Kabanata 27

693 15 1
                                    

I closed the zipper of my maleta and stood up. Bumuntong-hininga ako ng makita ang dalawang maleta sa harapan. Bukas ang alis ko at nagawa ko ng makapag-leave sa trabaho. 

Tumawag na rin ako kay Tita Kilari para ipaalam na uuwi ako bukas na bukas. Sa sobrang tuwa nito ay narinig ko ang kung anong kalabog mula sa kabilang linya. I don't know what happened but it looks like she okey.

"You look like you're not happy," si Clara.

Pinapunta ko sila dahil gusto ko rin magpatulong na mag-impake. Kaya ngayon ay nandito sila ni Siob sa apartment ko.

"It's just too sudden, akala ko dalawang taon pa ang lilipas bago ako makauwi. Hindi ko akalain na bukas na pala agad..." sabi ko at hinila na ang maleta sa gilid.

"Mauuna ka palang aalis sa akin, e." Si Siob na nakaupo sa kama ko habang nasa kandungan nito ang aking unan.

"Susunod ka rin naman agad. Si Clara ay mahirap kumbinsihin na bumalik. You already travelled almost the half country of Asia, but you're too scared to go back on your own country." Pang-aasar ko kay Clara.

"Shut up, Mill. I'm not ready to go back,” she said.

"Yeah," tipid kong sagot at hindi na inungkat pa sa kanya ang personal nitong problema.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang pinsan kong si Nevan. Siya ang nagsundo sa akin sa airport kahit pa sinabi ko ng kaya ko namang umuwi mag-isa. Nang makita ako ay mabilis itong lumapit sa akin para kunin ang dalawa kong maleta na hila-hila ko.

Parang kanina lang ay nasa loob pa ako ng eroplano at naghihintay sa pag-alis nito. Ngayon ay nandito na ako sa loob ng airport ng bansang nilisan ko sa panahon na pakiramdam ko ay mas maganda ngang gawin. 

The people around here. The familiarity. The smell of the surroundings. Everything feels the same.

"How's your flight?" nilingon ko si Nevan

"Great, hindi naman ako mas'yadong na pagod." Tipid kong sagot.

Nevan looks more matured compared to those years he spent his months with me just to comfort me. Kung hindi ko pa talaga siya pinilit umuwi ay baka hindi ako nito iniwan. I wondered if he has someone now.

"Everyone's excited to see you. Mabuti naman at naisipan mong umuwi?" umirap ako.

"Aalis din ako pagkatapos ng kasal ni Cassie. But before that, I wanted to find a land where I can build my own restaurant. After I fix my work there, I'll come back here again." Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya.

"Your friend is bound to marry your ex-boyfriend's friend. Are you ready to see him? I'm sure that he will be there." Natikom ko ang bibig ko.

"Hindi naman siya ang ipupunta ko sa kasal, Nevan. Bakit naman iyan agad ang naisip mo. That's all in the past. At hindi ko siya ex-boyfriend dahil hindi naman naging kami." Mataray kong sabi at tumingin na lang sa labas ng bintana.

The whole drive is not that boring especially that Nevan is so talkative. Alam kong madaldal na siya noon pero nang makauwi kami sa bahay ay biglang nagbago ang awra nito. Or I just overreacting?

"I missed you, Milada..." si Tita Kilari na kanina pa ako ayaw pakawalan. She holds my hand and whenever she will leave the sala, ay sinasama niya ako.

"I missed you too, Tita. Kamusta naman dito? Kamusta kayo ni Mr. Payton?" she smiled.

"Kailan mo ba balak tawagin si Payton na papa mo? Are you still doubting him?" umiling ako.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now