Kabanata 8

821 25 8
                                    

Tahimik kaming dalawa. Nasa katabing swing ko si Amadeus nakaupo at alam kong panakaw-nakaw siya ng tingin sa akin. Hindi na rin ako umiiyak pero ramdam ko naman ang pamumugto ng mata ko. He comforted me. At hindi ko makakalimutan ang gabing ito.

Tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking palda. Mabilis ko iyong kinuha para tingnan. May text na si Tita Kilari at hinahanap ako. Bumaling ako kay Amadeus at nakitang nakatingin na din sa akin.

"Hinahanap ka na?" tipid akong tumango.

"Uuwi na ako..." mahina kong sabi.

"Let's go then," sa pangalawang pagkakataon ay tango lang din ang naisagot ko.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Nakita niya kung paano ako umiyak dahil pakiramdam ko ay na disappoint ko siya.

"You're thinking it again, Milada..." lito ko siyang tiningnan. 

Hawak niya ang bag ko at paunahan niya itong suot-suot. Gusto ko sanang mag-protesta sa kanya kaso ay mukhang buo na ang desisyon niya na siya ang magbibitbit ng bag ko.

"Hindi naman..." mahina kong sabi.

"It's fine, mababawi mo naman 'yan." Aniya.

"Paano kung hindi na? Next year, grade 12 na tayo. Paano kung gano'n din ang mangyari? Paano kung tuluyan na akong bumagsak at maiiwan ako?" natatakot kong sabi.

Napatigil kami sa paglalakad. Madilim ang kalangitan pero mas madilim ang tingin ni Amadeus sa akin. Gumalaw ang kanyang adams apple at umigting naman ang kanyang panga. Hindi ko alam kung naiinis ba siya sa tanong ko o baka hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Oo't alam kong Calculus lang ang naging problema ko sa exam. Pero malakas ang higit no'n. 

"Gano'n ba kababa ang tingin mo sa sarili mo na hindi mo magagawa ang bagay na makaangat?" hindi ako sumagot. Hinarap niya ako ng tuluyan at ipinatong ang kanyang dalawang kamay sa balikat ko. Tanging ang bag ko na nakasabit sa kanyang balikat ang siyang gumagawa ng harang sa pagitan namin dalawa. "Hindi ka man magaling sa bagay na ito, but I know you have your hidden strength within you, Milada."

Nangilid muli ang luha sa mata ko. The way he said those words are full of gentleness. Suminghot ako.

"B-Bakit mo ba 'to ginagawa? Why are you helping me, Amadeus?" kahit namumuo pa ang luha sa mata ko ay tiningnan ko na siya ng diretso sa mga mata niya.

"Kailangan ba may rason para tulungan ka?" umiling ako. "I'm doing this because I know you needed it."

"Paano kung hindi ko naman pala talaga kailangan, Amadeus? What if I can stand on my own without anyone's help? What if... I don't need your words, huh?" suminghot akong muli.

"You'll needed it," umiling ako.

"You wouldn't understand..." I said.

"I'll understand. Whatever it takes, Milada." Mariin niyang sabi.

"Sagutin mo nga ako, Amadeus. What is this all about? Why did you suddenly talk to me? Bakit bigla kang lumapit? Bakit biglang ganito? Ha? I don't understand. I'm confused..."

Umiling-iling pa ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Unti-unti ay bumabalik sa akin ang mga sinabi ni Cassie. Na baka masaktan ako. Na baka hindi ko kayanin. But I want an answer from him. Matagal na kaming magkakilala. Pero sa nagdaang buwan ay napansin ko na nagiging malapit kami sa isa't-isa.

Operation: Secret GlancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon