Kabanata 33

670 13 1
                                    

Matagal bago nakabalik sila Amadeus at ang engineer na si Charlene. Kahit kinakausap ako ng ibang engineers ay hindi ko inaalis ang tingin sa unahan. Hindi ko alam kung saan pumunta si Amadeus at ang babae.

Ngayong nandito na sila ay nanatiling magka-krus ang aking mga braso. Nasa tabi ko naman si Amadeus at nakikipag-tawanan sa mga ka-trabaho. Naniningkit ang mata ko sa babae na nasa harapan ko lang din. Mariin akong pumikit dahil sa naiisip. 

They are professionals, Milada. Stop what you’re thinking!

“Are you okay?” dumilat ako at nilingon si Amadeus sa tabi.

“I’m fine.” Wala sa mood kong sabi.

“Maalikabok dito at baka madumihan ka, Milada. Do you want me to call Nevan to fetch you?” 

Umangat ang gilid ng labi ko dahil sa inis sa sinabi niya.

“Do you want me to go now?” hindi matatago ang irita sa tono ng boses ko.

“W-What? No. I just thought you want to go…”

“Magsasabi ako kung aalis na ako, Amadeus. Maybe you want to get rid of me so you and that engineer will have a quality together?” 

Umawang ang labi niya sa sinabi ko. 

Umirap ako at hindi na siya tiningnan. 

“Hindi, Milada. Ayaw ko lang din na madumihan ka dito o malanghap mo ang mga alikabok. And about Engineer Charlene, we’re just being professional here, Milada. Nagkaroon lang ng problema kanina kaya kinausap niya ako. At kung gusto mo ay ako na lang ang maghatid sa’yo sa inyo?” 

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa kamay ko. Para kaming may mga sariling mundo sa gilid habang ang mga tao sa paligid namin ay maingay. Habang kami dito ay nagbubulungan.

“Ikaw ang bahala.” Nasabi ko na lang.

Nagsimula na sila sa kanilang trabaho ng matapos ang oras ng breaktime. Naiwan ako sa barracks nila. Pero bago ako iwan ni Amadeus doon ay nagdala siya ng electricfan sa akin at hindi ko alam kung saan niya ‘yon nakuha. Ang sabi pa’y ayaw akong mainitan. 

May dalawang bottled water din sa aking tabi. Baka daw mauhaw ako habang wala siya. Sobrang inasikaso niya ako kanina at ako na ang nahiya sa ibang engineers dahil alam kong napapansin nila ang kilos ni Amadeus sa akin.

Habang pinapanood ko ang pabalik-balik na si Amadeus sa ginagawa nila ay hindi ko mapigilang mas mamangha. I know that since the beginning he’s always been a hard working person. Mula sa pag-aaral namin at maging sa trabaho niya.

Isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya noon. Hindi siya katulad ng ibang mga lalaki na nakilala ko. May pangarap siya at alam niya kung ano ang gagawin niya sa hinaharap. 

Bata pa lang kami ay nakikitaan ko na siya ng magandang potensyal. At wala akong ibang masasabi kundi ang proud ako sa kanya. Sa mga narating niya sa buhay.

Nakita kong tumingin ito sa akin at bahagyang ngumiti. Pagkatapos ay binalik ang tingin sa kausap.

Binasa ko ang aking labi at uminom na lang ng tubig habang hinihintay siya. 

Hindi naman ako ganoong na bagot dahil sa panonood pa lang sa ginagawa ng mga trabahador ay nalilibang na ako. 

Nilabas ko ang aking phone at kinuhanan ng picture ang site. Nahagip no’n si Amadeus na may hawak na blueprint sa kamay habang nakayuko. 

A smile crept on my lips. I captured a good picture.

Mabilis ko itong inu-upload sa aking Instagram account. Nang matapos ay binalik ko ito sa aking bag.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now