Kabanata 31

736 10 0
                                    

Nanatili akong nakaupo sa balsa habang umahon naman si Cassie dahil nakaramdam na daw ito ng lamig. Napalingon ako ng biglang gumalaw ang balsa kaya napahawak ako ng mahigpit doon. Si Amadeus pala ang dahilan.

"Sorry..." he said.

Tipid lang akong tumango at hinayaan siya sa gilid ko at nanatiling nakalubog ang katawan habang ang likod ay nakasandal sa balsa. Ang mga braso naman nito ay nakapatong doon.

"Hindi ka pa aahon? Are you not cold?" umiling ako ng hindi tumitingin sa kanya.

Natahimik kaming muli at narinig na lang ang boses ni Cassie na tinatawag kami para kumain. Nagulat pa ako ng ilahad ni Amadeus ang kamay niya na walang alinlangan kong tinanggap. Nakita ko pa ang pagkabigla niya ngunit kalaunan ay napangiti rin. Hindi siguro inaasahan na tatanggapin ko ang kamay niya.

We eat are lunch and after, we swim again. Nagkaroon pa ng pa mini games si Cassie dahilan ng pag-init ng pisngi ko.

"Sigurado ka ba, Cassie? Buntis ka!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Milada, papatong ka lang naman sa balikat. Tapos magtutulakan tayo, kung sino ang mahulog sa tubig ay talo!" aniya at humalakhak pa ng malakas. "Love, isakay mo na 'ko!"

Umawang ang labi ko at hindi alam ang gagawin. Nanatili akong nakapatong sa bato habang silang tatlo ay nasa tubig na. Nag-aalala ako para kay Cassie lalo't buntis siya. 

"Come on, Milada! Sumakay ka na kay Amadeus!" pilya niyang sabi at nagawa pa na kindatan ako.

Tumingin ako kay Amadeus at nahuling nag-aabang lang din sa akin. Mas lalo akong pinag-initan ng pisngi lalo't masyadong awkward ang posisyon na 'yon para sa akin. I bit my lower lip and slowly removed my robe. Sinundan 'yon ng tingin ni Amadeus ngunit agad din itinuon ang atensyon sa mukha ko.

Napayakap ako sa sarili ng maramdaman ang lamig ng tubig. Mas lalo akong nataranta ng lumangoy si Amadeus palapit sa akin dahilan para hindi ko alam kung saan ako titingin.

"Come here..." aniya at kahit natutuliro na ay sinunod ko siya at inabot ang kamay nitong humila sa akin palapit sa kanya.

"Lulubog ako sa tubig..." alinlangan akong tumango.

Ginawa niya ang sinabi niya. Lumubog nga siya sa tubig at iyon na ang pagkakataon ko para sumampa sa balikat niya. Napaigtad ako ng hawakan niya ang mga binti ko at ipinirmi iyon bago umangat sa tubig. Napasabunot ako sa buhok niya dahil sa pagkabigla.

"S-Sorry..." tumingala siya habang pinupunasan ang mukha dahil sa tubig.

"It's okay," he smiled. 

He fucking smiled!

Umiwas na lang ako ng tingin. Dahan-dahan siyang naglakad at ramdam kong sinisiguro niya na hindi ako malalaglag mula sa pagkakasakay ko sa balikat niya. My feet is in a crossed way while Amadeus hugging my legs for security. 

Mas naging kalmado na rin ako at hinayaan na lang ang sariling humawak sa ulo niya. Iniiwasan na masabunutan siyang ulit.

"Relax, Milada..." aniya at muli akong tiningala.

"I'm relax..." napapaos kong sabi.

"Ako na ang bahala," aniya dahilan para tingnan ko siya.

"Magpatalo na lang tayo, Amadeus. Cassie's pregnant. I can't risk it. Alam mo naman na kung ano-ano na lang ang naiisip niya. Delikado..." I heard him chuckled.

"Hmm, if that's what you wants..." Nag-init ang pisngi ko at hindi sinasadyang masabunutan siya.

I heard him groan. 

Operation: Secret GlancesKde žijí příběhy. Začni objevovat