si Aiden na nagpatango rito. Pagkatapos kumain ay hindi na rin naiwasan na makapagkuwentuhan. I know that Cassie and Aiden trying to break the gap between me and Amadeus. 

Hindi ko alam kung nalaman ba nila ang nangyari kagabi o talagang pansin lang nila ang pagiging mailap namin sa isa't-isa. Kaya nang mapag-isa kami ni Cassie ay doon niya na ako kinausap.

"Hindi ba talaga kayo mag-uusap na dalawa?" aniya.

"Nag-usap na kami kagabi, Cassie..." umiling siya.

"Ayon na ‘yon? Kumustahan lang tas kaunting balik sa nakaraan at sasabihing okay na kayo parehas? Na naka-move on na sa past? Sigurado ka, Milada?” aniya tila inis.

“Cassie, ano ba ang gusto mong pag-usapan namin? You want us to fight? Kahit pa noong tinigil namin ang sa amin ay hindi kami nagsigawan, Cassie. We’re both hurt and broken, but at the same time calmed.” 

“Gano’n na lang?” parang nakukulangan pa sa sinabi ko.

“Hindi pa siguro kami handa para balikan ang nakaraan. We were young when it all happened. Both of us are now adult. Siguro naman ay nararamdaman niya na hindi pa kami handa na balikan lahat lalo't parehas kaming nasaktan. Alam kong sobra ako nasaktan. I doubted him. But on the other side, he was hurt too. Kita naman sa kanya na naka-move on na siya, Cassie.” 

Mas lalo itong sumimangot sa akin.

“Alam mo lumayas ka na’t lahat-lahat. Nagpakalayo-layo pero isa ka sa manhid na taong nakilala ko. Ewan ko ba sa inyo! Hindi naman siguro nagmamadali si Amadeus, Milada. You know when he comes back here... ikaw agad ang hinanap niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, dahil kahit ako ay hindi alam kung nasaan ka. You know... I don't want to meddle with your problem but I can see and observed that the both of you has lack of communication." Natahimik ako.

Operation: Secret GlancesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang