Kabanata 11

800 24 3
                                    

Marami akong shots na kinuha kay Amadeus. At kahit simple lang ang post niya sa picture ay hindi ko maiwasan na mas humanga sa kanya. Kahit ilang beses kong sinabi na ngumiti siya sa camera ay wala pa rin. Hindi pa rin ngumingiti at seryoso lang ang mukha. Pakiramdam ko nga kanina habang kinukuhanan ko siya ng picture ay ako ang direkta niyang tinitingnan. 

"Ito, mas maganda itong gawing profile. And this one, you can post it to your Instagram timeline." Sabi ko habang inii-swipe ang screen ng phone niya.

Nasa tabi ko siya at bahagyang nakayuko para makita ang ginagawa ko. And yes! Ang lapit namin sa isa't-isa. Kahit pa mukha akong confident ay hindi maaalis sa sistema ko ang kabahan lalo't nasa tabi ko siya.

"You decide..." simple niyang sabi kaya nilingon ko siya.

Parehas kaming nagulat ng tumama ang tungki ng ilong ko sa pisngi niya. Mula pa kanina ay hindi ako lumilingon sa kanya. Pero isang pagkakamali yata 'yon!

"S-Sorry!" agap ko.

Tumayo siya ng diretso at simpleng tumingin sa akin bago tumango. I smiled weakly. Baka nadiri siya? Baka kasi roon siya hinahalikan ni Angel? 

Gaga! Ilang ulit na nga sayo’ng sinabi na walang sila. At hindi naging sila.

Nanlamig ako sa naisip kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ako na mismo ang nagpalit ng profile picture niya at nagpost ng iba pang picture sa account niya sa Instagram. Tahimik naman siya sa tabi ko kaya kahit papaano ay bawas awkwardness. 

Nagtagal pa ang tingin ko sa account niya sa Instagram. May iilan ng nag-follow sa kanya. At sigurado ako na mas dadami pa ito. Pero ang nasa following niya ay nanatiling ako. Wala ng iba...

"Bakit ako lang ang finollow mo?" tanong ko rito.

"I don't know much about people who use Instagram." Aniya.

"Huh? Ang alam ko si Aiden ay may Instagram din? We're following each other nga, e." Lumingon siya sa 'kin. "Gusto mo i-search ko si Angel tapos i-follow ko?" 

"Why are you bringing up Angel here, Milada? You two are not okay. And I told you that we're just friends..." ngumuso ako.

"Wala naman masama roon, ah? I-fo-follow mo lang naman." Sabi ko pa.

"Is it not okay with you kung ikaw ang ang finollow ko? Do you want many, including Angel?" umawang ang labi ko.

"Hindi naman... ayos lang. Pero i-fo-follow mo talaga si Angel?" pahabol ko pa.

Shit! Milada! Selos ka? Ikaw naman Ng nagtutulak sa kanya na gawin 'yon, ah?

"Kung gusto mo—"

"Hindi! I-I mean..." nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan.

Mas'yado kang napaghahalataan, Milada!

Tumingin ako kay Amadeus pero agad din nagbaba ng tingin. He looks shocked but at the same time, amused.

"You're already enough, Milada. Following you on your social media is enough..." umawang ang labi ko.

Hindi man lang niya nagawang iiwas ang kanyang tingin at talagang sinalubong pa ang mga mata ko. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanya. At sa kanya lang nangyayari 'yon.

Kinikilig ako, pisti!

"Hindi mo nga ina-accept ang friend request ko sa Facebook mo, e." Sabi ko.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. Nilingon ko siya at nakahawak na ito sa ibaba niyang labi habang nangingiti sa akin.

"Sorry, I'm not active on social media." Umismid ako.

Operation: Secret GlancesOnde histórias criam vida. Descubra agora