Kabanata 17

732 14 2
                                    

Nagpasya akong pumasok sa loob ng hindi naalis ang tingin sa mga binigay niya. Pagdating ko sa kuwarto ko ay agad ko itong nilagay sa side drawer ko at nahiga na sa kama. Sigurado naman ako na magiging maayos na ang pakiramdam ko bukas. Natuyuan lang siguro ako ng pawis kahapon o kung ano pa man na dahilan kaya ako nagkasakit.

Hindi naman ako nagkamali dahil pagkagising ko ay magaan na nga ang pakiramdam ko. Tumingin ako sa wall clock at nakitang pasado alas-sais na. May orientation pa kami sa school kaya kailangan kong magmadali.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ang mga text ni Cassie roon. Nangangamusta kung ayos na ba ang pakiramdam ko at kung makakapasok ba ako ngayon sa school.

At dahil malaya na rin naman ang school sa kung anong suotin ng istudyante ay nagsuot na lang ako ng high-waist denim pants. While my top is in a white polo crop top. I also do my hair in a messy bun. Kinuha ko sa lagayan ang white sneakers ko at ng masigurong maayos na ay inabot ko ang tote bag ko.

Pagdating sa school ay nakaabang na sa labas ng gate sila Cassie. Kumaway ako at tumili naman si Cassie na parang hindi kami nagkita kahapon.

"Okey ka na ba? Parang duda ako sa sinabi mo sa text mo, e!" kinapa niya ang noo at leeg ko. Pinagdikit niya rin ang pisngi namin para malaman niya kung normal na ba ang temperature ko sa katawan.

"See?" sabi ko.

"That's a relief! Paano ba naman kasi ay nalaman ko na lang kay Aiden na sinugod ka ni Amadeus papuntang clinic. I was with him yesterday..." ngumisi ako sa kanya.

"Bakit kayo magkasama, ha?" namula ang pisngi niya at maarteng hinampas ang braso ko.

"Issue ka na naman!" aniya sa pinaliit na boses. Arte!

"Baka mabinat ka niyan? Did you sleep well last night?" I nodded at Radin.

"Hmm, pumunta kasi sa bahay sila Amadeus kasama ang mama niya. They made a soup for me." Eksahederang tumili si Cassie.

"True ba? Ay, concern pala talaga sa'yo si Amadeus!" humalakhak kaming dalawa.

"May sakit ka kasi." Ngumuso ako sa pagsingit ni Ulrim.

"Oh, ano naman kung may sakit ako?" panghahamon ko sa kanya.

"May sakit sa... pag-a-assume!" sabay labas ng dila niya.

Mabilis akong hinawakan nila Radin at Ulrid para hindi mahabol si Ulrim. Alam nilang hahabulin ko talaga ang isang 'yon para makaganti sa kanya.

"Bitawan niyo ako at tatamaan talaga siya sa'kin!" sigaw ko sa dalawa pero mas'yadong loyal ang mga ito sa mokong na 'yon.

"Dapat na natin 'tong ipatumba, Ulrid." Ang tahimik na si Ulrid ay tumango sa sinabi ni Radin kaya nagpumiglas ako at tumili sa pagkiliti nila sa'kin.

Nanghingi ako ng saklolo kay Cassie pero nag-iwas ito ng tingin habang tinitingnan ang kanyang bagong manicure na kuko. Nakangisi ito at mukhang wala na akong pag-asa.

Gusto ko na lang matulog dahil sa sobrang boring ng orientation na ginanap sa auditorium. Plus! Nakakaantok din ang speaker. Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam no'n. Nilingon ko si Cassie na nangingiti sa phone niya. 

Sino naman ba ang ka-text nito?

Kaya pagkatapos ng orientation ay panay hikab ako at tamad na tamad na naglalakad pabalik sa classroom. Naka-kapit ako sa braso ni Cassie habang may kausap ito sa cellphone niya. I can hear their conversation but I was not in the mood to tease her. Alam kong si Aiden ang kausap niya at purong kaartehan ang naririnig ko kay Cassie. 

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now