Kabanata 35

292 19 1
                                    

Kabanata 35

Gone

"Sunny, nakita mo ba 'yong—Oh shit! Ba't hindi ko napansin 'to kanina? Is this the latest model of the Sirius M5 Series?" Nagpabalik-balik ang tingin ni Oliver mula sa 'kin at sa sports car sa harap namin.

Hinarangan niya ang view ko kay Ico at Mr. Joan. Medyo malakas nga lang ang boses niya kaya biglang napalingon sa amin ang dalawa. Hindi kami ganoon kalayo sa isa't-isa kaya agad na nahanap ni Ico ang mga mata ko. Tumaas ang kilay niya, nagtataka kung bakit nandito rin ako.

Ibinalik ko ang atensiyon ko kay Oliver. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Ano ka ba? Hinaan mo nga ang boses mo."

"Huh?" Napalingon siya sa kaniyang likod at natanto ang ibig kong sabihin. "Ah, I apologize for being loud, Mr. Joan," he said while bowing a bit to him. Napakamot siya sa batok at nahihiyang humalakhak. "My first sports car is part of the Serius M5 Series, so I just got overexcited when I saw this model. Kanina pa kasi ako umiikot pero ngayon ko lang 'to nahanap. Pasensiya na."

"Puro kasi free drinks at show girls ang inaatupag mo," pang-iinis ko sa mahinang boses.

Hindi niya 'yon narinig pero mukhang narinig ni Ico kasi kinunutan niya ako ng noo. Baka binasa niya ang galaw ng bibig ko o ano kasi ang layo niya naman sa 'kin. Sunod na dumapo ang tingin niya kay Oliver na ngayon ay nakikipag-usap na kay Mr. Joan. Umirap ako kasi mapanghusga na naman ang tingin niya rito.

"What are you waiting for? Buy it!" Mr. Joan laughed heartily. Magkaharap na kaming apat ngayon dahil sa nabuong usapan. "Unlike the previous model which has only 500 horsepower, this one has been upgraded to 800. It is lightweight and is perfect for drifting."

Wala akong nakuha sa sinabing iyon ni Mr. Joan dahil naiilang ako sa malagkit na titig ni Ico. Ano ba 'tong gagong 'to? Kada kita na lang namin ay titig siya nang titig! He licked his lips and pursed it a bit, tila nag-aabang ng reaksyon mula sa 'kin.

Oliver smirked and suddenly snaked his arms around my waist. Nag-ugat ako sa kinatatayuan ko sa gulat. May pagka-touchy talaga siya. Hinahalikan o kinakandong nga nito sina Jacob at Eloy, e. Wala iyong malisya noon pero 'di na ako kumportable ngayon.

Pasimple kong inalis ang kamay niya sa bewang ko pero ibinabalik niya lang. He's not even aware of it. Abala siya sa pakikipag-usap kay Mr. Joan.

"Oliver, 'yong kamay mo," medyo iritado kong bulong.

Nilingon niya ako saglit. "Hmm? What is it?"

Bakit ang lambing bigla ng boses niya? I gritted my teeth and eyed his hand on my waist before looking sharply at him.

"Oh, okay. Sorry!" Binawi niya iyon kaya napahinga ako ng maluwag.

"So you're working under the Suarez Motor Company? I've been hearing a lot of great things about your models. Si Levi Suarez na ba ngayon ang umuupong CEO o ang tatay niya pa rin?"

"'Yong dad niya pa rin ho," sagot ni Oliver.

"And this young lady over here?" Sinipat ako Mr. Joan kaya pormal akong ngumiti. "Are you under the Suarez Motor Company too?"

Hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi dahil nasa akin na ngayon ang atensiyon nilang tatlo. Nakakainis. Kailan pa ako natutong maging mahiyain at self-conscious?

"Yes, Mr. Joan. Oliver and I are interns," I said smoothly and smiled. Kahit ramdam ko ang pagkailang dahil nandito si Ico ay pinilit kong  magpanggap na ayos lang.

"Kailan matatapos 'yang internship niyo kung ganoon?" Pilyo siyang ngumisi. "Baka puwede kayong lumipat sa kompanya namin? We definitely need more people like you."

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now