Wakas

908 15 1
                                    

We were ten when she was introduced to me. That was the first time I saw her. She's shy. Hiding behind the woman that was talking to my mother.

"Amadeus, this is Milada."

I looked at her. Mas lalo lang itong nagtago sa likod ng tita niya.

We go to the same elementary, same highschool, and same senior-high school.

Kailanman ay wala akong naging interaksyon sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang problema niya sa akin at panay ang iwas. Kapag may party sa amin ay madalas silang maimbitahan ng tita niya. At kapag may salo-salo naman sa kanila ay iniimbitahan din kami. Hindi ko kailanman nakausap dahil tila iwas sa akin.

I once tried to talk to her but a little Milada always ran away.

Milada. That's her name. Unique name.

She has round eyes. Cute smiles. Cute voice. The bangs she has suits her small face. She also has fair skin.

"Mama, mukhang ayaw sa akin ng batang babae." Nagulat si mama sa sinabi ko.

"Paano mo naman nasabi, Amadeus? Look, she's looking at you. She likes you!"

Nilingon ko ang batang Milada. Nakatingin nga ito sa akin pero nang makitang nakatingin din ako sa kanya ay mabilis na tumakbo palayo.

"Pero lagi siyang iwas sa akin. I know I'm a quiet person but I was trying to make friends with her." Ngumiti si mama at hinaploas ang ulo ko.

"Hindi daw talaga madaling kunin ang loob niya, anak. Nabanggit iyon sa akin ni Kilari. Mailap talaga si Milada kaya kung gusto mo siyang maging kaibigan hintayin mong gumaan ang loob niya sa'yo."

And that's what I did. Pero sa nagdaang taon ay hindi nagbago ang pakikitungo niya sa akin. I always asked myself if I did something wrong to her to act that way. Pero kahit anong kalikot ko sa isip ko ay wala akong makuha.

Hanggang sa lumaki na kami at mas luminaw ang pag-iisip ay doon ko napagtanto na ayaw niya lang talaga sa akin.

Nagkaroon siya ng mga kaibigan. Babae at... lalaki. Ako na matagal niya ng kilala ay hindi kailanman nakipagkaibigan.

May pagtatampo ako kahit wala naman akong karapatan. I want to be friends with her too. Pero ayaw sa akin.

Lagi ko siyang nakikitang kasama ang mga kaibigan nito. At dahil doon madalas itong mapunta sa guidance office. Gusto ko man pagsabihan ay mabilis ko ng pinipigilan ang sarili. Hindi ko gustong isipin na pinapakialaman ko siya.

I can't deny that I'm excellent when it comes to academics. Kabaliktaran ko naman si Milada. She always got a low score. Low grades and all. I'm aware of what she was doing because I was also looking at her. To check on her.

"Amadeus, para sa'yo..." binigyan ako ni Angel ng bracelet. Gawa niya daw ito para sa aming student council.

Tinanggap ko ito at sinuot.

"Salamat," she smiled shyly and just nodded her head.

It was valentines day. Obviously, everyone has something to their love ones. May mga natanggap akong regalo sa mga humahanga sa akin. At alam kong normal lang naman 'yon.

I wonder if Milada has someone she likes. Kung may pagbibigyan din ba siya.

Nabigla ako sa naisip. Bakit naman bigla itong pumasok sa isip ko.

But everything change when she confessed to me. I didn't expect that. Gulat ang tanging naramdaman ko kaya naman isang thank you lang ang nasabi ko.

Hindi ko alam ang tamang salita na sasabihin sa kanya. Sa lahat ng taong nagbigay ng regalo ay hindi man lang sumagi sa akin si Milada.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now