Kabanata 6

956 25 2
                                    

Isang pasadang tingin ang binigay ko kay Tita Kilari na abala sa kusina. Mula ng makita ko siyang umiyak ng ganoon kalala ay hindi na maalis-alis ang tingin ko sa kanya. At tuwing ngingiti siya sa 'kin ay agad naman akong gaganti para hindi niya mahalata na nababahala ako sa nangyari. 

Hindi niya man sabihin sa akin ang totoo tungkol doon ay pakiramdam ko ay mahalaga sa kanya ang lalaking 'yon. Iba ang iyak niya sa problema. At sa nakita ko noong araw na 'yon ay sobrang iba. Ang mga mata niya ay puno ng pangungulila at sakit.

"Ito na ang pera, sigurado ka ba na hindi ka na magpapasama sa 'kin?" aniya at nagpunas ng kamay sa malinis na basahan.

"Hindi na po... ah, mauna na po ako." Ngumiti siya at tumango.

Kinuha ko na lang ang eco-bag sa taas ng lamesa at lumabas na ng bahay. Tulala ako habang isinasara ang gate. Mukha siyang masaya. 

O, baka naman pinapakita niya lang sa akin 'yon para hindi ako mag-alala?

"Going in the market?" gulat akong napalingon kay Amadeus.

Bumaba ang tingin ko sa kanya. Mukhang galing siya sa jogging. May earphone pa na nakasabit sa kanyang balikat. Naka-t-shirt siya na may tatak na Nike at naka jogging pants din. Medyo basa ang buhok niya dahil sa pawis gano'n din ang kanyang damit.

"Ah, oo." Tipid kong sabi.

"Wait me here," kumunot ang noo ko ng nag-jog siya papunta sa loob ng bahay nila. 

Tulad ng sabi niya ay naghintay ako at pinaglaruan na lang ang iilang bato gamit ang paa ko. Malamig pa ang simoy ng hangin dahil maaga pa naman kaya hindi na ako nag-abalang magdala ng payong.

"Let's go," nagtataka ko siyang tiningnan. 

Nagpalit lang ito ng damit at siguro'y nagpunas ng pawis.

"Huh?" gulat kong sabi.

"Sasamahan kita sa palengke." Aniya dahilan nang pagbilog ng mata ko.

"H-Hindi na! Kaya ko naman..." umiling siya at kinuha ang eco-bag sa kamay ko at siya na ang humawak no'n.

"May inutos din sakin si mama kaya sabay na tayo," bigla akong nakaramdam ng hiya sa pag-aassume na gusto niya talaga ako samahan.

"Sige..." tumango ako at nagsimula na kaming maglakad.

Hindi naman kalayuan ang palengke dito. Kaso kailangan pa talaga namin lumabas ng subdivision para makapunta roon. Kapag sa Biñan bayan pa kasi kami bumili ay mas'yadong hassle. Isa pa, malayo 'yon dito. Kailangan pa mag-commute para makapunta roon.

Pagdating sa palengke ay agad na bumalot sa ilong ko ang malansang amoy ng isda. Ang singaw ng semento, at ang ingay ng mga tao. Nilingon ko si Amadeus na nasa likod ko lang at ginagala ang tingin sa loob ng palengke.

"Ah... dito ako sa gulayan. Tapos dadaan ako sa bilihan ng karne. Ikaw?" nagbaba ang tingin niya sa 'kin.

"Kung saan ka." Napakurap-kurap ako.

"Akala ko ba may bibilhin ka? Paano ka makakabili niyan kung... sasamahan mo ako?" nakita ko ang pagkabigla sa kanya at tumango.

"Right," nilahad ko ang kamay ko para kunin sa kanya ang eco-bag. Agad niya naman iyong binigay ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "I'll go with you after." 

Tipid na tango ang iginawad ko sa kanya at nag-iba na kaming direksyon dalawa. Kaya siguro nagtatanong si Tita Kilari kung gusto ko ba na kasama siya mamili ay dahil marami pala talagng bibilhin. Mukhang naubos na ang stocks sa ref namin kaya ganito karami.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now