Kabanata 15

714 19 0
                                    

Hindi ko mapigilang ngumiti habang nilalagay sa sala ang mga box kung saan nandoon lahat ng order ng customer ko. Halos ubos ang mga bago kong gawang crochet dahil sa maraming bumili. Tinulungan din ako nila Tita Kilari at Mr. Payton kanina kaya mas naging madali lang ang trabaho ko.

"Okey na ba lahat, Milada?" tumango ako kay tita.

"Hihintayin ko na lang po na i-pick up ito mamaya," tumango siya at bumaling kay Mr. Payton.

"Aalis kami ni Payton, Milada. Pupunta kaming Palawan. Hindi ka namin maisasama dahil dalawang linggo iyon..." hindi na ako nagulat na gano'n nga ang plano nila.

Minsan ko na silang narinig na napag-usapan ito. At inaasahan ko na rin na hindi ako makakasama lalo't may prom kami sa school. Kahit gusto kong sumama sa kanila ay gusto ko rin naman maranasan na maka-attend sa prom.

"Naiintindihan ko, Tita..." lumamlam ang tingin niya sa'kin.

"Gusto ka namin isama ni Payton para kahit papaano ay makapasyal ka naman. Pero alam naman namin na gusto mo rin daluhan ang prom niyo sa school. May kailangan kasi kaming asikasuhin ni Payton at may kikitain din kami roon. Ayaw kitang maiwan dito dahil gusto kitang makitang suot-suot ang gown na binili at pinili mo pero..." kumapit ako sa braso ni Tita Kilari.

"It's fine, Tita. Plano naman namin ni Cassie na mag-oovernight ako sa kanila. Para doon na rin ako mag-ayos. Don't worry I'll send a picture of myself wearing that." Ngumiti siya.

Nagtanghalian kami sa labas at nausisa ko rin kung ano ba ang gagawin nila sa Palawan. Nalaman pala ni tita na may property si mama doon. May lupa siyang binili na para sana pagtatayuan ng bahay namin pero hindi nagalaw. Tumawag sa kanya ang caretaker ng lupa kaya nalaman niya din. And Mr. Payton will accompany my aunt.

Siguro habang nagkakasama silang dalawa ay muling nabubuksan ang puwang sa dibdib ni Tita Kilari kaya napa-papasok niya na ulit si Mr. Payton doon. At kung tutuusin ay hindi na rin naman ako tutol sa kanila. Napatunayan na 'yon ni Mr. Payton sa araw-araw na pagtitiyaga at pagpapasensya niya kay Tita Kilari kahit na minsan ay tinataboy siya nito.

"Mag-iingat ka rito, ha? Make sure that the door is double lock. 'Wag ka rin magpapasok ng hindi mo kilala. Kahit pa sa subdivision tayo nakatira ay hindi pa rin maiiwasan na may makalusot." Tumango ako.

"And always inform us on where you are going at kung sino ang kasama mo so we know..." ngumiti ako kay Mr. Payton at tumango.

Hinatid ko sila hanggang sa labas lang ng gate ng bahay bago na sila tumulak sa biyahe. Nang mawala na sila sa paningin ko ay pumasok na ako sa loob ng bahay at agad nagvideo call kay Cassie tulad ng napag-usapan namin.

[Pumunta ka na kaya rito? That's boring kung ikaw lang mag-isa diya.]

"Bukas pa ang punta ko sa bahay niyo, Cassie. 'Tsaka maglilinis din ako ng bahay. May mga naiwan silang kalat dito." Sabi ko.

[Wala pa rin bang balita kay Amadeus? Kinukulit ko na rin si Aiden kung anong balita sa kaibigan niya pero wala naman siyang mai-sagot.]

"Hayaan mo na, Cassie. Nag-iiwan naman ako ng message kay Amadeus. Sa number niya at kahit sa social media to make sure na makikita niya. Kung hindi ay hindi ko naman siya mapipilit. Baka naman kasi busy lang talaga sa kanila."

Sumimangot siya sa sagot ko.

[Why don't you try to call him? Baka naman hindi niya nababasa or hindi niya alam. Ano ba ang huling usapan niyo?]

"About sa tie. Pagkatapos no'n ay hindi na kami nakapag-usap. Malapit na ang prom pero hanggang ngayon ay wala akong balita sa kanya. Baka nga hindi na siya sisipot, Cassie."

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now