Kabanata 29

762 13 0
                                    

Gulat at pagkamangha ko siyang tiningnan pero agad din itong nawala at pilit kumawala sa hawak niya. Mabuti naman at pinakawalan na ako nito at umayos na nang tayo habang ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang slacks.

"Hindi ako nakikipag-biruan sa'yo, Amadeus. At huwag mo nga ako idamay sa mga trip mo. Kung pumunta ka rito dahil sa trabaho, then that's good. Don't include me dahil hindi naman talaga ako kasali!" singhal ko at marahas na binuksan ang pintuan ng sasakyan ko.

Mabilis akong umalis at walang lingon-lingon sa kanya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at bigla na lang siyang nagsalita ng gano'n. 

Nasisiraan na ba siya?

Pagdating sa apartment ko ay parang pagod na pagod ako kaya agad akong nakatulog. Gumising lang ako bandang alas-siete ng gabi para maghanda ng hapunan ko. 

At sa mga araw na nagdaan ay paulit-ulit ko rin na nakikita si Amadeus na labas pasok sa restaurant na pinagta-trabahuhan ko. Hindi naman kami nag-uusap pero madalas ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin lalo na kapag lalabas ako galing kusina.

Madalas din kaming magkasama ni George dahil tulad ng sabi niya sa akin ay gusto niyang masulit ang mga araw na nandito pa ako sa Japan. I gave it him since he's a dear friend of mine.

"Don't you notice? That engineer is always glancing at you, it's not a secret. Parang pinapahalata niya talaga sa'yo." Umiling ako.

"You're just imagining things, George. Bakit niya naman ako titingnan?" pagtanggi ko kahit alam ko sa sarili kong tama siya.

"No... I really see it," giit niya pa.

"Just eat your food before going back to work. Don't mind the customer who's just wanted to eat here." Ngumiti siya at kalaunan ay tumango.

"You're right."

Bumalik kami sa kusina pagkatapos kumain. Dahil araw ng Linggo ngayon ay marami talagang tao na pumapasyal. Nakakapagod man ang trabaho na ginagawa ko ay hindi naman maaalis sa akin na nai-enjoy ko rin ito.

This passion really makes me feel better for the past years. 

Nang matapos ang trabaho ay pagod akong hinalukay sa bag ko ang susi ng sasakyan. But my things fell on the ground. Antok at pagod ang nararamdaman ko ngayon. At gusto ko na lang mahiga sa kama ko.

"Mas'yado mong pinapagod ang sarili mo," sa antok kong mata ay natagpuan nito si Amadeus na nagpupulot ng mga gamit ko sa lapag.

Nabalik ako sa diwa at agad na tinulungan siya. Pinasok ko ang mga gamit sa loob ng bag ko bago tumayo ng tuwid.

"Thanks," mahina kong sabi ng hindi man lang tumitingin sa kanya at inabala ang sarili sa kunyaring pag-aayos ng gamit.

"You're tired. Can you still drive?" nag-angat ako ng tingin.

"Yes, of course..." kunot noo kong sabi.

"I can drive you," mabilis ang pag-apila ko.

"No thanks," lumakad ako palapit sa kotse ko pero ang lalaking ito ay humarang. "What?" pagod kong tanong.

"I can drive you to your house..." aniya.

"Kaya ko, Amadeus. Halos araw-araw gano'n ang ginagawa ko pero nakakauwi naman ako ng maayos at ligtas sa apartment ko." Paliwanag ko rito. 

"I insist," I scrunch my nose.

"Ang kulit mo naman..." bulong-bulong ko at kalaunan ay pumayag na lang din. "Pero paano ang sasakyan ko?"

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now