Kabanata 23

661 14 1
                                    

We spent our days together. Kung saan-saan kami pumunta ni Amadeus. Tinupad nga niya ang pangako na uubusin namin ang isang linggo sa paglilibot sa Albancia. 

Ang relasyon ko sa pamilya ni Amadeus ay masasabi kong maayos at maganda. Tuwing gabi ay laging may kasiyahan dahil minsan lang naman daw makumpleto ang mga Contrejas. 

Masaya ako dahil naranasan ko ang gano'n sa kanila. Tuwing gabi rin ay nagti-text ako kay Tita Kilari o hindi kaya'y tatawag pero hindi naman sinasagot. Wala rin akong nakukuhang reply sa kanya sa mga text ko.

Naalala ko na naman ang halos linggo ng hindi ko siya nakausap. Hindi ko mapigilang mag-alala lalo't nasa malayo siya. 'Tsaka madalas naman siyang mag-update sa akin kaya lang simula ng mapunta siya sa Palawan ay parang naging bihira na lang. Ayaw ko naman mag-isip ng kung ano pero hindi ko naman mapigilan ang sarili.

"Maybe they are just busy, Milada..." si Amadeus ng sabihin ko sa kanya ang bumabagabag sa akin.

"Ganito rin kasi ang nangyari noong unang beses na halos hindi ko siya ma-contact," sagot ko.

"Just give her an update about your activities here," tumango ako.

Sa mga sumunod na araw ay nakipagkita naman ako sa mga kaibigan. Si Radin, Ulrim, Ulrid at Cassie. Sinama ko na rin si Amadeus pero hindi siya kasama sa lamesa sa restaurant na pinuntahan namin. Kasama niya naman si Aiden na kasama rin ni Cassie.

We catched up. Marami akong kinuwento kay Cassie at halos sabunutan niya na nga ako sa sobrang kilig ng magkwento ko sa kanya sa mga ginawa sa akin ni Amadeus.

"Sincere talaga siya sa'yo!" aniya. "Bakit hindi mo siya yayain na manood ng porn? I remember, my iniwanan akong CD sa bahay niyo..." 

Humawak pa sa kanyang baba. Hinampas ko ang braso niya at napahalakhak siya ng makita ang reaksyon ko.

"He saw it!" asik ko.

Namilog ang mata niya ng may mapagtanto. Malakas siyang tumawa kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. Tumingin din sa direksyon namin si Amadeus at Aiden. At dahil mas gusto namin mag-usap ni Cassie nawalan ng choice ang tatlong lalaki kundi ang maki-share kila Amadeus. Mukha naman silang okey dahil nag-uusap naman ang mga ito.

"Ano ka ba?!" mahina kong bulong sa kanya.

"Anong naging reaksyon niya?" kinuwento ko sa kanya ang buong detalye kung paanong nakita namin ni Amadeus ang porn CD niya na nilagay sa lagayan ng mga movie CD's namin. Tawa siya ng tawa at ako na ang nahihiya sa lakas ng boses niya.

"That's all, Cassie. That was epic, you know!" sabi ko pa at inirapan siya.

"Oh my gee! Hindi ko alam kung ano ba ang dapat reaksyon diyan. Natatawa talaga ako! That was epic!" sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi pa rin natatapos ang tawa nito.

"What if Tita Kilari saw it? Tayong dalawa naman ang mayayari, e!" banta ko pa.

"E, paano na 'yan? Si Amadeus ang nakakita?" nag-init ang pisngi ko ng maalala na naman ang kinalagyan  namin dalawa dahil sa CD na 'yon. "Uy! Namumula siya!"

Natawa na lang din ako. Iniba ko na lang ang topic at mabuti na lang din ay mabilis siyang sumabay dahil kung hindi ay baka iyon at iyon pa rin ang pag-usapan namin dalawa. Kung magaling ako mag-asar, ano pa siya? Napipikon niya nga si Aiden, e.

"Hindi ka ba magkukuwento sa akin tungkol sa inyo ni Aiden?" natahimik siya bigla.

"Wala naman dapat pag-usapan tungkol sa amin," kumunot ang noo ko.

"E, ano itong nakikita ko sa inyong dalawa? Wala lang, gano'n?" nagkibit siya nv balikat.

"Hindi ko rin alam, Milada. Kung alam ko sasabihin ko naman sa'yo. Kasi kahit ako... walang ideya..." malungkot niyang sabi.

Operation: Secret GlancesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang