Kabanata 30

738 13 0
                                    

Mabilis kong kinalas ang pagkakahawak sa kanya at umaktong parang walang narinig. Ang sarap talagang saktan ni Nevan ngayon dahil sa ginawa niyang 'to. Hindi ko alam kung ano ba ang plano niya at talagang si Amadeus pa ang kinuha niya.

Umatras ako at pa simpleng binigyan ng masamang tingin ang pinsang mas'yado nang aliw sa pakikipag-usap sa ibang engineer. Nang matapos ang kamustahan ay inanyayahan ko na silang maupo upang masimulan na ang meeting namin.

Maraming napag-usapan. Sinabi ko sa kanila ang idea ko at kung anong gusto kong magiging itsura ng restaurant na itatayo. Nagbigay din naman silang suggestions sa akin at lahat iyon ay nagustuhan ko. 

Si Amadeus naman ay tahimik lang sa isang gilid ngunit alam kong ang mga mata ay nanatiling nakamasid lalo na sa mga kilos na ginagawa ko. 

I enjoyed their company especially that they are all professionals. Nakakatuwa rin na nabigyan nila akong advices. 

I shook their hands one by one including Amadeus'. I smiled.

"Thank you, I hope we can work very well..." I said softly.

"It's a pleasure to work with you too, Ms. Lumenario..." I chuckled on one of the engineer. 

Nagpaalam ang mga ito at nagtatakang naiwan pa si Amadeus. Sumulyap ako sa kanya na ngayon ay kausap ang pinsan ko. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko lalo't nagtataka kung bakit parang ang close close ng dalawa.

I crossed my arms and didn't mind them. I just scrolled on my phone until the both of them finished their talk.

"Let's go, Milada..." nag-angat ako ng tingin kay Nevan.

"Anong pinag-usapan niyo?" taka kong tanong.

Saglit kong nilingon ang pwesto ni Amadeus na ngayon ay sumakay na sa sariling sasakyan. Hindi man lang nagpaalam o sumulyap sa akin. Bigla akong nakaramdam ng irita.

Ngunit kalaunan ay napagtanto kung bakit gano'n na lang ang naging reaksyon ko. Bumuntong-hininga ako at inalis na lang 'yon sa isipan ko.

"Oh? Curious ka?" pang-aasar niya.

"Mukha ba akong nakikipag-biruan sa'yo, Nevandro?" humalahak siya at itinaas ang dalawang kamay bago ako pagbuksan ng pinto ng kotse.

"We just talk about boys stuff," umarko ang kilay ko.

"Boys stuff, huh?" sarkastiko kong sabi.

"Kaninang nagtatanong ka galit ka. Ngayong sinabi ko kung anong pinag-usapan namin galit ka pa rin. What do you really want, Milada Agnesine?" inirapan ko siya at hindi na sumagot.

"Sa lahat ng pwede mong kunin bakit si Amadeus, Nevan? Inaasar mo ba talaga ako?" he whistled.

"Moved on ka na rin naman. So I think there's no other problem with that," aniya.

"You're not sincere," muli siyang humalakhak. "Whatever!"

Nakarating kami sa bahay ng naiinis pa rin kay Nevan. Marami akong ginawa sa buong araw na si Tita Kilari na mismo ang naghatid ng hapunan ko. Nahiya pa ako sa kanya. Umalis din naman ito agad dahil inaasikaso si Mr. Payton na mukhang may business trip.

Hindi ko na ulit natanong ang tungkol sa kanilang dalawa pero masaya naman ako na unti-unti nilang inaayos ang kung anong meron sa kanila noon.

Nagising ako sa isang tawag at ng sagutin ko 'yon ay halos mahulog ako sa tili ni Cassie.

"What?" I asked.

[Oh my gee, Milada!]

"Cassie, ano ba talaga ang gusto mong sabihin?" inaantok kong tanong.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now