Kabanata 32

673 11 0
                                    

Pagdating sa rancho ay sumalubong sa amin ang mga nagtatrabaho doon. Aiden and Cassie immediately approached the workers to go with us for lunch. Mukhang natuwa ang mga ito kaya naman iniwan muna nila ang kanilang ginagawa para sumama sa amin.

There’s a big wooden table and a long wooden chair on both sides. Gusto man ni Cassie makasalo sa pagkain ang mga ito ay ang mgatrabahador nahihiyang tumanggi na. Kaya kaming apat na lang ang naiwan sa lamesa para kumain.

“Lumaki lalo ang rancho niyo, Cassie.” Hindi ko na napigilang purihin ito. 

The last time I come here hindi pa ito gaanong malaki. Kaya nakakatuwa naman na mas napalago nila ito.

“Yes, Milada. Mas lalaki pa ito especially that Aiden and I will merge the business of our family.” Nakangiti nitong sabi.

“Is it okay with your family?” nagkatinginan sila.

“Noong una hindi, but we make things work together. Kaya kalaunan ay pumayag na din sila. This is business and wala namang mawawala sa amin ni Aiden kung mag-merge man ang business namin. Mag-asawa na rin kami.” Tumango ako.

“Mas malaki pa rin ang rancho nila Amadeus, Milada. You should visit it.” Humahikhik si Cassie sa sinabi ni Aiden.

Nilingon ko si Amadeus pero ito naman ang nag-iwas ng tingin at tumikhim.

“Aba! Aba! Nahihiya pa, oh!” pang-aasar pa ni Cassie.

“That’s my family's ranch,” He said.

“Ano naman, Amadeus? Whatever! Next time kami naman ang padalawin mo doon.” 

“I have no problem with that,” he said and continued eating.

“Oh, narinig mo, Milada? Wala daw siyang problema kung dadalaw tayo doon.” 

Gusto ko ng kurutin si Cassie dahil sa kaingayan ng bibig nito. Sinaway naman siya ng kanyang asawa ngunit halik lang sa pisngi ang ganti nito. Napailing na lang ako sa kapilyahan ng kaibigan.

Naging payapa naman ang mga oras namin sa rancho. Halos nagtagal kami doon dahil pinakita sa akin ni Cassie ang mga alaga nilang kabayo. 

Noong una ay gusto pa nila mag-horseback riding. Pero dahil may plano pa kami after sa rancho ay sa susunod na lang.

Hindi naman kalayuan ang dagat na pupuntahan namin. May beach house daw sila Aiden doon kaya kahit kinabukasan na kami umuwi ay ayos lang.

“White sand doon, Milada. Doon nagpropose sa akin si Aiden. At doon na rin siguro nabuo ang baby namin. Hindi na kami nakapagpigil eh.” Humagikhik siya at kumapit sa braso ko.

“Tinatanggi mo siya noon, naging asawa mo naman pala.” 

“Pasensya na. Sinuyo kasi ako eh. Bumigay tuloy ang flower ko.” Suminghap ako sa kaibigan.

“I’m happy for you, Cassie. You found your happiness.” 

Nauuna ang mga lalaki habang kami naman ay nahuhuli sa paglalakad. Dahil sa medyo mapuno ang dadaanan namin para makarating sa beach house nila Aiden, nagpasya na lang kaming lakarin ito. Hindi din naman kasi mapapasok ang sasakyan. Kaya heto kami ngayon, naglalakad.

Palingon-lingon naman ang mga lalaki sa unahan pero kalaunan ay magpapatuloy din sa kung ano mang pinag-uusapan nila.

“I can’t wait to say it to you too, Milada. You know, Amadues was silent when you left. Oo tahimik na siyang tao noon pa pero iba talaga nung naging parte ka na ng buhay niya.” 

Hindi ako sumagot.

“Halos nakakasama ko si Amadeus dahil na rin kay Aiden. Noong nagkaroon kaming relasyon ni Aiden at patago sa pamilya ko ay halos kasama namin siya. He looks okay on the outside but Aiden and I know that he’s been missing for the past years of his life. Hindi ko tinutulak si Amadeus sa’yo but nakasama ko din siya, Milada.”

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now