Kabanata 30

291 15 4
                                    

Kabanata 30

Rejection

It's just life: 'yan na lang ang sinasabi ko sa tuwing may mga pangarap akong nauuwi sa wala. Five years ago, I wanted to be rich, to be a woman of honor and grace, to be with a man so good he'd give up anything for me. I was... insatiable. I wanted everything. Kaya tama lang na walang ni isa sa mga pangarap ko ang nagkatotoo.

Maybe I wasn't ready for them. Maybe they would only turn me into a more conceited version of myself. Right now, I'm learning to be more content. I no longer ask the gods for anything. Sa iba na lang nila ituon ang kanilang atensyon. I can get by.

"Here's your key card, Sir. Enjoy your stay!" Nakangiti kong iniabot sa guest ang kaniyang key card. I glanced at my watch and saw that it was already time for me to go. "Mira," tawag ko sa papalit sa 'kin.

"Sunny, aalis ka na?" tanong niya.

"Oo, e. Maaga pa ako bukas."

Napasimangot siya. "Sayang naman! Inimbitahan tayo ni Fred sa kanila. Kaarawan ng anak niya at saka despidida na rin kasi magd-Dubai siya."

Si Fred ang isa sa mga receptionist dito sa hotel na pinagtatrabahuhan ko. Naging mabuting kaibigan na rin siya sa akin, kaya nasasayangan din akong hindi ako makakadalo sa munting pagsalo-salo. Kaso may interview ako bukas sa Suarez Motor Company. 

Dahil sa dami ng problema, na-delay ako ng isang taon sa College at nitong June lang naka-gradweyt. I am yet to take my board exam this upcoming August. Sa ngayon, kailangan ko ng mas maayos na trabaho dahil part-time lang ako rito sa hotel. Ayos na rin naman ang suweldo pero kulang pa rin para sa lahat ng utang na dapat bayaran. 

"Pasensya na talaga. Alam mo namang may lakad ako bukas." Bumuntong-hininga ako at niligpit na ang mga natitirang liligpitin sa counter. "At saka alam mo naman 'yong si Fred. Talagang mag-aaya ng inuman. Baka ma-late pa ako kinaumagahan."

Ngumuso siya. "O siya, sige. Hindi na ako mamimilit pa. Good luck sa interview bukas."

Matapos sa hotel ay umuwi na ako sa apartment namin ni Minerva. Hinanap ko siya pero hindi ko siya nakita. Pinagsawalang-bahala ko na lang 'yon kasi palagi naman siyang wala. Simula no'ng mamatay si Sab, lagi na lang siyang busy. Pati si Laurel, ganoon din. It was sad at first, but I started to accept the fact that we were drifting apart as time went by. 

Sab was the glue holding us four together. When she left, it was inevitable for our made-up family to fall apart. Siyempre, mahal ko pa rin si Laurel at Minerva. But their way of life continued to be the same — maghanap ng mayamang lalaki, tumambay sa bar, at gumawa ng kung ano-anong kababalaghan. I don't judge them. I just don't resonate with their paths anymore.

I am trying to change, alright. I still long for material things, but I don't try so hard to achieve them anymore. Ganoon pala talaga. Nagbabago ang priorities at goals natin habang tumatanda. Ngayon, gusto ko na lang pagbayaran ang lahat ng mga kasalanan ko. 

Lola Cordelia let me off the hook when she learned about my deception. Basta huwag na raw akong magpakita sa kanila. Tita Sora agreed kasi ang totoong parusa ko raw ay manggagaling sa taong-bayan. I did not get it at first, pero kalaunan ay napagtanto rin ang ibig niyang sabihin. And so, I accepted everything. Every hurtful word, every look of digust, every prejudice. Tinanggap ko kasi alam kong kasalanan ko naman talaga.

"Good morning, Miss," bati sa akin ng guwardiya nang makarating ako sa tanggapan ng Suarez Motor Company.

"Magandang umaga," bati ko pabalik.

The company is starting to gain traction around the world. Their headquarter is here in La Fortuna kasi taga-rito rin ang may-ari. One of my past flings, Levi Suarez, had just earned a place on the board last year. Nauna siyang naka-graduate sa 'kin. After graduation, his father made him a board member. I'm not hoping for him to give me any favor. Pero kung makapasok man ako rito dahil may nakaraan kami, hindi na rin masama. I just really need this job.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now