Kabanata 35

814 11 1
                                    

This is the last chapter of Secret Glances.
Enjoy reading!

Nanatili kaming dalawa sa loob ng sasakyan niya. Magkahawak ang kamay. Nakasandal ako sa kanyang balikat at tanging katahimikan lang namutawi sa amin. Amin in ko man pero totoong gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ng nangyari kanina.

Bahagya ko siyang tiningala. Nakapikit ito pero pinaglalaruan ang aking mga daliri. Naputol lang ang katahimikan na iyon ng tumunog ang cellphone ko.

[Milada, nasaan ka na?]

“I’m still here, Tita…”

[Huh? Bakit? May problema ba sa sasakyan ni Amadeus?]

Natunugan ko ang pag-aalala sa kanyang boses kaya naman umayos ako ng upo.

Ramdam ko naman ang paggalaw ni Amadeus sa tabi ko at nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya, ganun din naman ang ginawa nito.

“I think I should bring you home…” he suggested.

Marahan akong tumango.

“Pauwi na, Tita. Pasensya na.” 

[Okay, sige. Mag-iingat kayo…]

Pagkatapos no’n ay namatay na ang tawag. Nilingon ko si Amadeus at nakitang nakadungaw ito sa akin.

“Let’s go?” tumango ako.

Kahit pa nagmamaneho siya ay hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ko. Nang makarating sa bahay ay mula sa labas naroon si Mr. Payton. Mukhang inaabangan ang pagdating ko.

Nakapamewang ito at pinanood ang paglabas ko sa sasakyan.

“Uhm… thank you sa paghatid.” Hindi ko makuha ang tamang salita para sa kanya.

“Kung mag-uusap pa kayo ay maiwan ko na kayo dito.” 

Nilingon namin si Mr. Payton at tipid na ngiti lang ang sinukli nito.

“Thank you, Sir…” si Amadeus.

Pumasok na siya sa loob ng bahay kaya naman kami ulit ang naiwan ni Amadeus.

“I want to talk to you more but it’s already late, Milada. I know you’ll be busy at your restaurant. Doon kita kikitain…” he tucked my hair behind my ears and then caressed my cheeks.

“You’re busy too. Hindi na kita madadalhan ng lunch…” medyo nag-aalala kong sabi.

“I’ll be fine. You don’t have to worry. Let’s just have our dinner together.” 

Hinawakan ko ang kamay niya na nanatili sa aking pisngi. 

“Gabi-gabi?” mahina siya natawa sa tanong ko.

“Kung ‘yan ang gusto mo, wala sa aking problema…”

Nagkatinginan kaming dalawa. Namumungay ang mga mata niya. I gave him a smile.

“Why?” I asked.

“I just can’t believe it…” ako naman ngayon ang natawa. “Ang ganda mo.”

Nag-init ang pisngi ko at mahinang tinulak ang dibdib niya.

“I love you…” I said out of nowhere.

“I love you, Milada…” bumaba ang mukha niya para sana sa isang halik.

Ngunit isang pagtikhim ang nagpahiwalay sa aming dalawa. Mabilis ko siyang naitulak at nilingon ang pinagmulan ng tunog na ‘yon.

Si Mr. Payton na nakasandal sa pintuan habang magka-krus ang dalawang braso.

“M-Mr. Payton!” I exclaimed. Nakaramdam ng sobrang hiya dahil nakita niya pa kami sa ganoong posisyon.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now