Kabanata 4

969 26 16
                                    

Marahan kong isinara ang notebook ko pagkatapos magsulat. Halos kakatapos lang din ng discussion namin kaya naging maingay na naman ang classroom. Halatang hindi pa rin sila maka-move on sa nangyaring eksena kanina. Bumuntong-hininga ako at sumandal na lang sa upuan.

Halos wala akong gana sa buong klase at gusto ko na lang umuwi at magmukmok sa kwarto ko. At kahit naman hilingin ko ito ay hindi ko magagawa dahil class hours pa rin. Panakaw-nakaw naman ng tingin sa akin si Cassie at nang hindi na makatiis ay agad nitong binitbit ang upuan niya at tumabi sa akin.

"Milada..." bahagya ko siyang nilingon at pumangalumbaba. "Baka naman hindi galing kay Amadeus 'yon. Maraming nanliligaw kay Angel at baka ipinabigay lang 'yon kay Amadeus."

Ngumiwi ako sa sinabi niya.

"Sa tingin mo papayag si Amadeus na mabigyan ng bulaklak ang girlfriend niya? They are in a relationship, Cassie. It means, sa kanya galing 'yon. Maybe that's his gift to her for their monthsary. Or should I say... anniversary." Matabang kong sabi.

"Ang nega mo naman kasi. We all know na wala naman talagang confirmation na sila ni Amadeus at Angel. Basta ka na lang nag-conclude kasi nasaktan ka." Naiiling na sabi ni Cassie pero hindi no'n natibag ang kahit anong kirot na nararamdaman ko sa dibdib ko.

"I believe, Cassie. It's a girl instinct." Mataman kong sabi.

"You're hurt because of your 'tamang hinala.' Wala naman sinabing may girlfriend na si Amadeus. Sinabi niya ba sa 'yo? Hindi naman, 'di ba?" hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"I just can't..." mahina kong sabi at palihim na tiningnan si Amadeus at Angel na magkatabi sa unahang upuan.

Selos at inggit ngayon ang namumutawi sa akin. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Hindi ko sila kayang tingnan ng gano'n. Na magkadikit at masayang nag-uusap. Kaya idinukdok ko na lang ang ulo ko at kinalimutan ang presensya ni Cassie sa tabi ko.

Pagdating ng uwian ay hindi ko na nagawang magpakita sa tatlong lalaking kaibigan at nagpaalam na lang kay Cassie na uuwi akong maaga. Hindi ko rin nabanggit sa kanila na tinuturuan ako ni Amadeus sa bahay. At hindi naman na kailangan dahil pansamantala lang 'yon. He's just pitying me for having a bad scores and grades during exams.

Naisipan kong maglakad na lang pauwi kahit kayang-kaya ko naman na mag-arkila ng tricycle. Sinisipa ang iilang maliit na bato na aking madadaan at pagkatapos ay bubuntong-hininga.

Sigurado akong magkasama ngayon si Amadeus at Angel. Sabay sila palagi umuwi at nakikita ko 'yon. Pero hindi naman nagtatagal ang tingin ko dahil agad akong iiwas at mas pipiliin na umalis na lang doon.

Hindi naman ako martir. At higit sa lahat, kahit may gusto ako kay Amadeus ay hindi naman ako disperada. Noong unang umamin ako sa kanya ay iyon na rin ang pagbaon ko ng sikreto. That until now... I still admire and like him. At syempre, hindi niya 'yon malalaman dahil hinding-hindi na ako aamin pa sa kanya ulit. But I will always give him a secret glances.

Nakarinig ako ng yabag na papalapit sa akin kaya mabilis akong lumingon sa aking likuran. Gano'n na lang ang panunuyo ng aking lalamunan ng makitang mabilis na naglalakad palapit sa akin si Amadeus.

"You're a fast walker," aniya at inayos ang strap ng kanyang bag sa balikat nito.

"Amadeus..." nasabi ko na lang.

"Hindi mo kasabay ang mga kaibigan mo?" nagtama ang mata namin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Ah... oo," tipid kong sagot.

Mabilis na nag-init ang aking pisngi ng magtagal ang tingin niya sa 'kin.

"Why?" kuryoso niyang tanong.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now