Kabanata 12

814 20 1
                                    

Mariin akong nakikinig sa bawat ka-grupo na nag-uusap para sa research na aming gagawin. Ako na lang ang nagpresinta na magsulat ng bawat idea na napagkakasunduan nila para may magawa ako. 

Kinuha nga ako ni Amadeus bilang isa sa ka grupo niya. Nahihiya ako noong una lalo't hindi maitatanggi na purong matatalino ang kasama ko. They are all the top students in STEM strand. Nakakahiya na kasali ako rito pero ano naman ang magagawa ko. It looks like Amadeus really want me to be part of his group.

"Sinulat mo ba lahat?" lumingon ako kay Angel na kaharap ko lang.

Oo nga pala. Ka-grupo ko rin siya. It means na araw-araw kaming magkikita para sa project na 'to.

"Yes," sagot ko.

"Good. Para naman may matulong ka." Nag-igting ang panga ko sa sinabi niya.

I hate her for doing this kind of stunts. Mula pa siya kahapon ganito sa'kin. Pinaparamdam niya na wala akong maitutulong sa research. In short, she wants to show me and the others na pabigat ako.

"Angel." Narinig kong saway ni Amadeus sa tabi ko.

Palihim akong umirap at inabot sa kanya ang papel. Tiningnan niya naman 'yon at walang sinabi.

Pagkatapos ng meeting namin ay nagpasya muna na kumain ng lunch. Wala na rin naman kami mas'yadong ginagawa at parang completion na lang sa last grading ng grade 11. Naiwan akong mag-isa sa upuan ko. Hinihintay si Cassie na bumalik sa classroom. Hindi kasi nito nabanggit kung saan sila magmi-meeting ng mga ka-grupo niya kaya hindi ko mapuntahan.

Kahit nakakaramdam ng gutom ay hindi ko talaga nilabas ang lunch box ko. Hanggang sa nakita ko ang papalapit na si Amadeus sa upuan ko. Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin at tumigil na nga ito sa harapan ko.

"Let's lunch together," umawang ang labi ko sa gulat.

"Ha?" gusto kong pukpukin ang sarili dahil malinaw ko naman na narinig ang sinabi ni Amadeus.

"Cassie talked to me. Hindi daw siya makakasabay sa'yo kumain."

Seryoso niyang sabi. Pero makakasabay ko rin naman sila Ulrim sa lunch. Not until my phone beep and found their message. Hindi rin sila makakasabay sa akin. 

"Sigurado ka ba?" paniniguro ko.

"Hindi ka sanay kumain mag-isa kaya sabay na tayo." Napaayos ako ng upo at walang nagawa kundi ang tumango.

Dinala niya ako sa canteen at hindi ako sanay kumain dito. Hindi ko naman 'yon masabi-sabi sa kanya dahil nahihiya ako. 

"Bibili lang ako ng pagkain 'ko," tipid akong tumango sa kanya at mabait na naghintay.

May iilan akong nakikita na napapatingin sa akin dahil alam kong bago sa kanila na nandito ako sa canteen. Alam kong nakita na rin nila na magkasama kami ni Amadeus at hindi na ako magugulat kung may lilitaw na balita na hindi naman totoo.

Nang bumalik si Amadeus ay akala ko'y babalik na siya sa upuan niya. But I was wrong. Kinuha niya ang lunch box ko na nakapatong sa lamesa at nanatili sa gilid ko.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Let's go," umawang ang labi ko.

"Huh? Bakit? Kakain na tayo, 'di ba?"

"You're not comfortable eating here. Saan kayo kumakain ng lunch?" natigilan ako.

Alam niya? Napansin niya na hindi ako kumportable?

"Milada?" tumayo ako at tumango sa kanya.

"Right!" agad kong sabi.

Dinala ko siya sa lugar kung saan kami laging kumakain nila Cassie. Tahimik kaming kumakain at wala rin naman akong sasabihin sa kanya. Napapaisip tuloy ako kung bibigyan niya ba ako ng mabigat na gawain sa research. Kung mahirap man 'yon ay kakayanin ko naman. Pero kung hindi talaga, siguro naman ay puwede akong manghingi ng tulong sa kanya.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now