Kabanata 20

775 18 0
                                    

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at bahagya siyang tinulak. I heard his chuckles dahilan para mas lalo akong mamula. Napasimsim na lang ako sa aking iniinom at walang sinabi.

“‘Wag mo akong mabiro-biro diyan at baka iba ang isipin ko.”

Naiiling kong sabi ngunit nangingiti naman.

“Bakit ano ba ang iisipin mo?”

“Wala. Tumigil ka nga.” Muli siyang natawa.

Maya-maya ay lumapit sa amin si Aiden para sabihin na makisali na kami sa kanila. Kahit ayaw ko ay wala na akong nagawa lalo't lumapit na rin si Jeyra sa amin at hinila ako papunta sa mga nagsasayaw.

Natawa ako ng sumayaw ito ng napakaligalig. Hindi lang naman siya dahil halos lahat. I just swayed my body but not like Jeyra's moves. Sigurado akong magkakasundo si Cassie at Jeyra pagdating sa ganitong bagay.

"Sumayaw ka, Milada! Gusto mo tawagin ko pa si Amadeus at magsayaw kayong dalawa rito?" aniya at kinuha ang kamay ko para pagalawin ako.

"I'm not a dancer, Jeyra..." natatawa kong sabi.

"Eh, ano pa 'ko, Milada? Mukha ba akong marunong sumayaw. Tingnan mo nga itong mga galaw ko. Parang uod na binudburan ng asin sa sobrang likot!"

Malakas akong humalakhak at napahawak sa sariling tiyan dahil sa sobrang aliw kay Jeyra. Mukha rin naman siyang nakainom dahil hindi naman siya ganito kanina noong kausap ko siya.

Bawal ang alak pero hindi ko alam kung saan nila ito nakuha. Mukhang nagbaon pa ang iba.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid pero hindi ko matagpuan si Amadeus. Gumawi rin ang tingin ko sa kinauupuan namin kanina pero wala na ang presensya niya roon.

"Nasaan na siya?" hindi ko mapigilang itanong sa sarili at nagpasya ng umalis sa dance floor.

Nilingon ko muna si Jeyra na may iba ng kasayaw at hindi na napansin ang pag-alis ko.

Napayakap ako sa sarili dahil sa malakas na paghampas ng hangin. Naka-backless pa naman ako kaya tagos na tagos ang lamig.

Naglakad ako sa may tabing dagat at hinayaan ang mga paa ko na maabot ng tubig galing sa dagat. Napatigil ako sa paglalakad ng biglang lumubog ang paa ko sa malambot na buhangin kaya wala akong nagawa kundi ang hubarin na lang lacey flat sandals ko.

Habang bitbit 'yon ay patuloy ako sa paglalakad hanggang sa narating ko na pala ang puno ng buko. Nilibot ko ang tingin at purong kadiliman lang ang natatanaw ko mula sa kabilang dako. I decided to sit on the big rock beside the coconut tree at nagpahinga roon.

Mas'yado pa lang malakas ang tugtog namin na kahit nasa malayo na akong bahagi ay rinig ko pa rin ang tugtog at ang mga boses nila. Wala naman siguro kaming mabubulabog na ibang tao lalo't kami lang naman ang nasa islang ito.

I sighed. Maya-maya lang ay magsisimula na ang fireworks display. Nang makakuha na ako ng sapat na pahinga ay nagpasya na akong tumayo upang bumalik. Pero hindi kalayuan sa akin ay nakita ko si Angel at Amadeus na papasok sa kakahuyan.

Nanuyo ang lalamunan ko ng mapagtanto kung ano ang mangyayari. Aamin si Angel. At talagang isasakto niya pa sa fireworks display!

I sighed and decided to follow them secretly. Mabilis ang naging lakad ko at dahil madilim ay hindi ko na nakita ang nilalakaran ko. Napasinghap ako ng makaramdam ng hapdi  sa aking talampakan.

Mabato at maraming tuyong sanga na alam kong iyon ang dahilan kung bakit ako nasugatan. Hindi ko na 'yon ininda at mas pinagtuunan na lang ng pansin ang dalawang taong sinusundan ko.

Operation: Secret GlancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon